Pinoy Boys Love series: a genre that boomed during the pandemic

PEP.ph lists down the memorable BL series in the Philippines, so far
by Jerry Olea
Jun 1, 2023
bl series overview
This Pride Month, PEP.ph lists down some of the memorable Pinoy BL series that took the country by storm during the pandemic, including Gameboys starring Elijah Canlas and Kokoy de Santos (center); Hello Stranger starring Tony Labrusca and JC Alcantara (left, top); Ben X Jim starring Jerome Ponce and Teejay Marquez (right, top); My Day starring Miko Gallardo and Inaki Torres (left, bottom); and Gaya Sa Pelikula starring Paolo Pangilinan and Ian Pangilinan (right, bottom).
ILLUSTRATION: Igi Talao

Naglipana ang mga Pinoy Boys Love (BL) series sa YouTube nang lumaganap ang pandemya noong 2020.

Ang iba ay ka-cheap-an, tinipid o minadali, pero merong mga namukod-tangi sa kalidad.

Pinagbuhusan ng talento, panahon, at budget ang mga palabas na gaya ng Gameboys (Mayo 22-Setyembre 13, 2020), Hello Stranger (Hunyo 24-Agosto 19, 2020), My Day The Series (Agosto 8-Oktubre 31, 2020), Gaya Sa Pelikula (Setyembre 25-Nobyembre 20, 2022), Ben x Jim (Oktubre 15-Nobyembre 26, 2020), at Oh, Mando! (Nobyembre 5-Disyembre 10, 2022).

Nandiyan din ang Sakristan (Mayo 31-Hulyo 19, 2020), Quaranthings (Setyembre 4-Oktubre 30, 2022), My Extraordinary (Setyembre 27-Nobyembre 22, 2020), Boys’ Lockdown (Oktubre 15-Nobyembre 26, 2020), Better Days (Oktubre 30-Disyembre 4, 2020), at Why Love Why (Nobyembre 14-Disyembre 26, 2020).

Pandemic stories ang Gameboys, Hello Stranger, Ben x Jim, Quaranthings, Boys’ Lockdown, at Why Love Why.

Streaming sa Netflix Philippines ang Gameboys, Hello Stranger, Ben x Jim, at Gaya Sa Pelikula. Nasa AQ Prime Stream ang Quaranthings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GAMEBOYS

Mayo 22, 2020 nag-umpisa ang Pinoy BL series na Gameboys sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Read: First episode ng BL series na Gameboys, patok sa netizens

Pinagbidahan ito nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos bilang Cairo at Gavreel, respectively. Ang tambalan nila, EliKoy o CaiReel.

gameboys

Elijah Canlas and Kokoy de Santos

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nasa cast din sina Kyle Velino, Adrianna So, Jerom Canlas, Miggy Jimenez, Sue Prado, Rommel Canlas, Kych Minemoto, at Angeli Nicole Sanoy.

Idinirek ito ni Ivan Andrew Payawal, mula sa panulat ni Ash M. Malanum. Executive producers ang mga direktor na sina Perci Intalan at Jun Robles Lana.

Ipinagdiwang ang first World Gameboys Day noong Mayo 22, 2021.

Hulyo 13, 2021 nag-streaming ang Gameboys The Movie sa KTX.

Read: Elijah Canlas at Kokoy de Santos, game na game sa love at kissing scenes sa Gameboys The Movie

Sa second World Gameboys Day noong Mayo 22, 2022 nag-streaming ang season 2 ng Gameboys sa KTX at Vivamax Plus.

Nagkaroon na ng kani-kanyang projects sina Elijah at Kokoy.

Gawad Urian best actor si Elijah para sa pelikulang Kalel, 15 (2019), na tinampukan din nina Eddie Garcia at Jaclyn Jose, sa direksiyon ni Jun Robles Lana.

