GORGY RULA
Naglabas na ng commitment order ang Taguig Regional Trial Court (RTC) upang madala si Cedric Lee sa National Bilibid Prison (NBP), sa Muntinlupa City.
Nauna nang dinala sa NBP ang kapwa niya akusadong si Simeon Raz kahapon, May 2, 2024.
Nahatulan ang dalawa, kasama sina Deniece Cornejo at Ferdinand Guerrero, na guilty sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.
Kaugnay ng kanilang conviction, reclusion perpetua o lifetime imprisonment ang ipinataw sa kanilang sentensiya.
Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo found guilty in Vhong Navarro serious illegal detention case
Bandang alas-kuwatro ng hapon ngayong Biyernes, Mayo 3, nakaalis ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Taguig RTC para kunin ang commitment order para sa pagdala kay Lee sa Bilibid.
Hindi dumalo si Cedric sa pagbasa ng desisyon ni Judge Mariam Bien ng Taguig TRC Branch 153, kaya hindi siya agad nadala sa kulungan.
Ngunit kinagabihan ay boluntaryo siyang sumuko sa tanggapan ni NBI director Atty. Medardo Dilemos.
Read: Cedric Lee voluntarily surrenders after guilty verdict
Dapat ay dadalhin pa si Cedric sa Taguig RTC, pero hindi na siya naiprisinta roon dahil mataas daw ang blood pressure nito.
Pagkadala ng commitment order sa NBI ay kukumpletuhin na roon ang mga procedure at requirement bago siya dalhin sa National Bilibid Prison.
Makakasama na ni Cedric si Raz sa NBP, at hinihintay na lang ang pagsuko ng isa pang hinatulan na si Ferdinand Guerrero.
Si Deniece Cornejo naman ay kahapon pa dinala sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.
Read: Deniece Cornejo, diretso sa kulungan matapos mahatulang guilty
VINA MORALES ON CEDRIC LEE'S CONVICTION
Samantala, sinisikap ng PEP Troika na makapanayam si Vina Morales para alamin sana namin kung nakapagpaalam ba si Cedric sa kanilang anak.
Noong premiere night ng pelikulang Sunny noong nakaraang buwan ay masaya pang pinag-usapan namin ni Vina na okay na raw sila ni Cedric, at madalas ay nahihiram ng dating karelasyon ang kanilang anak.
Gusto raw kasi ni Vina na maramdaman ng kanilang anak na nandiyan at kumpleto ang kanyang magulang.
Read: Vina Morales, single at "hindi in love"; may co-parenting set-up na with Cedric Lee
Nagpaalam kami sa handler ni Vina sa Star Magic kung puwede namin itong makapanayam.
“Sorry she has a show out of town today. Thanks,” sagot ng handler ni Vina.
JERRY OLEA
Andaming nag-react sa statement ni Cedric na, “Nagkasakitan lang nang kaunti,” kaugnay sa sinapit ni Vhong Navarro.
Ipino-post ng mga netizen ang hitsura ni Vhong sa ospital matapos ang pangyayari noong January 22, 2014.
Vhong Navarro (left) following his ordeal in the hands of Cedric Lee (right) and cohorts.
Kung iyong nalasap ni Vhong ay KAUNTI lamang, ano raw kaya ang GRABE para kay Cedric?
Read: Cedric Lee maintains innocence amid conviction: "Hindi dapat na magkaroon ng life imprisonment."
NOEL FERRER
Grabe ang plot twist sa kasong ito talaga. Parang kita mo ang laro ng tadhana sa mga taong kasangkot dito.
Sana lang, hindi na madawit ang ibang mga miyembro ng pamilya nila dahil siguradong wala silang muwang sa nangyari.
At sana rin, hindi mangyari ang nangyari sa kanila sa atin o kaninuman.
