JERRY OLEA:
Nag-prosthetic pen*s si Allen Dizon sa pelikulang AbeNida, kung saan nagwagi na siya ng dalawang Best Actor award sa international filmfests.

Una ay sa 2nd International IMAGO Film Festival noong Agosto 3, 2023 sa Italy, at pangalawa ay sa 10th Emirates Film Festival noong Marso 3, 2024 sa Dubai.
Read: Allen Dizon, nanalong best foreign actor sa film festival sa Italy
Nasungkit din ng AbeNida ang dalawa pang tropeo sa 10th Emirates Film Festival: Best International Feature Film, at Best Supporting Actress para kay Katrina Halili.
Read: Katrina Halili wins first Best Supporting Actress award in 21 years

(Katrina Halilia and Allen Dizon)
“Baliw-baliw ako sa AbeNida. Siyempre, mahirap maging baliw!” bulalas ni Allen sa pocket presscon nitong Marso 23, Sabado sa Max’s, Sct. Tuason St., Quezon City.
“Tapos, yung pag-ukit. Tinuruan ako ni Leandro Baldemor at nung mga tao niya kung paano ang pag-ukit bago ako sumalang.”

Read: Leandro Baldemor successfully juggles wood carving business and showbiz career
Walang saplot sa isang eksena si Allen, at may pekeng ari na nakakabit sa kanyang harapan. First time niyang mag-prosthetic pen*s.
“Kasi naglakad ako nang hubo’t hubad, e. Sa isang eksena, ibinaon ko ang damit ko. Kaya naghubo’t hubad ako,” sabi ni Allen.
“Tapos, naglakad ako habang umuulan.”
Ang AbeNida ay idinirek ni Louie Ignacio, para sa BG Productions International ni Baby Go.
Nasa cast din nito sina Gina Pareño, Joel Lamangan, Vince Rillon, Ina Alegre, Kate Brios, at Nella Dizon.
Labintatlo na ang Best Actor awards ni Allen sa international filmfests. Nagwagi rin siya para sa mga pelikulang Magkakabaung (Harlem USA, Vietnam, at Ireland), Iadya Mo Kami (Italy at Ireland), Sekyu (Manhattan), Bomba (Warsaw, Bangladesh at San Francisco USA), Latay (India at Manhattan).
Read: Allen Dizon, niregaluhan ng kotse ang sarili mula sa TF sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'
ALLEN DIZON ON ACTING FOR TV VS MOVIE
GORGY RULA:
Waley muna si Moira (Pinky Amador) nang dalawang buwan, Abril at Mayo, sa Kapuso afternoon drama series na Abot-Kamay na Pangarap.
Si Doc Carlos (Allen Dizon) na muna ang magiging pangunahing kontrabida sa mag-inang Analyn (Jillian Ward) at Lyneth (Carmina Villaroel).
Kasama raw si Doc Carlos hanggang ending ng Abot-Kamay Na Pangarap. Kasado na ang istorya niyon hanggang Hunyo, pero malamang na ma-extend pa iyon hanggang Setyembre.
Nahirapan ba si Allen sa TV acting, kumpara sa movie acting?
Sagot ng multi-awarded actor, “Siguro yung mga first taping days, medyo nahirapan ako. Hindi naman nahirapan, parang kailangan mo lang i-adjust ang akting mo.
“Kailangan sa TV, mas malaki, mas mataas. Yung nuances mo, mas lalakihan mo sa TV. Kasi, hindi subtlety, e.
“Kumbaga, kailangan maraming lines, maraming reactions. Lalo na yung TV, pag finocus sa iyo, talagang sa mukha mo.
“Hindi kamukha ng pelikula, may subtle lang, parang tingin-tingin lang. Konting nuances lang. Lalo TV, iba. Lalo na panghapon.
“Kasi feeling ko, ang taas ko na. Pero kulang pa, sabi ni Direk, ‘Huwag mong ilalaylay. Itaas pa.’ Ganun.”
Pinagsabihan ba siya na iba ang akting sa TV sa aking sa pelikula?
“Alam naman nila na more on movies ako, pero dahil nasa TV na ako, kailangan ko na talagang isapuso,” sabi ni Allen.
“Kailangan ko nang pag-aralan kung paano ang TV acting, na iba sa movie acting. Nakakapag-adjust naman, e.
“Flexible naman ako. Kung ano ang gusto ng direktor ko, dun ang susundan ko.”
Ano ang fulfillment sa kanya bilang TV actor?
Mabilis na sagot ni Allen, “Maraming taping days. Maraming trabaho pero mas naramdaman ko yung pagod sa TV kumpara sa pelikula.
“Ito yung time na mas masarap matulog kesa kumain, alam mo yun? Gusto mo nang matulog kesa kumain ka dahil sobrang dami mong dinadayalog.
“Sobrang dami mong eksenang mine-memorize na script, at sobrang intense. Kasi laging… for example, yung ginawa namin ni Carmina [Villarroel], kaming dalawa lang.
“Two weeks, kaming dalawa lang ang artista. Na puro sigawan, puro galit, puro sinasampal ko si Carmina, sinasakal ko siya. Kinukulong ko.
“So, alam mo yun. Wala ka talagang oras para kumain. Parang… ‘Sige, pahinga na lang ako. Kasi, pagod na pagod ako.’
“Tapos, ang calltime namin, usually 7:00 o’clock, 6:00 o’clock in the morning. Pack up kami, 12:00 midnight, 1:00 o’clock, so ganun. Dun ko naramdaman.
“Pero na-e-enjoy ko na. Kasi parang masarap talagang gumawa ka ng teleserye na minamahal ng maraming tao, na hinahanap ka.
“And tinatawag ka na sa pangalan mo sa teleserye. Doc Carlos na ang tawag sa akin, e, hindi na Allen. Kahit sino.”
ALLEN DIZON KONTRABIDA CHARACTER IN ABOT-KAMAY NA PANGARAP
NOEL FERRER:
Ay, ano ang mangyayari kay Pinky Amador na talagang nagtatak sa Abot-Kamay Na Pangarap?
May gagawing stage play si Pinky. Ayon sa source ng PEP Troika ay may pictorial na ang aktres for this sa Abril 6, kaya pahinga muna si “Moira.”
Kakaibang pressure ito kay Allen Dizon na napakaamo ng mukha at demeanor, paano niya kaya gagawin ang kanyang pagiging pangunahing pagkokontrabida?
At talagang extended pa ang Abot-Kamay, ha? Happy tayo sa cast at production crew nito. Deserve nila itong extension dahil sa kanilang hard work.
Read: Allen Dizon gives all, bares all in "boldest film" Abe Nida