Read: Janine Gutierrez, Elijah Canlas big winners sa 43rd Gawad Urian

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May butt exposure ang EliKoy sa kani-kanyang Vivamax Plus movie — si Elijah sa LiveScream (2022), si Kokoy sa Death By Desire (2023).

The same universe ng Gameboys ang GL series na Pearl Next Door ni Adrianna So, maging ang Vivamax movie na PaThirsty nina Alex Diaz at Kych Minemoto.

Wala nang World Gameboys Day this year?

“Hay naku, di namin ma-celebrate. May inaayos dapat ako sa Japan pero di natuloy, e,” pahayag ni Direk Perci noong Mayo 28, Linggo, via Messenger.

“Although ang sweet naman ng fans, sinelebrate pa rin nila noong Monday, May 22.”

Read: Gameboys stars Elijah Canlas at Kokoy De Santos pinag-usapan ang kanilang "kasal"

HELLO, STRANGER

Sa Facebook page at YouTube channel ng Black Sheep nag-streaming ang Hello, Stranger umpisa Hunyo 24, 2020.

Bida rito sina Tony Labrusca at JC Alcantara bilang XavMi, Xavier + Mico.

Natapos ang unang season nito na hindi naglapat ang kanilang mga labi. Idinirek ito ni Petersen Vargas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

hello stranger

Tony Labrusca and JC Alcantara

Supporting cast bilang mga katropa ni Mico sina Vivoree Esclito, Patrick Quiroz, at Miguel “Migs” Almendras.

Lumabas bilang bubog sa XavMi si Gillian Vicencio, at may moment si Meann Espinosa bilang propesang Tina Moran.

Ang sequel nitong Hello, Stranger The Movie ay nag-streaming noong Pebrero 12, 2021 sa iba’t ibang platform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: JC Alcantara, naiyak sa premiere night ng Hello Stranger The Movie

Ni hindi nabanggit sa mediacon ng movie si Patrick Quiroz, na noong panahong iyon ay “nagpapahinga” sa California, USA. Nabuwag agad-agad ang tambalang Patrick-Vivoree.

Nakabalik na sa Pilipinas si Patrick noong Oktubre 11, 2022 nang sumambulat ang paratang laban sa kanya ni Rhys Miguel Eugenio via Instagram Live. Kaugnay iyon sa taping ng seryeng He’s Into Her (2021) na pinagbidahan ng DonBelle, Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Read: Ex-PBB housemate Rhys Miguel accuses singer-actor Patrick Quiroz of inappropriate sexual behavior

May maikling role si Patrick sa 1st Summer MMFF (Abril 11-18, 2023) official entry na Love You Long Time, at sa pelikulang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan na nag-streaming sa Prime Video umpisa Mayo 18, 2023.

Nagpakitang-gilas si Migs Almendras sa Vivamax, partikular sa mga seryeng AN/NA at High (School) On Sex.

May mga kasunod pang mga project si Tony Labrusca. Si JC Alcantara, isa sa mga suporta sa DonBelle movie na An Inconvenient Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Hunyo 2022 ay ibinalita ng Black Sheep na bida si Alex Diaz sa first ever BL dating game show na Hello Searcher. Ang tagline nito, “Let the sparks begin.”

The Searcher si Alex, at may anim na pagpipilian searchee kung kanino wagas ang kanyang sparks. Host o Mother Sparker si Mela Habijan.

Hulyo 25, 2022 nang i-tweet ng Black Sheep na hindi na tuloy si Alex sa Hello Searcher.

Agosto 13, 2022 nang ihayag ng Black Sheep na ang architect-athlete na si Karl Bautista na ang The Searcher. Hulyo 29 hanggang Agosto 26 ang Ghost Month ng taong 2022.

Ni-reformat ang Hello Searcher. Ginawa itong Sparks Camp, the Philippines’ first ever BL dating reality show. Host si Mela Habijan, at direktor si Theodore Boborol.

