PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

JC de Vera happy sa married life: "I have the best wife ever."

Kissing scene niya sa pelikulang Apo Hapon, hindi isyu sa kanyang asawa.
by PEP Troika
Published Feb 24, 2024

JC De Vera and wife Rikkah Cruz
JC de Vera on wife Rikkah Cruz: "Very, very supportive and wala, best partner for life."
PHOTO/S: Gerry Olea; @akosijcdeberat on Instagram

GORGY RULA

Hindi apektado si JC de Vera sa mga balitang hiwalayan dahil sobrang saya niya sa kanyang married life at maayos daw ang samahan nila ng asawang si Rikkah Cruz.

“My life right now is very balanced. Kapag walang trabaho, sa bahay lang with my family. Life is simple. Not so much happenings…

“Pero nandun lang ako sa bahay, kasama yung pamilya ko, and then nag-spend time together with them,” pakli ni JC nang nakatsikahan namin pagkatapos ng celebrity premiere ng pelikulang Apo Hapon (A Love Story) noong Huwebes, Pebrero 22, 2024, sa The Block, SM North EDSA, Quezon City.

Read: JC de Vera reveals he married Rikkah Cruz in 2018

Malaking bagay raw na hindi artista ang asawa niya, kaya tahimik lang sila at hindi naiintriga.

“Very confident ako, and I know nasa magandang position ako ngayon, in terms of yun nga, yung relationship with my family. Yeah! I’m very much okay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I have the best wife ever. Very, very supportive and wala, best partner for life. Kasi iniintindi niya talaga lahat, and patuloy lang na inaalagaan yung family namin,” saad ni JC.

Very supportive ang kanyang asawa, at hindi isyu sa kanila kahit may mga intimate scenes at kissing scenes si JC sa pelikula.

Mahaba ang kissing scene ni JC at ng kanyang leading lady na si Sakura Akiyoshi, isang Japanese model, sa ending ng Apo Hapon.


JC De Vera and wife Rikkah Cruz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero alam ni JC na hindi ito isyu sa kanilang mag-asawa. Hiwalay ang trabaho niya sa pagsasama nila ni Rikkah.

Samantala, wala raw gaanong pressure na naramdaman si JC sa Apo Hapon kumpara sa huling nagawa niyang Cinemalaya film noong 2022, ang Bakit Di Mo Sabihin kasama si Janine Gutierrez.

“This is one is somehow lighter kesa dun sa huling ginawa ko. This is very, very much lighter,” napangiting sambit ni JC.

NOEL FERRER

Masaya na ang mag-asawang JC at Rikkah sa dalawa nilang anak na babae.

Balak daw nila ng isa pang anak, pero ayaw rin daw nilang magpa-pressure na dapat maka-baby boy na sila.

“Hindi naman necessary sa amin talaga. Gusto ko, bakit hindi, di ba? Siyempre dalawang babae, hoping na magkaroon ng another one. But of course, sa timing ni God. Kung talagang ibigay, ibibigay, di ba?

“We’re praying pa if pagbigyan ulit kami ni Lord. Sana meron pang isa, but for now, we trust God’s timing. Kung hindi pa, eh okay lang,” saad ni JC.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Proud si JC de Vera sa pelikulang Apo Hapon (A Love Story) na pinagbibidahan nila ni Sakura Ajiyoshi, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Read: Direk Joel Lamangan namangha sa acting ng Japanese actress na si Sakura Akiyoshi

Pahayag ni JC, “It’s beautifully made, of course with his touch. Alam naman natin ang isang proyektong gawa ni Direk Joel.

“Ahhmm maganda ang pagkakakuwento. Maganda ang pagkaka-shoot. Maganda ang pagkakakulay.

“Nagpapasalamat kami sa opportunity na ibinigay sa amin na makatrabaho si Direk Joel.

“With Sakura, thank you also for the opportunity, sa isang napakagandang proyektong ito.

“Si Sakura, she’s very kind, humble, and very cooperative. She really tried her best. Napanood niyo naman sa movie, di ba? Ang galing niyang mag-Tagalog, di ba?

“Ayan, very cooperative, wala kaming naging problema. Very smooth ang pagkaka-shoot ng mga eksena namin.

“And on top of that, nag-enjoy kaming lahat. So that’s it.”

Maliban kina JC at Sakura, nasa cast din ng movie sina Lianne Valentin, Perla Bautista, Rico Barrera, Fumiya Sankai, Nella Dizon, Jim Pebanco, Marcus Madrigal, Elora Españo, Panteen Palanca, at Prince Clemente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Marso 6, 2024, nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang Apo Hapon (A Love Story).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JC de Vera on wife Rikkah Cruz: "Very, very supportive and wala, best partner for life."
PHOTO/S: Gerry Olea; @akosijcdeberat on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results