Nagliliwanag ang mukha at ganadung-ganado sa pagkukuwento si Diego Loyzaga kapag ang kanyang anak na si Hailey ang pinag-uusapan.
Read: Diego Loyzaga does not want daughter Hailey to experience what he went through as a child
Si Diego ang lead actor sa Isang Gabi, ang pelikulang pinagbibidahan nila ni Coleen Garcia at idinirek ni Mac Alejandre.
Sa tanong kung gaano siya kainspirado ngayong magtrabaho nang dahil kay Hailey, detalyadong nagkuwento ang aktor tungkol sa kanyang anak na magdiriwang ng unang kaarawan sa Mayo 2024.
“In the first week of May, I’m doing five back-to-back rakets just to afford her birthday party.
“Not that I can’t afford it but, you know, money out is still money out.
"Pandagdag lang because hindi ko akalain na ang first birthday niya ay gagastos din pala ako na parang higit sa isang debut na pala!” natatawang lahad ni Diego tungkol sa mga paghahandanf ginagawa niya para sa kaarawan ng kanyang panganay na anak.
Pagpapatuloy niya, “I am doing everything in my power to be able to… I’ve said so much, e. I really promised so much. I want to be able to provide.
"And even though sinasabi ko na hindi naman niya maalaala yung first birthday niya, ang laging sinasabi ng nanay ng baby ko ay ‘Pero tayo, maaalaala natin ito.’
“Wala akong takas!”
Read: Diego Loyzaga on dad Cesar Montano: “He’s so in love with my baby girl.”
View this post on Instagram
DIEGO BRANCHES OUT TO BUSINESS
Sinubukan nang pumasok ni Diego sa ibang negosyo para makatiyak siyang magkakaroon ng magandang kinabukasan ang kanyang anak.
Saad niya, “If you ask me how inspired I am, this is our first choice of career, di ba? Kami naman, showbiz.
“But I am starting to think about branching out already for… I’m 29 next month.
"So, nagsimula na akong magnegosyo, which I never thought I would enter before and it doesn’t end. It keeps on going.
“Ang dami ko nang ibang mga ginagawa na sideline na trabaho.
“I was asking Direk Mac backstage, 'Guys, I fly in on this day from Japan and the next day, dapat mag-Cebu, the next day Bohol, and after that Mindanao. Gawin ko ba?'
"Sabi ni Direk Mac, ‘Go, if the renumeration is worth the aggravation. You can do it, you’re young.’"
Dagdag pa ni Diego, “Makuwento ko lang, last weekend, we drove five hours sa Nueva Ecija, five hours to Pangasinan.
"From Pangasinan, I drove seven hours back to Caloocan, and that was all in… a little more than 24 hours.
"Twenty-one hours on the road pa lang, just to do three back-to-back rakets. I’m very motivated."
Nakausap ng entertainment press si Diego sa media conference ng Isang Gabi na idinaos nitong Miyerkules ng tanghali, Abril 24, 2024.
View this post on Instagram
ONE NIGHT WITH DIEGO
At dahil Isang Gabi ang pamagat ng pelikula nila ni Coleen, tinanong si Diego kung sino ang gusto nitong makasama sa loob ng isang gabi.
Gaya ng dapat asahan, ang kanyang anak pa rin ang sagot niya.
“Yung baby ko po, gusto ko siyang kasama, kahit bawal magsama ng baby sa sinehan.
“I just wanna spend time with her. I actually thought about this na isama ko siya sa isang moviehouse, like a cinema.
“Have you ever been in a cinema na you heard a baby crying and you complained na why is there a baby inside?
“I don’t wanna be that kind of guy. Hindi ko pa nagagawa so, of course, I wanted to experience.
"I want to be there the first time she experiences the big screen.
“Siyempre, sa ngayon, ina-avoid pa namin siya na mag-iPad, mag-phone, mag-TV altogether. I wanna be there when she experiences the first movie,” sabi ni Diego.