JERRY OLEA
Two days nang nangunguna ang My Zombabe sa Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix.
Bida sa nasabing pelikula sina Empoy Marquez at Kim Molina.
Kabilang din sa cast sina Yanyan de Jesus, Anjo Yllana, Andrea del Rosario, Shirley Fuentes, Gary Lim, Andrew Muhlach, at Liz Alindogan.
Read: Bakit kampante si Jerald Napoles sa tambalang Kim Molina at Empoy Marquez?

Maliban sa My Zombabe ay may dalawa pang Pinoy movies sa nasabing listahan ngayong Abril 27, 2024, Sabado.
Pang-apat ang MMFF 2023 official entry nina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez na Kampon.

Pang-anim ang A Journey starring Paolo Contis, Kaye Abad, and Patrick Garcia.

Sa Mayo 7 ay nakatakda nang mag-streaming sa Netflix ang pelikulang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko, kung saan nagtambal sina Aga Muhlach at Julia Barretto.

Mayo 14 ang streaming ng pelikulang Road Trip nina Carmina Villaroel, Candy Pangilinan, Gelli de Belen, at Janice de Belen.

At Mayo 21 ang streaming ng birdkada movie na I Am Not Big Bird, kung saan may pa-birdie na prosthetic at pixelated sina Enrique Gil, Nikko Natividad, at Red Ollero.

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — My Zombabe, Jurassic World Dominion, Rebel Moon Part Two: The Scargiver, Kampon, City Hunter, A Journey, Don’t Breathe 2, Evan Almighty, Godzilla King of Monsters, at Rebel Moon Part One: A Child of Fire.
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Queen of Tears, Baby Reindeer, Kaiju No. 8, Parasyte The Grey, I Was Reincarnated as the 7th Prince so I Can Take My Time Perfecting My Magical Ability, That Time I Get Reincarnated As A Slime, Can’t Buy Me Love, A Sign of Affection, Brigands The Quest for Gold, at Shaman King Flowers.
NOEL FERRER
Naku, nasa A Journey pa lang ako at hindi pa nadadagdagan ang aking Netflix repertoire.
At kung kinakausap ko ang mga kaibigan ko, wala silang ibang bukambibig kundi Queen Of Tears at ang malapit nang magtapos na Can’t Buy Me Love — kung sino ba raw talaga ang pumatay kay Divine (Shaina Magdayao).
Hahanap pa ako ng oras para makapanood ng mga ito sa Netflix!!!
GORGY RULA
Sunud-sunod na ang pagpasok ng local films sa Netflix at inaasahan na ang pag-No. 1 ng mga ito.
Ang labanan dito ay kung magtatagal sa No. 1 slot, at kung aabutin ng isang buwan sa top ten trending.
Kapag maganda ang pelikula at patuloy na pinag-usapan sa social media, puwedeng lumaban sa trending at madali nang ibenta sa Netflix ang susunod na pelikulang ipo-produce ng isang producer.
Kaya maganda ang record ng Mavx Productions sa Netflix dahil sa magaganda nilang pelikulang nag-trending nang matagal, kagaya ng A Journey, A Faraway Land, Dollhouse, I Love Lizzy, at iba pa.
Kaya ang film producers ngayon ay hindi lang sa mga sinehan ang target, kundi pati na rin sa streaming service.
Kamakalawa lang ay ifinorward sa akin ni Direk Armando Reyes ang trailer ng isang lumang pelikulang hindi pa rin nakakakuha ng booking sa mga sinehan.
First production daw ito ng isang independent producer na hindi siguro natulungang i-book ito.
Baka puwede raw naming tulungang maibenta ito sa ilang streaming service, o interesado rin ang Netflix. Baka interesado rin daw ang mga TV station na bilhin ito.
Ito yung pelikulang Talo, Tabla, Panalo ng AmyTony Foundation, Inc. na idinirek ni Neal Buboy Tan.
Nung gino-Google ko ang naturang pelikula, taong 2012 pa pala unang ipinalabas ang trailer nito.
Nakakawindang na karamihan sa mga artistang nagsiganap sa naturang pelikula ay namaalam na—kagaya nina Eddie Garcia, German Moreno, Tia Pusit, Flora Gasser, at pati si Tita Swarding.
Bilang pagbibigay-pugay na lang daw sa mga namayapang artista, baka interesado rin daw silang ipalabas ito sa kanilang platform. Puwede naman ma-check sa YouTube ang trailer nito.
Hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asang maibalik ang ipinuhunan nila sa pelikulang ito.
