PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey de Leon nilinaw na hindi It's Showtime ang pinatatamaan

Joey de Leon: "Dadalawa na lang kami, huwag niyo kaming pagsabungin."
by PEP Troika
Published Apr 19, 2024
joey de leon eat bulaga shirt
Joey de Loen: “Mahal namin ang Showtime dahil kasabayan namin. Dadalawa na lang kami, huwag niyo kaming pagsabungin. Hindi po… magkakaibigan din kami. Yung pinapatungkulan namin ni Tito, yung mga nagpo-post na magsasara na kami."
PHOTO/S: @angpoetnyo on Instagram

GORGY RULA

Nilinaw ng veteran TV host-comedian na si Joey de Leon ang sinabi niyang kapag umabot ng 15 years ang programang hindi niya tinukoy ay luluhuran niya ito.

Susog iyon ni Joey nang magsalita si Tito Sotto sa Eat Bulaga! noong Miyerkules, April 16, 2024, kaugnay sa kumakalat na tsismis na nalulugi na ang Eat Bulaga! at magsasara na raw ito.

Read: Tito Sotto, Joey de Leon slam rumors about Eat Bulaga! closure

Nangako pa si Tito Sen na maglalabas sila ng kopya ng kanilang income tax return, para mapatunayang hindi sila nalulugi.

Humirit si Joey na kapag umabot ng 15 years ang naninira umano sa kanila ay luluhod siya sa harapan ng mga ito.

Aniya, “Ito ang hamon ko sa inyo. Umabot kayo ng 15 years para lumuhod ako sa harapan ninyo. Fifteen lang ha, hindi 50 years.”

Wala siyang sinabi kung anong partikular na programa ang hinahamon niyang luluhuran kapag umabot ng 15 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang bilis nag-react ng netizens. Ipinaalala nilang ang katapat na noontime show ng Eat Bulaga! na It’s Showtime ay nagsimula noong October 24, 2009, kaya magpi-fifteen years na ito sa darating na October 2024.

Ang daming mema sa hamon ni Joey de Leon.

Read: Battle Of Noontime Shows: It's Showtime, from TV5 to GMA-7; Eat Bulaga!, from GMA-7 to TV5

JOEY DE LEON CLARIFICATION

Ngayong umaga ng Biyernes, April 19, naglabas ng video si Joey sa Instagram at Twitter bilang paglilinaw sa binitiwan niyang pahayag sa Eat Bulaga! noong Abril 17.

May caption ang video ng “Isang paglilinaw…” kung saan sinabi niyang hindi It's Showtime ang pinapatungkulan nila ni Tito Sen sa kanilang litanya.

Pahayag niya, “Hi good morning, Joey de Leon po. Ito’y para lang matapos yung mga usap-usapan.

“Ahhh, unang-una, hindi, hindi ha? Hindi namin kaaway yung Showtime.

“Yung Showtime, matagal na naming kapitbahay yan. Hindi kami tinitira, hindi rin namin sila tinitira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang pinapatungkulan namin ni Tito nung nagalit kami sa Eat Bulaga! ay yung mga social media na nagpo-post… yung mga alam niyo na nagpoprograma.

"Kaya hinamon ko, 15 years, kung tatagal yung mga nagpo-post na yun. Hindi Showtime.

“Uy, happy anniversary, Showtime, ha? Fifteen years na nga yung Showtime, ba’t ko hahamunin yun?"

Saad pa ni Joey, “Mahal namin ang Showtime dahil kasabayan namin. Dadalawa na lang kami, huwag niyo kaming pagsabungin.

“Hindi po… magkakaibigan din kami. Yung pinapatungkulan namin ni Tito, yung mga nagpo-post na magsasara na kami.

“Dadalawa na lang yung show, isasara pa yung isa? At iyung isa yung… well, hindi naman sa pagyayabang. Yung longest-running Top 5 na sa mundo, e.

"Kaya thank you. Kasama kayo dun sa honor na yun."

Diin ng veteran TV host-comedian, "Kaya inuulit namin, yung galit namin ni Tito at ng mga Dabarkads at sama ng loob, dun sa mga nagpo-post na hindi free TV… yung sa mga anong tawag dun? Mga Facebook, Instagram, social media. Mga salbahe dun!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kaya para malinaw… talagang luluhod ako, didipa pa ako kung maka-fifteen years yung mga tsismoso na yun. Yung mga sinungaling na yun.

“Pero yung Showtime, we love you. Hindi kami magkaaway, at nagtatrabaho lang kami. Yun lang yun!

“Okay? Ganun lang kalinaw. Nililinaw ko lang.

