GORGY RULA
Ang ganda at mabulaklaking lugar ng Atok, Benguet, ang isa sa maha-highlight sa pelikulang When Magic Hurts na maglulunsad sa tambalan ng Star Magic artists na sina Beaver Magtalas at Mutya Orquia.
Read: Beaver Magtalas admits to being attracted to Mutya Orquia
Sa trailer pa lang ay napakaganda na talaga, dahil talagang nag-bloom ang mga bulaklak nang nag-shoot sila roon.
Saad ni Beaver nang nakatsikahan namin sa aming radio program sa DZRH nung nakaraang linggo, “A very big highlight po sa story ay yung flowers and yung flower form.
"And dun po sa Atok, first time na nakikita ko… and many places po dito sa Pilipinas na hindi ko pa po nalilibutan. Of course, yung Atok po ang nakikita with those kind of flowers na talagang blooming po.
“Talagang sobrang ganda po. Saka yung weather po, ang ini-expect ko po sa ibang bansa lang nakikita na kapag malamig lumalabas yung hangin kapag nagsasalita ka, yung usok po? Dun po naranasan ko yun.”

Mutya Orquia and Beaver Magtalas surrounded by flowers in Atok, Benguet
Inabot pa raw sila ng malakas na bagyo roon, pero mabuti at nabigyan sila ng magandang panahon kaya natuloy ang shooting.
“Actually, naabutan po kami ng bagyo dun during the time na nagsu-shoot kami. So, sobrang lamig po talaga, as in.
“Ang na-experience ko po dun, I think, was 6 [degrees Celsius], umabot po kami ng 6. Super cold po talaga. Pero thankfully po, nagagawa po namin kahit may bagyo,” kuwento pa ni Beaver.
Pero hindi lang ang Atok ang gustong i-promote ni Beaver. Sobrang proud siya sa Dingalan, Aurora, na malapit lang sa home city niyang Palayan sa Nueva Ecija.
Tinaguriang "Batanes of the East" ang Dingalan sa Aurora dahil sa napakagandang tanawin doon.
Magandang mag-surfing sa mga beaches nila at ang gaganda rin ng mga waterfalls na matatagpuan sa naturang bayan.
May ginawang music video si Beaver ng kantang "Can’t Take My Eyes Off You" kung saan ang waterfalls naman sa Dingalan ang ipinakita.
Maganda rin ang version ni Beaver ng naturang kanta, pero proud siya sa Dingalan, dahil nakita ang ganda nito lalo na ang waterfalls na talagang na-preserve nila roon.
“Super ganda po. Kapag nga po may mga bisita dito sa amin, iyun po ang number one na we take them to para ma-appreciate po nila yung lugar na Dingalan.
“Ako nga po, parang naging second home ko na po siya in a way dahil sa sobrang daming beses ko na po na pagpunta dun,” sabi pa ni Beaver.

Beaver Magtalas in Dingalan, Aurora
Pero sa pelikula nilang When Magic Hurts ay ang ganda ng Atok, Benguet, ang tiyak na ikakamangha ng mga manonood.
Magkakaroon ito ng premiere showing sa SM North EDSA sa April 15, at sa SM Cabanatuan naman sa April 19.
Read: First shooting day ng launching movie nina Mutya Orquia at Beaver Magtalas, naantala dahil kay Egay
JERRY OLEA
Co-stars nina Beaver at Mutya sa pelikulang When Magic Hurts sina Claudine Barretto, Aryanna Barretto, Dennis Padilla, Angelica Jones, Panteen Palanca, Soliman Cruz, Julian Roxas, Archi Adamos, Aileen Papin, Cassie Kim, Whitney Tayson, at ang Star Magic artist ding si Maxine Trinidad.
Si Gabby Ramos ang direktor ng naturang pelikula.
Nahihiya, pero lalong na-challenge si Beaver sa mga positive feedback na sinasabi ng co-actors niya.
Nakikita raw nila ang tambalan noon nina Rico Yan at Claudine Barretto sa love team ngayon nina Beaver at Mutya.
“Super pressured po talaga!” bulalas ni Beaver.
“Alam ko naman po na bago lang ako dito sa industry at alam ko naman pong marami pa akong dapat pag-aralan at matutunan.
“So, thankful po ako for all those praises and compliments, maraming-maraming salamat po.
“It also helped po with my confidence, pero alam ko naman po na there’s a lot of things po to improve and a lot to do.”
Nag-taping sina Donny Pangilinan at Belle Mariano ng ilang eksena sa Atok, Benguet, para sa teleserye nilang Can’t Buy Me Love.
Sabi ni Beaver, “Yun nga po, nakita ko nga din po yun. Of course, natuwa nga po ako. Filipino pride, na naipakita na po nila yun agad sa mga tao sa Pilipinas, na may ganun kagandang lugar.
“And I feel, like, matutulungan po nila ang Atok na magparami po ng tourists sa kanila. Na talagang ma-appreciate po ng mga tao ang lugar ng Atok.
“Apart from that, hindi naman po masama ang loob ko na nauna sila. Natutuwa nga po ako since they were able to give exposure.”
NOEL FERRER
Interesado si Beaver na mag-explore ng iba’t ibang roles, pero ini-enjoy pa niya sa ngayon ang genre ng rom-com.
Ani Beaver, “I’m very open po to other opportunities, of course. Pero yung rom-com po kasi is one of my dream roles mula nung bata pa po ako.
“Nag-try din po ako before na special child, and it was very fun to do that kind of acting. Naka-post pa po siya sa YouTube.
“It was very fun. Hopefully someday mabigyan pa po ako ng more challenging roles.”
Medyo grey character iyong gagampanan ni Beaver sa isang Kapamilya teleserye, kaya abangan natin!
“It’s very exciting. And honestly, nung ginagawa ko po yun, nakita ko po na masaya rin na mag-act na parang kontrabida na character,” sambit ng 18-anyos na aktor.
“Kasi so far po, puro mababait po ang nae-experience ko na character. Pero yun po is, like, yun nga po, na-experience ko po to change, something na hindi po too close to my personality.
“Go out of my comfort zone. So, talagang super-fun to explore those kinds of things and a lot more challenging.
“Kasi I had to do research, I had to put double the effort po.”
