GORGY RULA
Ayaw na muna ni Congresswoman Lani Mercado magpa-party para sa kanyang 56th birthday bukas, Abril 13, 2024, Sabado.
Halos isang buwan kasi ang selebrasyon niya para sa kanyang constituents sa Bacoor, Cavite.
Read: Lani Mercado, may crush na Korean actor na pinagseselosan ni Bong Revilla
Bukas ng 5:30 p.m. ay may pa-concert siyang pinamagatang G na G With Ate Lani, tampok ang bandang Itchyworms at si Flow G, na gaganapin sa NOMO parking lot.

At sa mga susunod na araw ay meron pang iba’t ibang activities kagaya ng job fair, bloodletting program, medical mission, at blessing ng covered court sa Molino 4, Habay 1, at Queensrow West.
Pagdating sa pamilya, mas nae-enjoy ngayon ni Ate Lani ang mga apo niya. Proud siyang present siya nang iniluwal ang lahat na mga apo niya.
Ang isa kinatutuwaan niya ngayon ay ang anak nina Congressman Jolo Revilla at Angelica Alita na si Lauren Angela o si LA.
Read: Congressman Jolo Revilla and wife Angelica Alita welcome healthy baby girl
“Dapat sa isang araw makikita ko siya nang gising. Kasi, laging tulog nang tulog,” pakli ni Ate Lani nang nakatsikahan namin sa Super Sam nung nakaraang linggo.
Pero lahat daw ng mga apo niya ay tinututukan niya.
“Siyempre, iba-iba naman yung giliw mo sa mga apo,” sabi ni Ate Lani.
“Si Gab [unang anak ni Jolo], yan ang kasama ko… mahilig siya manood ng mga stage plays. Siya yung ka-date ko pag manonood kami ng mga stage plays. Mahilig siya sa ganun.
“Tapos si Alexa [anak ni Inah Bautista-del Rosario] naman, very sporty yung apo ko na yun.
“Aba, marunong mag-drive ng UTV, nagpa-firing kami, nasu-swimming. Basta ano siya, very active sa sports. Napaka-sporty. Walang takot yun!
“Si Iñigo [isa pang anak ni Inah] naman, naku po! Laging mahilig mag-games.
“Sabi ko, ‘What will make you happy?’ ‘I don’t know!’ ‘Sige na nga! Go back to your room and play.’ ‘Yey!’ Yun ang love niya,” masayang kuwento ni Ate Lani.
NOEL FERRER
Pero ang isa pa sa mga apong kinatutuwaan ni Ate Lani ay ang bunsong anak nina Inah at Vince del Rosario na si Mikmik. Ang cute ng batang ito na puwede ring talang mag-artista.
Tuwang-tuwa si Ate Lani dahil naging fan na raw itong si Mikmik ng lolo nitong si Senator Bong Revilla.
Read: Bong Revilla at Lani Mercado, proud na proud sa anak nilang si Inah: "Anak, iba ka, iba!"
Aniya, “Si Mikmik naman nakakatuwa. One time kasama naming nanonood ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, kinikilig sa lolo.
“Tapos after naming manood, dikit nang dikit sa lolo. Nakaganun siya, parang amazed na amazed siya. Na-starstruck siya.
“Na-starstruck siya sa lolo niya. Tapos, di ba, hinaharot si Bong ng mga girls, kinikilig din siya.
“Sabi ko, 'You’re not jealous? How about Momsie?' Tapos kikiligin siya, mahilig sa mga magagandang girls.
“Si Mikmik na nakakatuwa! Pag nandun sa lolo niya, sumisilip siyang ganun. Tapos pag tumitingin si Bong, magtatago. Naging fan, kinilig siya talaga.”
Read: Bong Revilla on avoiding temptations: "Wala, lumalayo lang ako."
JERRY OLEA
Siyempre, may song numbers din si Ate Lani sa pa-concert niya bukas.
Ka-join din kaya ang mister niyang si “Tolome”?
Tolome ang pangalan ng karakter ni Senator Bong Revilla sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.
Natatawang kuwento ni Ate Lani, nang mag-guest siya sa Women’s Month Celebration sa Laguna, nang tawagin siya ay nagsigawan ang mga tao, “Tolome! Tolome!”
Sey ni Lani, “Pati ako! Kaya sabi ko, ‘O, sige nga, sabay-sabay tayo.. 1, 2,3…’ Yung buong stadium ng Biñan, puro babae, Tolome talaga! Sabi ko, nakakatuwa naman.”
Sa pa-concert ni Ate Lani bukas, hihiyaw rin kaya ng “Tolome!” ang kanyang constituents?!
