GORGY RULA
Sa gitna ng pagpo-promote ni Diego Loyzaga ng pelikulang Isang Gabi, personal din niyang inaasikaso ang 1st birthday party ng anak niyang si Hailey.
Sabi ni Diego, ang dami raw natutunan bilang ama ngayong mag-iisang taon na ang kanyang anak.
First birthday pa lang daw ni Hailey, madugo na raw pala ang gastusin.
Read: Diego Loyzaga, panay ang tanggap ng raket para sa 1st birthday ng anak
“I would have never thought na her first birthday would cost that much as the debut.
"I’m still trying to wrap my head around kung nakita ko na magkano ang presyo ng lahat. Sabi ko, ‘O teka lang…’” bulalas ni Diego nang nakapanayam ito sa DZRH nung nakaraang Lunes, April 29, 2024.
DIEGO LOYZAGA'S BABY FACE REVEAL
Pero ang isa pala sa balak nilang gawin ng kanyang partner ay ipakikita na nila ang mukha ni Hailey pagtuntong nito ng isang taon.
Noong una raw ay wala talaga silang balak ipakita ang mukha ng kanilang anak sa publiko. Gusto nilang paglaki ni Hailey, ito mismo mag-decide kung gusto na nitong magpakilala sa publiko.
View this post on Instagram
“Yung face niya, hindi pa namin pinu-post. Ayoko lang kasi na one day, she’ll be, like, ‘Why did you expose me sa mundo ng showbiz?’
“Gusto ko, siya yung pipili. Gusto ko siya yung mag-decide.
"But the thing is, hindi na namin maiwasan, kasi napapansin namin is, you know, yung…
"Wala tayong paparazzi, pero you know, the regular people who take photos nang palihim, and then ipo-post nila.
“We might as well be the one who come out already,” saad ni Diego.
Read: Diego Loyzaga does not want daughter Hailey to experience what he went through as a child
Nang mag-guest si Diego sa YouTube channel ni Maricel Soriano, ipinakilala raw niya ang kanyang anak. Pero ipinakiusap ng aktor na huwag ipakita ang mukha ng bata.
Sundin na lang daw ang partner niya, ang ina ng baby, na hintayin na lang mag-one year old.
“Actually today, I had interview with Inay, Maricel Soriano. I guested Hailey. Pero sabi ko, ‘Huwag mo muna please ipakita yung face.’
“Let’s wait for her birthday next month. Dun na i-out. I’ll show the world. Hindi na rin kasi maiwasan, e,” sabi pa ni Diego.
View this post on Instagram
Magkasunod daw sila ng birthday ng kanyang anak. Sa Mayo 21 ang kaarawan niya at sa 22 naman ang kanyang anak.
Pero mas pinaghahandaan daw nila ang birthday ni Hailey.
JERRY OLEA
Natuto na raw si Diego at ang kanyang partner nang inunahan silang mag-announce na may anak na siya.
Read: Diego Loyzaga hints at being dad to baby girl; netizens ask: "Who's the mother?"
Wala naman daw siyang balak na itago ito, pero nadismaya lang siya nang inunahan pa siyang mag-announce sa publiko.
“Kagaya niyan. Kaya magpo-post ng pic ni Hailey. Kasi naunahan din kami mag-post na ito, may baby na ako.
“Siyempre, you know naman na… what do you call it? Yung mga gossip kind of tabloid people here online sa Pinas, inunahan kami.
"So, parang… once in your life ka lang makapagsabi yung parang big news na ibi-break mo sa lahat na, ‘Hey guys, may baby na ako.’
“If somebody take it from you, ang pangit ng feeling, e. Tinaymingan lang namin. Pero wala kaming dini-deny at all,” saad ni Diego.
NOEL FERRER
Parang with Diego, kailangan niya pang pag-isipan ang kanyang buhay, and gather enough wisdom at mag-ingat din bago magbigay ng public pronouncements.
I’m referring to his comment sa isang interview na he doesn’t believe in marriage, and marriage is just a piece of paper.
Sana, inisip muna niya ang repercussion ng sasabihin niya sa publiko bago pakawalan ang mga ganoong pahayag.
Read: Diego Loyzaga explains why he does not believe in marriage
