JERRY OLEA
Perfect combination ang mag-partner na sadista at masokista. Pareho nilang napaliligaya ang isa’t isa.
Pero hindi naman ganoon ang isang showbiz couple na madalas mag-away.
Battered husband daw ang matiising aktor, pero tila hindi napapagod ang kanyang puso para sa mabangis na wifey.
Kapag meron silang quarrel, hindi lang daw mag-asawang sampal ang nalalasap ng matiising aktor. Nabibigwasan daw siya, nasasabunutan, natatadyakan, naitutulak, nakakaladkad, naibabalibag, at nakakalmot sa mukha habang minumura-mura nang sakdal igting.
Matatalas pa naman ang mga kuko ng mabangis na wifey kaya may souvenir na naiiwan sa mukha ni matiising aktor.
Nagkaproblema ang matiising aktor dahil papunta na siya minsan sa taping, pero medyo maga ang kanyang mukha, may mga galos sa katawan, at may mahabang kalmot sa kaliwang pisngi.
Hindi namin batid kung paano niya ito nalusutan.
Alam ng malalapit na kaibigan ng mag-asawa ang nakakadiliryo nilang alitan. There was a time na ilang araw nakitulog si matiising aktor sa isang close friend.
Super-duper-ultraelectromagnetic kasi ang freestyle bugbog na inabot niya kay mabangis na wifey na ipinaglihi yata sa tigre.
Pananalig ng source ng PEP Troika, wagas man ang kanilang sigalutan ay hindi iyon aabot sa hiwalayan.
Ewan kung ang paboritong tinapay ni matiising aktor ay pasencia.
O baka namn nilukuban siya ng maamong tupa at naniniwala sa kaemehang, “Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng bulak.”
Lubhang dependent kasi si matiising aktor sa kanyang maybahay. Matagal-tagal nang nasa batugan mode ito, at maaaring isa iyon sa ikinai-Ynez Veneracion at ikinaii-Rita Daniela [swardspeak for ikinakainis and ikinakairita, respectively] ni mabangis na wifey, na in fairness ay masigasig at madiskarte.
Si wifey ang gumagawa ng paraan upang maitawid ang mga gastusin nila sa araw-araw. Maparaan si misis, petiks si mister.
Read:
Ex-couple, nagkasundong hindi isasapubliko ang tunay na dahilan ng breakup
GORGY RULA
Sa tingin nga ng ilang malalapit na kaibigan na alam ang kuwento ng kanilang relasyon, mukhang hindi raw iyon aabot sa hiwalayan.
Kapag okay sila, super sweet naman daw sila, huwag lang galitin si mabangis na wifey!
Sana, magbago na rin si matiising aktor na napakabait pa naman at marami pang puwedeng gawin sa kanyang showbiz career kung ma-handle lang siyang mabuti.
May mga araw kasi na wala raw ginagawa si aktor kundi humilata lang, at wala raw siyang effort na makagawa ng paraang kumita.
Mabuti na lang daw at si mabangis na misis ay merong inaasahang suporta sa ilang taong malapit sa kanya, kaya naitatawid ang pang-araw-araw nilang buhay.
May narinig pa kaming isa raw sa binabalak nila ay mag-migrate na sa ibang bansa, lalo’t lumalaki na ang kanilang anak.
Kung walang mangyayari sa showbiz career ni aktor, baka ganun nga ang mangyari.
Baka ang susunod na mababalitaan natin, fly na sila sa ibang bansa, para magsimula ng panibagong buhay.
Read:
Aktres humingi ng kapatawaran matapos pumatol sa boyfriend ng kapwa aktres
Handsome actor baka idemanda ng iniendorsong brand
NOEL FERRER
Pero hindi ba si matiising aktor ang nakatakdang lumipat ng management soon?
Hopefully, matulungan siya ng kanyang magiging manager para maisaayos hindi lang ang kanyang career kundi ang kanyang buhay.
Makakabangon ulit ang taong ito, kung siya mismo ay magbabago at umayos na talaga.
Mark my words!
Read:
Showbiz couple, na mala-relationship goals, nanganganib maghiwalay
TV program bilang na ang mga araw dahil sa problemang pinansiyal