Nag-streaming ang unang episode ng Sparks Camp noong Mayo 24, Miyerkules ng gabi, sa YouTube channel ng Black Sheep.

Kabilang si Karl Bautista sa sampung hopeful sa the country’s newest queer dating reality show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mela Habijan on Sparks Camp campers: "Mayroong NBSB, mayroon namang jaded na sa pag-ibig."

MY DAY

Mabangis ang halikan at harutan nina Miko Gallardo at Iñaki Torres bilang Sky at Ace sa My Day The Series, na idinirek ni Xion Lim. Nag-streaming ito sa YT channel na Oxin Films.

Sa isang swimming pool scene ay bumaba ang boxer short ni Miko at sandali siyang pwetmalu.

miko gallardo inaki torres my day

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Miko Gallardo and Iñaki Torres

Higit pa sa kilig ang hatid ng tambalan nilang AkiMi. Kaso, nagkaroon ng gusot sa kanilang pagitan.

Maigting ang himutok ni Iñaki kontra kay Miko at sa produksiyon. Tahasang sinabi ni Iñaki na buwag na ang AkiMi, at walang sequel ang love story nina Sky at Ace.

Gumawa ng ibang BL series sa ibang produksyon si Iñaki. Nagprodyus din ng ibang BL series ang Oxin Films. Hindi napantayan ng mga ito ang My Day.

Noong Abril 15, 2023 ay nag-premiere sa YT channel ng Oxin Films ang bagong BL series na My Story, kung saan tampok pa rin si Miko Gallardo bilang Ace. Ang bagong love interest niya rito ay si Teejay Marquez bilang Win.

my story

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Miko Gallardo and Teejay Marquez

Sa ngayon ay mas pino-promote ng My Story ang tambalan nina Jericho del Rosario at Hiro Shimoji, kesa sa tandem nina Miko at Teejay.

Ang first fan meet nina Jericho at Hiro ay gaganapin sa Hunyo 1, Huwebes ng 5:00 p.m., sa Atrium ng Lucky Chinatown Mall ng Maynila.

GAYA SA PELIKULA

PangPang ang pambenta ng Gaya sa Pelikula (GSP) — tambalan nina Ian Pangilinan at Paolo Pangilinan.

Prinodyus ito ng Globe Studios, kaya malaki-laki ang budget ng production. Bongga ang mga kanta! Idinirek ito ni JP Habac, mula sa panulat ni Juan Miguel Severo.

Ang buong pamagat ng GSP ay Juan Miguel Severo’s Gaya Sa Pelikula.

Pa-sweet ang mga hanash at kuda ng PangPang.

gaya sa pelikula

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paolo Pangilinan (left) and Ian Pangilinan

Magkakaroon sana ito ng second season. Kaso, ibinunyag ni Paolo ang mapait na karanasan niya sa piling ni Juan Miguel. Kaya naudlot ang proyekto.

Read: Paolo Pangilinan posts cryptic tweets about alleged harassment; netizens link it to Juan Miguel Severo

Naghubad at nakipaglampungan si Paolo Pangilinan kina Miggy Jimenez (ng Gameboys) at Cedrick Juan sa pelikulang Two and One, na nag-streaming noong Oktubre 5, 2022 sa Vivamax Plus.

Read: Cedrick Juan, Miggy Jimenez, may ka-threesome sa movie; na-shock ba ang kanilang girlfriends?

Kagaya ni Patrick Quiroz (ng Hello Stranger) ay may maikling papel si Juan Miguel Severo sa 1st Summer MMFF entry nina Carlo Aquino at Eisel Serrano na Love You Long Time, sa direksiyon ni JP Habac.

Kasama naman si Ian Pangilinan sa cast ng MMFF 2022 entry na Family Matters, kung saan gumanap siya bilang panganay nina Nonie Buencamino at Agot Isidro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEN X JIM

Hindi na baguhan sa industriya ng showbiz nang magsanib-puwersa sina Teejay Marquez at Jerome Ponce sa Ben x Jim, na idinirek ni Easy Ferrer para sa Regal Entertainment.

