JERRY OLEA
Ligwak na ang seryeng Royal Blood ni Dingdong Dantes sa Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix.
Read: GMA-7's murder mystery series Royal Blood comes to Netflix
Isa na lamang ang gawang Pinoy na kabilang sa naturang talaan — ang Can’t Buy Me Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
As of April 2, Tuesday, ay hanggang Episode 148 na lamang ang DonBelle series na magwawakas sa Mayo. Originally ay hanggang Episode 150 ito.
Samantala, nananatiling nasa top spot ng Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix ang MMFF 2023 topgrosser na Rewind, kung saan bida si Dingdong at ang maybahay niyang si Marian Rivera.
Ito na rin lang ang likhang Pinoy sa listahan.
Read: Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, No. 1 na sa Netflix
Marso 25, Lunes Santo, nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang Rewind.
Martes Santo ng gabi ay nanguna na ito sa talaan, at hanggang ngayon ay hindi natitinag sa puwesto.
Interesting kung mananatiling No. 1 ang Rewind kahit mag-streaming na ang Becky & Badette nina Eugene Domingo at Pokwang umpisa Abril 4, Huwebes.
Abril 9, Martes, Araw ng Kagitingan naman ang umpisa ng Netflix streaming ng GomBurZa nina Dante Rivero, Cedrick Juan, at Enchong Dee.
Kagaya ng Rewind, ang Becky & Badette at GomBurZa ay opisyal ding kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival.
Read: Pitong MMFF 2023 movies, mag-i-streaming na sa Netflix
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — Rewind, The Wages of Fear, Heart of the Hunter, Resident Evil: Afterlife, Damsel, Resident Evil: The Final Chapter, No Pressure, Top Gun: Maverick, Man in Love, at Black Adam.
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Queen of Tears: Testament of Moses, Solo Leveling, 3 Body Problem, Avatar: The Last Airbender, Can’t Buy Me Love, Physical 100, Everyone Loves Me, The Chosen, at Doctor Slump.
NOEL FERRER
Marso 15 nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang Royal Blood. Nag-peak ito sa panlimang puwesto.
Nawawala man sa Top 10 TV Shows ang Can’t Buy Me Love ay nakakabalik ito. Pinapaganda lagi ang DonBelle teleserye na two weeks advance para i-quality control check pa iyan ng Netflix bago ipalabas.
Ang inaabangan ko ay ang streaming ng pelikulang A Journey nina Kaye Abad, Patrick Garcia, and Paolo Contis by April 12.
Ngayong napakainit na naman ng panahon, ang sarap lang magkulong at manood in the convenience ng bahay.
Ang A Journey ay Netflix original kaya walang option na magsinehan pa.
Sa Abril 18 naman ang Netflix streaming ng MMFF 2023 entry nina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez na Kampon.
Ang MMFF 2023 entry nina Alessandra de Rossi, Euwenn Mikaell, at Dingdong Dantes na Firefly ay sa Prime Video PH mag-i-streaming umpisa Abril 30.
Read: Review: What makes Firefly shine among MMFF 2023 entries?
Simula Abril 1, Lunes, ay napapanood na ng Viu subscribers ang Kapuso programs na I Left My Heart in Sorsogon, Legal Wives, Artikulo 247(Article 247), I Left My Heart in Sorsogon, Return to Paradise, Nagbabagang Luha (Flames of Love), The Fake Life, Legal Wives, at Nakarehas na Puso (Prisoners of the Past).
Noong Marso pa nag-umpisang ipalabas sa Viu ang GMA Network shows na Lolong (Crocodile Whisperer), Widows’ Web, at First Yaya (The First Nanny).
GORGY RULA
Matagal-tagal na rin sa top 10 TV shows ng Netflix ang Royal Blood, na 35 episodes lang.
Ang Can’t Buy Me Love ay nasa 122nd episode na pero wala pa ring nangyayari sa love affair nina Caroline (Belle Mariano) at Bingo (Donny Pangilinan).
Dapat magpapahayag na si Bingo ng pag-ibig niya kay Caroline, biglang ipinasok na naman ang pag-iimbestiga nito kung sino ba talaga ang pumatay sa nanay ni Caroline.
May bagot factor na rin! May pagka-OA na at halatang ini-stretch na ang kuwento. Kaya nabawasan na ang excitement ko.
Nasisilip ko sa Viu ang What’s Wrong With Secretary Kim, at nagkakaroon ng kilig ang KimPau tandem nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Magaling naman sila, pero parang nakikita kong mas bagay si Piolo Pascual sa role na ginagampanan ni Paulo.
Halatang acting na acting ang ilang artistang gumaganap. Pero suma total, okay naman, kaya nasusubaybayan ko rin sa Viu.
Samantala, inaabangan na ang worldwide streaming sa Netflix ng A Journey nina Paolo Contis, Patrick Garcia, at Kaye Abad.
Magsisimula na ito sa April 12 at proud na proud si Paolo sa pelikulang ito.
Sayang lang dahil mukhang wala nang balak ang Mavx Productions na ipalabas ito sa mga sinehan. Bawing-bawi na kasi sila sa Netflix pa lang.
Kaya tuloy ang ibang film producers ay hindi na naghahangad na maipalabas sa mga sinehan ang mga nagawang pelikula dahil maganda ang bili ng Netflix at ibang streaming services sa kanila.