"Kasi hahaba pa to, e. Yung iba, nilalagyan pa ng ano, ng kulay, pinagsasabong.

“Nagtatrabaho lang po kami, dahil dadalawa lang kaming lunch shows.

“We love each other. Matagal na. Mahigit isang dekada na kaming magkapitbahay.

“So, yun lang po. Inuulit ko. Yung mga nagpo-post na sinungaling sa social media. Yun ang mga buwisit. Yun ang mga pinapatungkulan namin. Okay?”

Read: Eat Bulaga! returns to TVJ: "Isa lang ang puwedeng tawaging Eat Bulaga!."

View this post on Instagram

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)

NOEL FERRER

At least, nalinaw ni Joey ang kanyang sarili, at ni Tito Sen ang balitang nalulugi at magsasara ang Eat Bulaga!.

Maganda ang declaration na OK sila ng It’s Showtime at magkapitbahay sila at may peaceful co-existence sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang magandang tingnan ay kung anong effort ang gagawin ng ABS-CBN sa TV5 para ipakitang nakikipagtulungan din sila sa TV5 thru Eat Bulaga!.

Sa tingin ninyo, actively makakapag-guest ang mga content ng ABS-CBN na palabas sa TV5 like Batang Quiapo, Can’t Buy Me Love, at Linlang; pati na ang ASAP at kung meron pang panghapon na programa?

Aabangan natin itong spaces for collaboration at deadma na sa mga nagpaparatang o sa speculative news sa social media.

JERRY OLEA

Bago nagsalita sina Tito Sen at Joey de Leon noong Miyerkules sa Eat Bulaga!, marami na ang nagsasabing dapat maglabas na ng statement ang TV5 o ang Mediaquest kaugnay sa kumakalat na bali-balita.

Nag-react daw noon pa ang TVJ at mga taga-Mediaquest sa kumakalat na kuwentong magkakaroon ng emergency meeting. Wala naman daw nangyaring emergency meeting.

Nagugulat na lang daw sila sa mga kumakalat na ganung chika na hindi nila alam kung saan nanggaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pati yung pinapagawa raw na mas malaking studio sa may Meralco Theater, hindi rin daw nila alam kung bakit may ganung kuwento. Hindi naman daw totoo yun. Hindi raw totoong lilipat sa mas malaking studio ang Eat Bulaga!.

Ang nakakatuwa lang dito ay sina Tito Sen at Joey ang nanggagalaiti sa galit sa mga nagkakalat ng ganung balita.

Si Vic Sotto na may Open 24/7 sa GMA-7 ay dedma. Pa-chill-chill lang siya at hindi na pinapansin ang ganung tsismis.

Pinaghahandaan na lang daw ni Bossing Vic ang nalalapit niyang kaarawan na isi-celebrate ng pamilya niya sa ibang bansa.

At any rate, nawa’y malinawan din iyong pahayag ni Joey de Leon na kasama ang Eat Bulaga! sa Top 5 longest-running TV shows.

Hulyo 30, 1979 nag-umpisa ang Eat Bulaga! sa RPN 9 kaya nalalapit na ang ika-45 anibersaryo nito.

Read: Watch: 'E.A.T.' goes head to head with 'Eat Bulaga!,' 'It's Showtime'; who delivered the best episode?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa pananaliksik ko sa iba’t ibang website, kabilang sa mga pinakamatatagal na TV program ang mga sumusunod:

  • The Tonight Show (69 years), September 27, 1954-present
  • Coronation Street (63 years), December 9, 1960-present
  • General Hospital (61 years), April 1, 1963-present
  • Days of Our Lives (58 years), November 8, 1965-present
  • Guiding Light (57 years), June 30, 1952-September 18, 2009
  • As The World Turns (54 years), April 2, 1956-September 17, 2010
  • Scooby-Doo (54 years), September 13, 1969-present
  • Sazae-San (54 years), October 5, 1969-present
  • Sesame Street (54 years), November 10, 1969-present
  • Emmerdale (51 years), October 16, 1972-present
  • The Young and the Restless (51 years), March 26, 1973-present
  • Saturday Night Live (48 years), October 11, 1975-present
  • Top Gear (46 years), April 22, 1977-present

Read: 19 Longest-running ABS-CBN Teleseryes

Read: 10 Longest-running GMA Teleseryes

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joey de Loen: “Mahal namin ang Showtime dahil kasabayan namin. Dadalawa na lang kami, huwag niyo kaming pagsabungin. Hindi po… magkakaibigan din kami. Yung pinapatungkulan namin ni Tito, yung mga nagpo-post na magsasara na kami."
PHOTO/S: @angpoetnyo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results