PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

David Licauco, nadulas tungkol sa pagkakaroon ng girlfriend?

David Licauco, may balak na bang magpakasal?
by PEP Troika
Published Apr 26, 2024
david licauco girlfriend
David Licauco on criticisms about his acting: “Marunong naman akong tumingin kung ang isang aktor ay magaling. Ang masasabi ko, before Maria Clara…, hindi ako magaling. Noong Maria Clara…, natuto. Pero can be improved pa. Pero hindi na ako bad actor. May galing na rin tayong konti.”
PHOTO/S: @davidlicauco on Instagram

JERRY OLEA

Naiisip na ng G! LU stars na sina Derrick Monasterio, Enzo Pineda, at Ruru Madrid na lumagay sa tahimik.

Ganoon din ba si David Licauco, o ine-enjoy pa niya ang pagkabinata?

“Iniisip ko na, siyempre,” sabi ng 29-anyos na si David sa mediacon ng pelikulang G! LU noong Abril 17, 2024, Miyerkules sa Kao Manila, Newport World Resorts, Pasay City.

“Especially yung mga barkada ko, high school friends ko, ikinakasal na. Siyempre, mape-pressure ka rin in a way, ahh na alam mo yun, gusto mo ring ikasal.”

Read: How David Licauco's life has changed in the last five years

Klik ang BarDa love team nila ni Barbie Forteza kahit pa may boyfriend si Barbie, at may girlfriend si David. Tanggap ng fans.

Tumango si David, “Oo, tanggap nila yon na may sarili kaming relationships.”

Iyong girlfriend ba niya, nagseselos kapag may kissing scene siya o lambingan scene sa leading lady niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman, hindi naman. Very understanding naman,” kaswal na tugon ni David.

Read: David Licauco grilled about his recent relationship: "Nagkabalikan kami pero nag-decide kami na maghiwalay na."

Magkatambal sina Barbie at David sa pelikulang That Kind of Love na nag-shooting sa South Korea, ganoon din sa Kapuso primetime series na Pulang Araw na nagtatampok din kina Alden Richards, Sanya Lopez, at Dennis Trillo.

Read: Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco headline historical action-drama Pulang Araw

NOEL FERRER

Dati, kapag May 1, Labor Day, ay nasa Boracay si David Licauco kasama ang mga katropa para sa LaBoracay festivities.

Nabalitaan ng PEP Troika na this year ay balik-beach front ang mga ganap sa LaBoracay. May chance ba na pumunta roon si David?

“Wala na, wala na. May taping kami,” tugon ng chinitong aktor.

Paano pa siya nakakapag-enjoy sa kabila ng pagsasakripisyo niya ng mga ganoong bagay?

“Ito yung year ko na gusto kong magtrabaho nang magtrabaho. And darating na lang yung panahon na makakapag-relax tayo,” sabi ni David.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero bago mag-relax, sana’y mag-take pa ng acting at personality lessons si David.

Kasi, ayaw naman niyang napag-iiwanan siya ni Barbie sa TV man o sa mga live performances at appearances nila, di ba?

Sana, sana!

GORGY RULA

Noong 2019 pa syinuting nina David ang G! LU sa La Union. Topless kung topless sila sa mga eksena sa beach.

David Licauco and G! LU cast

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(From left) Teejay Marquez, Ruru Madrid, David Licauco, Derrick Monasterio, Enzo Pineda, and Kiko Estrada

Noong taon na iyon ay bida rin si David sa summer campaign ng Bench Body, kung saan naka-underwear siya sa pictorial.

Meron pa ba siyang pa-Felix Bacat o pa-abs these days?

Napangiti si David, “Wala na, wala na tayong hubad-hubad ngayon. Kasi siyempre…” Kahit sa Pulang Araw, wala?

“Wala. Sundalo tayo dun, e. Parang yun ang gusto mo, ah? Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni David.

Marami ang nagtatanong o nagtataka, o umaasam na sana…

Sambot ni David, “Siyempre ano, nagbago na tayo.”

Naaapektuhan pa ba siya kapag pinupuna ng iba na nakukulangan sila sa akting niya?

“Wala na namang nagsasabi na hindi ako marunong umakting after Maria Clara at Ibarra,” mahinay na sabi ni David.

Hindi mo iyon maiaalis sa mga basher, hater at mema.

“Wala na! After Maria Clara…, wala na. Before that, masasabi ko, kulang pa talaga. Aminado naman ako, e!” bulalas ni David.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marunong naman akong tumingin kung ang isang aktor ay magaling. Ang masasabi ko, before Maria Clara…, hindi ako magaling.

“Noong Maria Clara…, natuto. Pero can be improved pa. Pero hindi na ako bad actor. May galing na rin tayong konti.”

Before Maria Clara at Ibarra, wala pang pangarap si David na tanghaling best actor.

“Wala. Wala naman akong pangarap maging best actor. Kasi, hindi ko nga inakala magiging artista ako, best actor pa kaya?” saad ni David.

“Pero since siyempre, nandito na ako ngayon, and alam ko rin na bibihira yung ganitong oportunidad na maging isang artista at mabigyan ng ganito kagandang role, gagawin ko ang lahat para ma-achieve ko yung mga ganung bagay.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
David Licauco on criticisms about his acting: “Marunong naman akong tumingin kung ang isang aktor ay magaling. Ang masasabi ko, before Maria Clara…, hindi ako magaling. Noong Maria Clara…, natuto. Pero can be improved pa. Pero hindi na ako bad actor. May galing na rin tayong konti.”
PHOTO/S: @davidlicauco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results