GORGY RULA
Samu’t saring emosyon ang naramdaman ni Katrina Halili nang manalo siyang Best Supporting Actress sa 10th Emirates Film Festival sa Dubai noong Marso 3, 2024.
Napanalunan ito ni Katrina para sa pelikulang AbeNida, at matitinding artista ang nakakalaban niya mula sa mga bansang Egypt, Italy, Syria, at Morocco.
Read: Katrina Halili wins first Best Supporting Actress award in 21 years
Sa naturang international film festival ay nanalo rin si Allen Dizon bilang Best Actor, at nagwaging Best International Film Feature ang pelikula.
Nominado rin sa Best Supporting Actor si Direk Joel Lamangan at sa Best Director si Direk Louie Ignacio.
Read: Joel Lamangan, galit sa artistang "nagkukunwa-kunwaring alam niya pero tanga"
KATRINA HALILI, HAPPY AND SAD AT THE SAME TIME
Nung ibinalita raw kay Katrina ng line producer na si Dennis Evangelista ang pagkapanalo niya, nagluluksa pa rin daw siya.
Binawian ng buhay ang kanyang boyfriend na si Jeremy Guiab noong Enero 28.
Read: Katrina Halili still grieving over boyfriend Jeremy Guiab's death
Nadagdag pa sa lungkot niya ang pagpanaw ni Jaclyn Jose, Mary Jane Guck sa totoong buhay, noong Marso 2.
Lahad ni Katrina, “Nung araw po na nag-message po sa akin si Sir Dennis, nung umagang yun po kasi, medyo malungkot ako.
“Tapos nung mga pagabi na, si Tita Jane naman, di ba? E, kakagaling lang niya sa bahay ko para po i-comfort ako.
"So umiiyak po ako, tapos nanalo po ako ng award. Hindi ko alam kung ano ang reaksiyon ko.
"Parang hindi ko sasabihin na sobrang saya. Napangiti lang ako. Kasi, di ba? ‘Ha? Talaga?’
"Parang di ba, ang hirap kasi. Parang si Tita Jane, nandun ako, naggi-grieve ako nun kay Tita Jane, saka sa boyfriend ko.
"Tapos, ‘Nanalo ka ng award!’
"Ang saya ko naman. Tapos ibinalita ko agad sa family ko na masaya naman sila.”
Read: Katrina Halili posts convo with Jaclyn Jose comforting her after boyfriend's death
KATRINA HALILI: FROM FHM SEXIEST TO BEST SUPPORTING ACTRESS
Nabawasan ang pighati ni Katrina sa pag-recognize ng 10th Emirates Film Festival sa trabaho niya.
Pagtatapat pa ni Katrina, “Actually, never ko na inisip na magkaka-award pa ako. Kasi dati pa lang sabi ko, ano ba iyan? Wala man lang akong ka-award award,” bulalas ni Katrina sa media conference ng pelikula nilang AbeNida nitong Marso 23, Sabado sa Max’s restaurant, Scout Tuason, Quezon City.
Happy na raw sana siya sa nakuha niyang FHM’s Sexiest, at hindi na umaasang magka-acting award.
“Actually meron namang FHM. Sabi ko, mukhang hanggang dito na lang ito. Tapusin na natin ito.
“So happy ako pero hindi ko na talaga ini-expect magkaroon ng award. Basta nagtatrabaho lang ako.
“Kasi di ba, hindi na nga po ako naghahangad ng award? Sabi ko, ang tagal-tagal ko na hindi na ako nagka-award. FHM Sexiest, okay na, dedma. “
Wow! Mangyayari pa pala iyan. Kasi never po talaga ako nag-expect. Ang tagal-tagal ko na, 20 years na,” dagdag niyang pahayag.
Nag-umpisa ang showbiz career ni Katrina sa reality competition na StarStruck noong Oktubre 2003.
Tinanghal siya bilang FHM’s Sexiest Woman of the Year noong 2006 at 2007.
KATRINA HALILI ON WORKING WITH ALLEN DIZON
NOEL FERRER
Nagpapasalamat si Katrina Halili na ibinigay sa kanya ang dual role sa AbeNida.
Thankful siya kay Direk Louie Ignacio at sa producer na si Ms. Baby Go ng BG Productions International.
Mabuti at si Allen Dizon ang ka-partner niya rito dahil kumportable raw siyang makatrabaho ang aktor.
"Masarap siyang katrabaho. Tutulungan ka niya sa mga eksena. Hindi ka mahihirapan. Iba talaga kapag magaling ang mga kasama mo. Madadala ka sa kanila at hindi ka mahihirapan sa pag-internalize,” pakli ni Katrina.
Balak ipalabas sa mga sinehan itong AbeNida bandang buwan ng Mayo, pero umiikot pa ito ngayon sa iba’t ibang international film festival.
May U.S. premiere ang naturang pelikula at ilalaban din ito sa Worldfest Houston Film Festival sa Texas.
Bukod sa pelikulang AbeNida, lagare si Katrina sa dalawang seryeng ginagawa niya sa GMA-7.
Patapos na siya sa Black Rider. Bukas, Marso 25, Holy Monday ang last taping day niya rito.
Nagti-taping na rin siya para sa bagong drama series na Mommy Dearest. Co-stars niya rito sina Camille Prats, Shayne Sava, Dion Ignacio, Prince Carlos, Amy Austria, at Winwyn Marquez, sa direksyon ni Gina Alajar.
Dire-deretso ang trabaho ni Katrina sa TV.
Mabuti na nakakagawa raw siya ng pelikula kagaya nitong AbeNida. At least, lahat ng pinagdaanan ni Katrina—sarap man o sakit—ay nagbubunga ngayon.
Sana, patuloy siyang mabiyayaan pa ng mga bagay na mabubuti at magaganda.
KATRINA HALILI HOPES TO MOVE ON SOON FOR THE SAKE OF KATIE
JERRY OLEA
Nababaling ang atensiyon ni Katrina Halili sa trabaho at sa 11-year old daughter niyang si Katy.
“Kasi binusy ko talaga yung sarili ko. Lalo na nung umpisa, pag umiiyak ako, ganun talaga ako.
“Tinanggap ko yung trabaho, napapaos ako, e. Hindi ka umiiyak, parang paiyak ka pa lang,” sinesenyas niya kung paano niya pinipigil ang pag-iyak.
“Ganun pala pag totoong iyak, mahapdi dito? Para kang sinasakal, tapos nakakapaos siya.
“Hindi ako umiiyak, ha? Yung naaalala mo lang. Tapos ang hapdi sa mata, parang may asin.
“Sabi ko, ‘Ganun pala yung totoong iyak, mahapdi.’ Tapos ang sakit dito, para kang tsino-choke,” pagmumuwestra ng Kapuso actress.
Ngayong Holy Week ay nakatakdang umuwi si Katrina sa Palawan.
Kailangan daw niyang magpakatatag para sa sarili lalo na’t nandiyan si Katy.
“Hindi naman puwedeng magkapakalungkot ako, ganyan. Kailangan kong magtrabaho. Kailangan kong maging okay, kasi meron pa akong Katy.
“Kailangang magtrabaho. Hindi ako puwedeng maging haggard, di ba? Kailangan po,” saad ni Katrina.