Nakakaengganyo ang istorya at pagkakalahad, at OK ang support nina Kat Galang at Ron Martin Angeles, pati nina Sarah Edwards at Johannes Rissler.

Libre itong napanood sa YouTube channel ng Regal. Patok na patok!

jerome ponce teejay marquez ben x jim

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jerome Ponce and Teejay Marquez

Iyong season 2 na Ben x Jim Forever ay may bayad para mapanood ang streaming sa Upstream.

Itinambak dito ang mga artista mula sa iba’t ibang BL series. Andiyan sina Royce Cabrera (ng Quaranthings), Miko Gallardo (ng My Day), at Darwin Yu (ng My Extraordinary). Nasa cast din sina Vance Larena, Jomari Angeles, at Ejay Jallorina.

Dapat sana’y may Season 3 pa ang istorya nina Ben x Jim.

Read: Jerome Ponce, posibleng ma-in love kay Teejay Marquez? Teejay, "magdamag na kinikilig" kay Jerome

Patuloy naman ang usad ng career nina Teejay at Jerome.

Noong Abril 26 ay nag-umpisang mag-streaming sa YT channel ng Regal ang bagong BL series ni Direk Easy Ferrer, ang The Day I Loved You.

Bida rito ang Cinemalaya 2022 best actor na si Tommy Alejandrino para sa The Baseball Player. Co-stars dito ni Tommy sina Raynold Tan at Rabin Angeles.

OH, MANDO!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Oh, Mando! nina Kokoy de Santos, Alex Diaz, at Barbie Imperial ang unang Pinoy BL series na nag-shooting.

Nasa ikaapat na shooting day na nito si Direk Eduardo “Edong” Roy Jr. noong Marso 2020 nang matigil dahil sa paglaganap ng pandemya. Nabinbin ang five more shooting days pa dahil sa community quarantine.

Lungkut-lungkutan siyempre noon si Kokoy, lalo pa’t naudlot din ang isa pang teleserye nito sa ABS-CBN. Isa iyon sa mga nagbunsod sa The IdeaFirst Company para sumubok mag-Gameboys.

Matapos i-shoot ang Episode 10 ng Gameboys na siya dapat finale ng season 1, saka pa lang nabalikan ni Kokoy ang Oh, Mando!.

oh, mando!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alex Diaz and Kokoy de Santos

Ang director’s cut ng Oh, Mando! ay nag-streaming sa iWantTFC. Pwetmalu roon ang isang ekstra, pati si Alex sa shower scene.

Supporting actors ng series sina Dominic Ochoa, Andrea del Rosario, Joel Saracho, Almira Muhlach, Julian Roxas, Z Mejia, Ron Martin Angeles, at Miguel Villasis.

Si Direk Edong din ang nagdirek ng mga pelikulang Lola Igna (2019), Pamilya Ordinaryo (2016), Quick Change (2013), Bahay Bata (2011), at ng Cinemalaya 2019 film na Fuccbois na pinagbidahan nina Kokoy de Santos at Royce Cabrera.

Pumanaw si Direk Edong noong Pebrero 21, 2022 sa edad na 41.

Read: Award-winning director Eduardo Roy Jr. dies at 41

UNLOCKED, HAPPENSTANCE

Queer anthology ang Unlocked (Hulyo-Setyembre, 2020) na nilikha ni Direk Adolf Alix Jr. para sa GagaOOLala.

Merong BL, pero meron ding GL. Iba-iba ang sensibilidad. Merong mapangahas, merong pa-tweetums, merong tigib ng drama. Lahat, kaugnay sa lockdown o community quarantine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dapat sana’y anim na episodes lamang ito, pero dahil sa magandang feedback ay naging siyam na episodes.

