PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Olive May, love interest ni Euwenn Mikaell sa Forever Young

Olive May, mabigat sa kalooban ang pag-alis sa Calista.
by PEP Troika
Published Apr 30, 2024
olive may euwenn mikaell forever young
Olive May will play the love interest of 11-year-old Euwenn Mikaell in the upcoming Kapuso afternoon drama series Forever Young.
PHOTO/S: Gorgy Rula / @euwenn_mikaell on Instagram

GORGY RULA

Isa sa binibigyan ng magandang break ng Sparkle GMA Artist Center ay si Olive May, ang 19-year-old former member ng P-Pop group na Calista.

Maganda ang batang ito na isinama na noon sa sitcom ng GTV na Tols.

Isa siya sa kinuhang brand ambassadors ng iSkin Aesthetic Lifestyle kasama sina Rita Daniela, Brent Valdez, at Rein Hillary.

Bukod pa rito, isinama na rin siya sa bagong prime time drama ng GMA-7 na Forever Young. Siya ang love interest dito ng child actor na si Euwenn Mikaell.

Read: Firefly star Euwenn Mikaell bida sa afternoon drama series ng GMA-7

Ginagampanan kasi rito ni Euwenn ang role ng isang 25-year-old guy na nasa katawan ng isang 10-year-old boy.

May kakaibang medical condition ito na tinatawag nilang panhypopituitarism kung saan apektado ang paglaki nito. Kaya kahit mukha siyang bata, binata na ang isip nito at nai-in love na.

Si Olive May ang nagustuhan niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Olive May, dapat ay guesting lang siya sa Forever Young.

“Kasi parang for guesting lang po talaga yun. Pero nagustuhan ng director na merong part ng ano, na meron siyang gusto…

"Kasi bata siya talaga, pero he’s 25 years old, ganun po. So, parang interesting yung ganung story,” napapangiting pahayag ni Olive May.

Kaya excited daw siya rito na kakaiba nga naman dahil wala siyang ka-partner o ka-love team, isang 11-year-old child actor ang love interest niya rito.

Kahit wala na sa Calista si Olive May, gusto pa rin niyang ipursige ang pagkanta at pagsayaw dahil isa ito sa talents niya kaya napapa-guest siya sa Al-Out Sundays paminsan-minsan.

Read: Music video ng bagong P-pop girl na Calista, ginastusan ng P8M?

calista

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Calista

JERRY OLEA

Sabi ni Olive May, mabigat sa loob din niyang iwan ang Calista, pero pag-aartista raw talaga ang isa sa gusto niyang gawin.

“I feel like ito po talaga ang calling ko,” pakli niya.

Halos apat na taon silang araw-araw ay magkakasama sila. Kaya hindi naiwasang magtampo sa kanya ang mga kamiyembrong iniwan niya.

“At first po siyempre, nalungkot po sila. May times na walang kibuan, parang nagtampuhan kasi matagal po kaming nagkasama.

“Pero nakapag-adjust naman po and naintindihan naman po na sa life talaga na we go on separate paths talaga. Kung ano yung gusto nating i-pursue,” saad ni OIive May.

Nasa Sparkle na siya, pero co-managed pa rin siya ng Merlion Productions na siyang bumuo ng grupong Calista.

Apat na miyembro na lang ngayon ang Calista, dahil meron pang isang member na umalis na rin at pinasok na rin ang pag-arte.

NOEL FERRER

Ang pelikulang Firefly pala ni Euwenn Mikaell ay mapapanood na sa Prime Video simula ngayong Abril 30, Martes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Review: What makes Firefly shine among MMFF 2023 entries?

Bahagi ng promo ng naturang pelikula, kasama rin si Euwenn sa Storybook Signing ng Firefly sa Philippine Book Festival na ginanap sa World Trade Center noong Sabado, Abril 27 ng hapon, and I was there — kitang-kita ang suporta ng mga tao.

Kasama ni Euwenn ang author ng libro na si Augie Rivera, ang story creator na si Anj Atienza, at ang illustrator na si Aldy Aguirre.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Olive May will play the love interest of 11-year-old Euwenn Mikaell in the upcoming Kapuso afternoon drama series Forever Young.
PHOTO/S: Gorgy Rula / @euwenn_mikaell on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results