JERRY OLEA
Inamin ni Miggy Jimenez kung ano para sa kanya ang pinakamahirap na parte ng pelikulang Your Mother’s Son, na syinuting noong 2021 sa Boso-Boso, Antipolo, Rizal.
“Yung guitar po,” pagtatapat ni Miggy matapos ang press preview ng Your Mother’s Son noong Marso 21, 2024, Huwebes, sa Cinema 17 ng Gateway mall, Cubao, Quezon City.
Natawa ang co-stars niyang sina Kokoy de Santos, Elora Españo, at Sue Prado, maging ang direktor nilang si Jun Robles Lana.
Read: Sue Prado, tatatak dahil sa kapangahasan niya sa Your Mother's Son
Dagdag ni Miggy, “Sobrang struggle. Kasi I was really honest kina Direk Jun. Sabi ko, I’m not really musically inclined.
“So sabi ko, ‘Direk, I’m trying my best na aralin talaga. I’m really pressured.’
“Sa totoo lang, wala akong pakialam maghubad. Mas may pressure pa po ako na maggitara sa camera. Kaya sana, mukha naman pong totoo.”
Read: Miggy Jimenez, may kuwento sa likod ng laplapan scenes nila nina Paolo at Cedrick
Palakpakan sina Kokoy, Elora, at Sue.
Napangiti si Miggy, “Two years and a half pong gusto kong marinig ang palakpak na yan. Ha! Ha! Ha! Ha!”
First time mapanood ni Miggy ang Your Mother’s Son sa press preview. Ano ang reaksiyon niya?
“Lagi naman po akong overwhelmed, e. And kahit saan… ginagawa ko lang naman po yung work ko,” tugon ni Miggy.
“Sobrang kabado and excited at the same time. Di rin ako makatulog kagabi. Na eto na, meron muna kaming screening na mapapanood bukod sa opening film sa April 12.
“Well, overwhelmed lang po talaga ako. Sobrang… di ba? Out of words ako. Well, yun, more on recall po siguro na yun nga po, may mga, ‘Ahh, yun pala ang ginawa namin.’
“Basically some of the parts of it, I don’t really remember na. Kasi nga, it’s 2021 pa.
“But I’m excited to watch it again. Siguro pag napanood ko ulit, dun ko mas makakapag-reflect po nang mas maayos. I’m really happy, that’s for sure.”

NOEL FERRER
Mapangahas ang mga eksena nina Kokoy de Santos, Elora Españo, Sue Prado, at Miggy Jimenez sa Your Mother’s Son.
Read: Kokoy de Santos, "minamani" na lang ang intimate scenes sa pelikula
Matapos mabasa ni Miggy ang script na sinulat nina Elmer Gatchalian at Direk Jun Robles Lana, nagdalawang-isip ba siya na gawin ang pelikula?
Sagot ni Miggy, “Well, siguro ito po yung masasabi ko na… ito yung project na nagpatapang sa akin to really jump.
“To siguro lagpasan pa yung mga expectations ko, so to be, like, an actor, like, how to accept na, how to manage every project na puwede kong tanggapin.
“Ako, sigurado ako, ito yung project na ito, na kumbaga awakening. Na nagsabi sa akin na, ‘O, marami pa pala yung puwede mong gawin. Marami pa palang puwede.’
“So you just have to really jump and that’s what I’m really grateful for. Ang tagal ko ring inantay ang pelikulang ito.”
Hanga ako kay Miggy because he stands out and does really well in his projects. And his choices, brave! And napu-pull off niya lahat yun nang maayos!!!
GORGY RULA
Noong Oktubre 5, 2022 pa nag-streaming sa Vivamax Plus ang pelikulang Two and One, kung saan nakipag-threesome si Miggy Jimenez kina Paolo Pangilinan at Cedrick Juan.
Read: Cedrick Juan, Miggy Jimenez, may ka-threesome sa movie; na-shock ba ang kanilang girlfriends?
Naunang i-shoot ni Miggy ang Your Mother’s Son, na opening film sa ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival sa Abril 12 sa Cinema 11 ng Gateway mall.
Anong masasabi niya kay Cedrick na best actor ng 49th Metro Manila Film Festival para sa historical film na GomBurZa?
Read: GomBurZa as OG of Pinoy pride and identity
“I’m super-proud of him, yes. Super-proud. I remember na… alam ko, na-teary eyed ako when he won the best actor for MMFF,” pagsisiwalat ni Miggy.
“Kasi, parehas lang naman kami ng goal, which is mag-portray ng character and to tell stories as much as possible.
“And to see him grow as an actor and watching him as a fan also, malaking bagay po sa akin yun.
“Kasi, galing naman kami sa lahat na pinaghirapan lahat na kailangan naming marating.”
May threesome scenes din si Miggy sa Your Mother’s Son. Paano niya iyon ikukumpara sa menage a trois sa Two and One?
Natigilan sandali si Miggy, “Well, it’s a different breed, no. Siguro it’s more of… well, different story.
“Different set-up, different situations, which is basically I love doing.
“Hindi naman po ako tumitingin lang sa mga sex scenes and stuff, but it’s more of the story.
“Mas importante yung story, which is kung ano yung ikukuwento namin, at ipapahayag sa mga tao.”
Sa susunod na movie project, mas magiging daring pa ba siya? Kaya ba niyang mag-frontal nudity?
“Frontal? I think, at my age, parang hindi pa po siguro,” malumanay na sagot ni Miggy.
“Yeah, but if there’s an art film na super required talaga na kailangang gawin… puwedeng pag-usapan.”