Read: Markki Stroem feels safe shooting love scenes with Mike Liwag for Unlocked series

Tampok dito ang mga istorya nina "Andrew & Brix" (Markki Stroem, Mike Liwag), "Calvin & Drake" (Oliver Aquino, Miguel Almendras), "Eli & Frankie" (Mailes Kanapi, Angeli Bayani), "Greg & Harold" (Joel Saracho, Ross Pesigan), "Ivan & Jack" (Gold Aceron, Evelyn Vargas), "Kyle & Kyle" (Adrian Alandy), "Luke & Matt" (Vince Rillon, Kirst Viray), "Neo & Omar" (Miggs Cuaderno, Saviour Ramos), at "Pancho, Quinn & Ryan" (JC Tan, Markki Stroem, Miggy Campbell).

unlocked

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JC Tan, Markki Stroem, and Miggy Campbell in Unlocked

Pinasimulan ni Markki, tinapos din niya. Iyong video clips ng mga mapangahas na eksena ay agad kumalat online. Walang frontal nudity rito. Daya iyong kissing scene nina Miggs at Saviour.

Kakaibang BL series ang kasunod na proyekto ni Direk Adolf, ang Happenstance na nag-streaming sa GagaOOLala umpisa Disyembre 25, 2020.

Bida rito sina Kiko Ipapo at Jovani Manansala.

kiko ipapo jovani manansala happenstance

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kiko Ipapo and Jovani Manansala

Suportado sila nina Rosanna Roces, Alan Paule, Erlinda Villalobos, Angeli Bayani, Shu Calleja, Saviour Ramos, Miggy Campbell, at Bembol Roco.

Read: Happenstance stars reveal their dream "leading men"; are they willing to do frontal nudity?

LOVE AT THE END OF THE WORLD

Disyembre 30, 2021 nag-premiere sa GagaOOLala ang BL anthology ni Direk Shandii Bacolod na Love At The End Of The World.

Ito ang pinakamapangahas sa lahat ng Pinoy BL stories noong kasagsagan ng pandemya.

Nag-frontal dito sina Nico Locco at Elijah Filamor, at may konting pasilip si Markki Stroem.

Bigay na bigay rin sa pagtatalop at pakikipaglampungan sina Rex Lantano, Kristof Garcia, at Yam Mercado.

Lutang ang husay sa pagganap ni Gold Aceron.

love at the end of the world

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Rex Lantano and Kristof Garcia

Ito ang huling obra ni Direk Shandii. Pumanaw siya noong Hunyo 9, 2022 sa Bangkok, Thailand.

Read: Love At The End of the World director Shandii Bacolod dead at 39

Rumaratsada na si Nico sa mga proyekto sa Vivamax pero hindi pa uli siya nagpo-frontal.

Nangako si Markii sa isang kaibigang theater director na sa isang dula nito ibubuyangyang niya ang kanyang private part.

Nagbida rin si Markki sa Cignal TV series na My Delivery Gurl bilang drag queen na si Bianca D. Leading men niya rito sina Victor Basa at Rocky Salumbides.

Read: Markki Stroem admits challenges of drag look for My Delivery Gurl

PINOY BL FESTIVAL

Nakakasindak ang line-up ng Pinoy BL festival na nakatakda noong Hunyo 24, 25, at 26 sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City. Handog ito ng Big Four Productions.

Maliban sa mga imported na Thai BL actors, naka-pralala na kabahagi sa Pinoy BL Awards sa ikatlong araw sina Enzo Santiago, Darwin Yu, Z Mejia, Keijee Mesina, at Catcat Sanchez ng My Extraordinary; Paolo Pangilinan ng Gaya Sa Pelikula; Kych Minemoto, Miggy Jimenez, at Adrianna So ng Gameboys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Markki Stroem, Nico Locco, Rex Lantano, Yam Mercado, Kristoff Garcia, at Khalid Ruiz ng Love At The End Of The World; Genesis Redido ng Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam; Arkin del Rosario at Gus Villa ng Boyband Love; Iana Bernardez ng Pearl Next Door; at marami pang iba.

