GORGY RULA
Nagpatawag ng media conference si Atty. Ferdie Topacio noong Lunes, Abril 15, 2024, para i-announce na isasapelikula nila ang kuwento ng buhay ni dating Senador Gringo Honasan.
Dumalo si Honasan at si dating DENR Secretary Mike Defensor, na siyang executive producer ng naturang project.
Wala pa raw silang napiling gaganap na bida, pero nabanggit si Jake Cuenca na isa pinag-iisipan nilang posibleng gumanap na Gringo Honasan.
Hindi raw pakikialaman ng dating senador ang casting dahil mas alam daw ito nina Atty. Topacio at Defensor.
“Hindi naman. Ako kasi, may bias, 'no? Siguro sina Atty. Ferdie, si Sec. Mike, mas objective. Mas walang bias,” pakli ni Honasan.
Pero may isa pang ibinunyag si Atty. Topacio sa mediacon: hindi pa raw naibibigay sa kanila ang kabuuang PHP500,000 subsidy ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022.
Ang pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told ang isa sa MMFF 2022. Nangako raw ang FDCP, sa ilalim noon ng pamumuno ni Tirso Cruz III, ng PHP500,000 para gamitin nila sa promotion ng pelikula.
Pero ang naibibigay pa lang daw sa kanila ay PHP300,000, at hanggang ngayon ay hindi pa raw naibigay ang remaining PHP200,000.
Read: "Mamasapano: Now It Can Be Told" producer, sinagot ang "premiere night" issue
Nagpasintabi muna si Atty. Topacio sa bagong FDCP chairpersona na si Direk Joey Reyes, dahil alam daw niyang wala pa itong kinalaman.
Ani Atty. Topacio, “Binigyan kami ng list of requirements, submit kami. Nag-release, PHP300,000.
“Bago, nagbigay na naman ng additional requirements. Sabi namin, 'Para saan ito?' Para i-release na naman yung PHP200,000 natitira, kailangan daw ipakita namin na entry talaga kami sa MMFF.
"Sabi ko, ‘Hello! E, napalabas na, e. Siguro isang milyong tao alam na entry kami.’ Pinalabas sa sinehan, e.
“Siya na rin, para walang masabi, sumunod kami. Hanggang ngayon, waley!
"Ano ba naman yun? Alam niyo, hirap na nga sa taxes, sa kung saan-saan ang pelikulang Pilipino, gaganyanin niyo pa? Huwag namang ganun!
“Kung di niyo kaya, huwag na lang mangako, nakakabuwisit pa, e. Huwag na lang sana, hindi niyo pala kaya, e.
“Gusto ko sana magreklamo sa ARTA [Anti-Red Tape Authority]. For principle lang, ano ba naman yung PHP200,000, di ba?
"Pero yung prinsipyo, e. Huwag na kayong mangako ng subsidy kung hindi niyo naman ire-release, na ang daming requirements, na dati naman wala.”
Read: Tirso Cruz III, naglabas ng statement matapos mag-resign bilang FDCP chairperson

Former Senator Gringo Honasan (center) with Borracho Film Productions head Atty. Ferdie Topacio (extreme left) and executive producer Mike Defensor (extreme right)
NOEL FERRER
Kaagad na ipinarating ng PEP Troika kay Direk Joey Reyes itong hinaing ni Atty. Topacio, para malinaw na rin kung ano ang nangyari.
Kaagad sumagot si Direk Joey at sinabing ipaparating niya ito sa mga taong concerned.
Ayon sa staff na napagtanungan ni Direk Joey, yung PHP300,000 pesos ay first tranche.
Para raw makuha ang remaining PHP200,000, kailangan ma-clear muna yung project sa audit. Ahensiya ng gobyerno ang FDCP, at lahat doon ay kailangang i-audit.
Sabi pa ni Direk Joey, nagre-remind na ang kanilang staff sa producers na mag-submit ng liquidation para maipalabas na ang final tranche na PHP200,000.
Ang sabi ng staff ng FDCP, ini-insist ng staff ni Atty. Topacio na nakapag-submit na sila ng lahat na requirements pero wala naman daw silang natatanggap.
Bago na rin daw ang staff ng Borracho Films, at nakipag-coordinate doon ang FDCP para tulungan na rin sila sa liquidation. Hanggang sa ngayon ay wala pa rin daw silang naisusumiteng kulang na requirements.
Dagdag na text ni direk Joey sa PEP Troika, “I’ve asked them to gather all the details re this project. But based on our recent records, sila po ang may kulang.”
JERRY OLEA
Maingay ang Mamasapano: Now It Can Be Told sa pilian pa lang ng official entries sa MMFF 2022.
Read: Mamasapano stars idinemanda ng SAF for illegal use of uniform and insignia
NKKLK na may isyu pa rin pala ito ngayong pinaghahandaan na ang 50th edition ng MMFF.
Lalahok kayang muli ang Borracho Film Production ni Atty. Topacio sa MMFF?
Good luck sa mga kinauukulan.
Related Stories:
- #FDCPISSUE NO.1: Insiders troubled by ex-chair Liza Dino's "sole control" of millions for filmfests, events, grants
- #FDCPISSUE NO.2: Liza Diño reprimanded by Tito Sotto for messing with rules and regulations
- #FDCPISSUE: Liza Diño refutes "one-woman rule" charge
- #FDCPISSUE NO.3: Insiders say Liza Diño's term marked by "crazy," "lavish" spending of millions in public funds
- #FDCPISSUE: Liza Diño "surprised" by probe on her chairmanship; says expenses go through check and balance
- #FDCPISSUE NO.4: Liza Diño accused of giving favors to partner Ice Seguerra; Ice earns from FDCP projects close to P1M
- #FDCPIssue: Liza Diño says she gave jobs to Ice Seguerra to "save costs"; Ice accepted them "out of love"
- #FDCPISSUE NO.5: Did Liza Diño attempt to delay Tirso Cruz III's takeover of chairmanship?
- FDCP salutes comedy icons at 3rd Philippine Film Industry Month
- Iconic Pinoy comedians, binigyang parangal sa 3rd Philippine Film Industry Month
- FDCP officials Tirso Cruz III, Joey Reyes react to separate awards night of MIFF
- FDCP Parangal ng Sining, bibigyang-pugay sina Gloria Romero, Boots Anson Roa-Rodrigo, Jaclyn Jose
- Golden Age of Philippine Cinema
