JERRY OLEA
Dalawang araw na sa top spot ng Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix ang Roadtrip nina Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Janice de Belen, at Gelli de Belen.
Read: Candy Pangilinan, mentor si Ricky Lee nang isulat niya ang RoadTrip

Gelli de Belen, Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, and Janice de Belen
May dalawa pang Pinoy movies sa nasabing talaan. Nasa pang-anim na puwesto ang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko nina Aga Muhlach at Julia Barretto.
Three days na No. 2 sa Top 10 ang Aga-Julia movie, mula Mayo 9 hanggang 11. Bigo itong mag-No. 1.

Julia Barretto and Aga Muhlach in Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko
Nasa pansiyam na puwesto ang Pula na pinagbidahan nina Coco Martin at Julia Montes.
Four consecutive days na nanguna ito sa Netflix list na Top 10 Movies in the Philippines Today, mula Mayo 5 hanggang 8.
Read: Coco Martin-Julia Montes movie na Pula, diretso sa Netflix

Coco Martin in Pula
UPCOMING PINOY MOVIES ON NETFLIX
Sa Mayo 21, Martes, ay streaming na sa Netflix ang comeback movie ni Enrique Gil na I Am Not Big Bird.

Nikko Natividad, Enrique Gil, and Red Ollero in I Am Not Big Bird
Mayo 30 naman ang streaming ng MMFF 2023 entry nina Sharon Cuneta at Alden Richards na Family of Two (A Mother and Son Story).

Sharon Cuneta and Alden Richards in Family of Two
At Hunyo 7 ang streaming ng MMFF 2023 entry ni Matteo Guidicelli na Penduko.

CAN'T BUY ME LOVE LEAVES TOP 10 TV SHOWS ON NETFLIX
Sa Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix ay wala nang gawang Pinoy.
Ligwak na ang DonBelle series na Can’t Buy Me Love noon pang Mayo 12, Linggo, Mothers Day.

Belle Mariano and Donny Pangilinan in Can't Buy Me Love
Kontrobersiyal ang six-episode limited series na A Man in Full dahil sa erect prosthetic penis ni Tom Pelphrey na idinispley nang maluwalhati sa finale.
Mayo 2, 2024 nag-umpisa ang streaming nito. Take note na two days lang ito naka-penetrate sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH — ikasampu noong Mayo 5, at ikawalo noong Mayo 7.

Tom Pelphrey (left) and Jeff Daniels (right) in a scene from A Man In Full
Streaming na sa Netflix umpisa Mayo 16, Huwebes, ang part 1 (four episodes) ng third season ng seryeng Bridgerton, na batay sa nobelang Romancing Mister Bridgerton.
Ang part 2 (natitirang four episodes) ay sa Hunyo 13 matutunghayan.

Luke Newton and Nicola Coughlan in Bridgerton
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — Road Trip, Ghost Ship, Firestarter, Mother of the Bride, Redemption, Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko, Escape Room, XXX Return of Xander Cage, Pula, at Uncle Drew.
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Demon Slayer, The Atypical Family, Queen of Tears, Kaiju No. 8, Dare to Love Me, Baby Reindeer, Ashley Madison Sex, Lies & Scandal, 7th Prince, Blood of Zeus, at Kevin Hart: Mark Twain Prize.
GORGY RULA
Achieved na achieved mo na kapag makaisang linggong number one ang isang pelikula sa Netflix. Puwede talaga itong magtagal kapag maganda ang pelikula.
No. 1 ang GomBurZa nang apat na araw, mula Abril 11 hanggang 14.

Cedrick Juan, Enchong Dee, and Dante Rivero in GomBurZa
Ang pumalit sa puwesto nito ay A Journey na na limang magkakasunod na araw na number 1, mula Abril 15 hanggang 19.

Paolo Contis, Kaye Abad, and Patrick Garcia in A Journey
Gawang-Pinoy rin ang nagpatalsik sa A Journey sa posisyon nito, ang Kampon na number 1 noong Abril 20 at 21.

Beauty Gonzalez and Derek Ramsay in Kampon
Iyong My Zombabe nina Kim Molina at Empoy Marquez ay five consecutive days na number 1, mula Abril 26 hanggang 30.

Kim Molina and Empoy Marquez in My Zombabe
NETFLIX A BIG HELP TO PINOY MOVIES
Makikita mo kung nagustuhan ng mga tao ang pelikula kapag matagal iyong hindi nalalaglag sa top ten trending.
Ang laking tulong ng Netflix at iba pang streaming service sa mga pelikula natin, dahil hindi pa rin kinakagat sa mga sinehan ang karamihan. Pero hindi sila nalulugi dahil bago pa man ito magkaroon ng cinema release, nabili na ito ng streaming service kagaya ng Netflix.
Nakakapanghinayang itong Fuchsia Libre nina Paolo Contis at John Arcilla dahil maganda naman ang feedback sa pelikula, pero hindi siya na-promote nang maaga.
Pero wala nang worry riyo ang Mavx Productions dahil ang dinig namin may pag-uusap na ito sa Neflix. Malamang na after three mobths ay nasa streaming na ito.

Samantala, kaagad namang nalaglag sa Top 10 trending ang ending ng Can’t Buy Me Love dahil parang napagod na siguro ang mga manonood.
Hindi ako bumitaw sa teleseryeng ito ng DonBelle dahil sa nagustuhan ko ang kabuuan ng kuwento at magagaling silang lahat. Pero nadismaya ako sa ending nito.
Parang ang daming nakialam kung paano nila tapusin itong magandang kuwento nina Bingo (Donny Pangilinan) at Caroline (Belle Mariano).
NOEL FERRER
But mind you, namimili na talaga ang Netflix ngayon ng mga Pinoy movies na ipapalabas nila, ha? Hindi na lang basta bili nang bili ng titles.
Kaya piling-pili ang mga TV shows at movies na ipinapalabas, dapat pumasa sa standards nila.
Kaya maraming maliliit na pelikula ngayon na walang recourse kundi mag-theatrical run, kasi hindi kinukuha para mag-Netflix premiere.
Moral of the story, gandahan pa rin lahat ng mga ginagawang content talaga.
