GORGY RULA
Naglaro pala sa Family Feud si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel, kasama si Ariella Arida at ilang staff ng Miss Universe Philippines.
Nakalaban nila ang grupo ni Sugar Mercado.
Sobrang na-enjoy raw ito ng Fil-Am beauty queen.
Read: R'Bonney Gabriel wears exquisite Rian Fernandez gown for final walk as Miss Universe 2022
Nakapag-taping na sila nung nakaraang linggo, pero sa May 13, 2024 pa ito mapapanood.
@rbonneynola Lil’ fit check before @Family Fued #familyfuedphilippines #familyfuedph #fitcheck ? sonido original - Letty Franco
WALANG MATIGAS NA PULIS CAST
Riot din ang mga susunod na episodes na mapapanood sa Family Feud, lalo na raw itong paglalaro ng cast ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik na Misis na malapit na ring matapos.
Magkalaban ang Team Matinik nina Beauty Gonzalez, Maey Bautista, Carmi Martin, at Angel Leighton versus Team Matigas nina Niño Muhlach, Dennis Padila, Antonio Aquitana, at Jeffrey Tam.
Read: Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ni Bong Revilla, last taping day na
Ang saya raw ng asaran ng dalawang teams, lalo na sina Niño at Maey.
Pero nakakatuwa raw si Niño na tuwing nakakatama ng sagot ay gumugulong ito sa sahig. Ilang beses na kasing naglaro si Onin sa Family Feud at madalas siyang natatalo ito.
Kuwela rin daw ang naughty comments ni Dennis Padilla, kaya sayang lang kung itapon ang mga masasayang tagpo sa naturang game show.
Kagaya nung naglaro ang It’s Showtime hosts, magkakaroon din ito ng extended version na ipalalabas sa kanilang YouTube channel pagkatapos ng airing nito sa darating na Biyernes, Mayo 3.
Read: Musta ang It's Showtime guesting sa Family Feud?; Eat Bulaga! production cost, tumaas ba?

(From left) Angel Leighton, Carmi Martin, Maey Bautista, Beauty Gonzalez, Niño Muhlach, Jeffrey Tam, Antonio Aquitania, and Dennis Padilla
NOEL FERRER
Magsisimula ang bagong season ng Family Feud sa Mayo 1, at ang maglalaro rito ay ang cast ng Abot-Kamay Na Pangarap.
Okay pa rin naman ang ratings ng Family Feud kahit minsan ay mababa ang viewership sa afternoon slot.
Noong Huwebes, Abril 25, ay naka-8.1% ang Family Feud, at noong Biyernes, Abril 26, ay 7.2%.
JERRY OLEA
Ang dating nasa timeslot ng Family Feud ay ang Wowowin: Tutok Para Manalo ni Willie Revillame.
Sa pagbabalik-TV5 ni Kuya Wil ay kaabang-abang kung saang timeslot ilalagay ang kanyang programa. Makikipagsalpukan kaya iyon sa Family Feud?
Take note na ang ratings na itinatala noon ng Wowowin: Tutok Para Manalo ay nadoble o higit pa sa Family Feud ni Dingdong Dantes.
Read: Willie Revillame, nagpasalamat sa GMA-7 nang pumirma ng kontrata sa TV5
