JERRY OLEA
Nagti-taping na si Rita Daniela para sa Kapuso primetime series na Widows’ War kasama sina Bea Alonzo, Carla Abellana, at Jean Garcia.
“It’s my first time to work with Bea and Carla, so it’s very, very exciting,” sey ni Rita sa contract signing niya sa iSkin Aesthetic Lifestyle nitong Abril 24, 2024, Miyerkules, sa Air Mall, Malugay St., Makati City.
Misteryosa ang karakter ni Rita bilang Rebecca Palacios sa Widows’ War, na malamang umere sa Hulyo.
Read: Unraveling main cast of GMA-7 prime-time series Widows' War
Pagpapatuloy ni Rita, “After giving birth, this is my comeback project. And it’s been almost I think two years.
“So, parang nung pag-attend ko nga nung aming storycon, sobrang nanibago ako.
“Parang feeling ko, ‘Hala! Ito na pala ang nangyayari ngayon!’ And first time kong makakita muli ng mga kapwa ko artista, mga bigating artista. Ang sarap sa pakiramdam!
“Na parang, ‘Wow! Ito pala yung ginagawa ko talaga. Ang sarap sa feeling, and even yung first time ko na first day ng taping ko, nanibago din ako.
“Nanibago kasi that time, I’m already a mom. So, hindi na mawawala sa isipan ko yung anak ko, yung mga taong nakatira diyan sa bahay ko, iniisip ko sila.
“And hindi naman ako siguro sobrang nanibago when it comes to acting. Kasi in a way I’m comfortable dahil sa mga familiar faces din na nakatrabaho ko na.”
Read: Rita Daniela admits being third party in a relationship: "Naghiwalay sila dahil sa akin."
RITA DANIELA ON WORKING WITH BEA ALONZO
Kumusta ang pakikipagtrabaho kay Bea Alonzo?
Napangiti si Rita, “Ay! OK naman, masaya… actually medyo textmates kami. So, masaya. She’s very nice.
“Napansin ko, ano lang siya — simple lang siya, tahimik lang siya. So, parang… siyempre, hindi ko rin mapigilan noong first day ko siyang nakaeksena, na-starstruck din ako.”
Ows?! Talaga?!
Tumango si Rita, “Oo, siyempre. Dahil marami siyang nagawang pelikula na napanood ko, e.
“At siyempre iba rin yung pakiramdam na wow! Talagang alam mo yon, makakasama ko siya sa isang eksena.
“Masarap sa feeling. Nakaka-proud, alam mo yun. Nakaka-proud siya na wow, of all artists!
“Isa ako sa alam mo yon, kahit papaano, to share a scene with her.”
Read: Rita Daniela sees opportunity not threat amid ABS-CBN stars now working with GMA-7
NOEL FERRER
Isang taon at apat na buwan pa lamang ang panganay ni Rita na si Uno. Bini-breastfeed pa niya ito.
Paano si Uno kapag nasa work siya?
Read: Rita Daniela reveals challenges of being single mom, and co-parenting setup
“Marami naman pong ways, like siyempre meron tayong help from our family,” lahad ni Rita.
“And siyempre, meron naman ding yaya si Uno. So, kahit papaano, magiging mas madali yung buhay, 'no.
“And siyempre ako naman, siguro hindi lang siya tulad before na parang… kasi siyempre before, single ako, kahit anong work ko.
“Pero ngayon, kailangan ko nang ibalanse na may time ako para sa anak ko. Kumbaga, may family time pa rin.”
Ano ang feeling kapag napapawalay siya kay Uno?
Napabuntong-hininga si Rita, “Noong una, keri pa ako. Pero nung lately, alam mo may time na naiyak ako, nasa loob ako ng sasakyan. Naluha ako.
“Totoo pala yung feeling talaga na ganun, lalo na pag sinusundan ka ng tingin ng anak mo, tapos umiiyak.
“May moments na talagang parang hindi ko maiwasan na ano, oo nga, ano? ‘Anong nangyayari sa kanya?’
“Pero OK lang, may CCTV naman ako sa bahay. So, kapag nami-miss ko, nakikita ko pa rin naman ang ginagawa ni bagets.”
GORGY RULA
Hiyang si Rita Daniela sa pagiging ina. Blooming ang hitsura niya.
Aniya, “Actually, marami nga rin akong nakuhang compliments, na they think that motherhood suits me. And ako, I super love it.
“Like, I love being a mom. Kasi, isa rin yun sa pangarap ko. So, nung talagang naging nanay ako at literal, hawak-hawak ko yung anak ko, masarap sa pakiramdam.”
Next month ay second time na magse-celebrate siya ng Mothers’ Day.
“Parang naninibago pa rin ako sa pakiramdam na grabe, nagse-celebrate na ako ng Mothers’ Day,” sey pa ni Rita.
CO-PARENTING SETUP WITH FATHER OF HER CHILD
Kumusta iyong co-parenting nila ng tatay ni Uno?
“OK naman. Co-parenting talaga, oo, yun na yon. Todo na yun. Yon ang kaya ng energy ko,” sambit ni Rita.
Pati sa gastusin ni Uno, magkatuwang sila?
“Grabe, ha? Ano ba sa tingin niyo ang co-parenting? Kayo na lang ang mag-isip nun. Kung saan aabutin, di yon.”
Mas nagkakasundo at mas OK sila for the baby?
“Oo naman. Siyempre yun naman talaga ang goal talaga is for the baby,” saad ni Rita.
“Kasi, I think, for me, in my own opinion kasi, if itutuloy mo kasi ang relationship kahit na alam niyong hindi naman talaga pa kaya, then si baby yung magsa-suffer.
“So kaya rin, co-parenting na lang. End na lang everything para malinaw din, clear kumbaga yung relationship from the very start.
“Para dun sa anak. Para hindi rin mahirapan yung bagets.”
NO RECONCILIATION
Malabong magkabalikan sila ng ama ni Uno?
Mabilis at walang gatol na sagot ni Rita, “Oo naman. Ano yun, kumbaga, OK na kami parehas na co-parents kami sa aming baby.”
Wala pang ibang partner yung ex niya?
“I do not know. We don’t talk about those things.” Sa kanya, meron bang nagpapalipad-hangin?
“Wala nga! Baka may alam ka diyan! Charot!” bulalas ni Rita.
Open siya sa pakikipag-date muli, kung sakali?
“Oo naman. Bakit naman hindi? Hindi ko naman ipagkakait yon sa sarili ko. Pero siyempre, if we’re talking about commitments, that I’m not sure of,” pahayag ni Rita.
“Siguro kung yung… alam mo yun, willing naman akong mag-entertain pero yung happy lang muna tayo, wala munang commitments.”
Siyanga pala, maliban kay Rita ay pumirma rin ng kontrata sa iSkin ang tatlo pang Sparkle artists na sina Brent Valdez, Rein Hillary, at former Calista member na si Olive May.

(From left) Brent Valdez, Rita Daniela, Rein Hillary, and Olive May