Ang VVIP ticket (good for 3 days) ay P10K. Para sa Day 1 & Day 2, ang VIP ticket ay P6500, ang Platinum ay P5500, ang Gold ay P4500, at ang Silver ay P3500. Ang General Admission tickets ay P1,000 sa first day, P1,500 sa second day, at P1500 sa third day.

May artcard na kesyo official media partner ng festival ang ABS-CBN, pero tahasang itinanggi iyon ng mga taga-Kapamilya Network na nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).

Noong Hunyo 26 na pangatlong araw ng festival, may announcement sa social media ang produksyon:

“Pinoy BL Awards today, will be moved on a different date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We are sorry for the late notice. But, we are making sure the event, the preparations and the guests that we will be bringing back will have as best an experience as possible.

“To all ticket holders, please keep your tickets with you because you may still use your tickets for the said event.

“Thank you!!!”

Makalipas ang dalawang araw, naglabas ang produksyon ng PUBLIC APOLOGY & OFFICIAL STATEMENT sa socmed:

“The Pinoy BL Festival and Pinoy BL Awards was organized to originally highlight only Pinoy BL Actors, a noble idea that grew in scope to include foreign guests and actors.

"Initially, there were partners and sponsors who committed to the event. A supposed co-presentor asked to move from April to June for Pride Month.

"Sadly, when artists were already confirmed, the co-presentor backed out. Leaving the producer empty handed and a handful of small sponsors who committed XDeals and no monetary assistance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Fans have been bashing the event and innocent people were named left and right.

“The actor guests have been taken cared of, they were fetched from the airport going to the hotel at the Novotel Araneta Center. 4 neat dressing rooms with CR at the backstage, tons of bottled water from Nature Spring, make up artists, catering services inside the dome for the artists and they also had a welcome dinner in a chinese restaurant in Tondo Manila.

“It is very unfortunate that the translator did not arrive during that night, prompting one of the actors to help out. On the 2nd day, 2 translator were invited to help out the actors.

“Yes, there are a lot of lapses, but the producer tried to give everyone what they wanted. As much as the idea is ideal, we publicly apologize to a few chosen fans who had to extend their own resources, time and effort to help out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We tried, we may have failed this time around but please accept our deepest regret and apologies. Just know that we are learning, and we will not turn back on obligations.

“Again, there are people who have gone beyond their means to help out, local and otherwise. We can't thank you enough.

“We are sorry for all, we will make it up to you but, please do not blame people who helped us in getting the actors here, artists and guests who's names are being dragged in and logistic volunteers who only wanted to lend a helping hand.

“To those who have posted pictures of the ‘so called producers’ please clear their names, they are but artists, performers, guests, coordinators or volunteer staff and crew.

“The Pinoy BL Awards is not cancelled, it is reschedule. Just hold your tickets and wait for further announcements.

“Again, our fault .. we are learning, we will make it right and we deeply apologize.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mag-iisang taon na ang lumipas pero wala pang linaw ang OPM (Oh Promise Me) ng produksyon kung kailan gaganapin ang Pinoy BL Awards.

Kailan nga ba? Kapag nagkaprangkisa na muli ang ABS-CBN? O kapag nakipagbalikan na si Moira de la Torre kay Jason Marvin Hernandez?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This Pride Month, PEP.ph lists down some of the memorable Pinoy BL series that took the country by storm during the pandemic, including Gameboys starring Elijah Canlas and Kokoy de Santos (center); Hello Stranger starring Tony Labrusca and JC Alcantara (left, top); Ben X Jim starring Jerome Ponce and Teejay Marquez (right, top); My Day starring Miko Gallardo and Inaki Torres (left, bottom); and Gaya Sa Pelikula starring Paolo Pangilinan and Ian Pangilinan (right, bottom).
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results