PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda, may patutsada sa isang airline

Vice, na-delay ang flight pabalik ng Maynila noong May 17.
by PEP Troika
Published May 19, 2024
Vice Ganda at It's Showtime on May 10, 2024
Napansin ng netizens ang patutsada ni Vice Ganda sa isang airline sa EXpecially For You segment ng It's Showtime na umere noong May 17, Biyernes.
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime / ABS-CBN / GMA-7

GORGY RULA:

Napansin ng netizens sa May 18, Saturday episode ng It’s Showtime ang kantiyaw nina Vice Ganda sa dating lovelife ni Kim Chiu.

Pero napag-usapan din sa X na may hashtag na #ShowtimeMAYganern ang tila patutsada ni Vice Ganda sa Philippine Airlines.

Nangyari rin ito sa segment ng EXpecially For You kung saan ay pinag-usapan ang paraan ng pagpapahatid ng mensahe noong unang panahon.

Iba kasi ang noong araw na karamihan ay idinadaan sa love letters, o kaya makipagtelebabad sa telepono ng kapitbahay o kaya sa katabing tindahan.

Napag-usapan din nila ang crossline noong araw kapag may nagtatawagan sa telepono.

Sinariwa pa nina Vice Ganda at Vhong Navarro na sa eskuwelahan ay ginagawa pang eroplano ang love letter, at paliliparin papunta sa taong papadalhan mo ng sulat.

Pero iba ang hirit ng Unkabogable Star. Aniya, “Ginawa ko yan dati yung bet ko talaga, ginanun ko ang eroplano, hindi umabot. Delayed yung eroplano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Papel pala sa PAL yung nagamit ko. Kaya hindi umabot. So ganun, delayed siya.”

Napatili na lang si Kim Chiu at wala nang nag-follow up na komento sa hirit niya.

Matatandaang hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinawag ni Vice ang pansin ng PAL.

Noong October 2023 ay naging viral ang reklamo ni Vice sa PAL dahil sa “overbooking” issue kunsaan mismong siya ay nawalan ng upuan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

READ:

Vice Ganda airs frustration over “overbooked” flight; airline company issues apology and explanation

Vice Ganda commended for "Piliin Mo Ang Pilipinas" video

Pero agad naman itong inimbestigahan at inaksyunan ng PAL, na naglabas din ng kanilang statement tungkol sa isyu.

JERRY OLEA:

Na-late ng dating si Vice Ganda sa It’s Showtime noong Biyernes, Mayo 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-delay pala ang flight niya pagbalik ng Maynila.

Hindi nabanggit kung saan siya nanggaling. Pero hindi na nakasali si Vice Ganda sa mga naunang segment.

Pagsisimula pa lang ng EXpecially For You siya dumating, dahil na-delay ang flight niya pabalik ng Maynila.

Hindi pa nakapag-move on si Vice Ganda, nagpasaring pa siya sa PAL kinabukasan.

Iyun na!

READ:

What makes Vice Ganda agree to an endorsement?

Vice Ganda responds to critics of “pisikalan” jokes in It’s Showtime

NOEL FERRER:

Nakaka-relate ako kay Vice. Sa recent trip ko sa U.S., na-cancel naman ang trip ko back through PAL.

Pero buti may United Airlines naman na sumalo. At efficient naman.

Nangyayari talaga ang mga delays at cancellation na iyan! Basta sana, isolated case lang iyung mga ganyan at hindi sana maging kalakaran.

READ:

Vice Ganda pokes fun at Francine Diaz-Orange & Lemons gig issue

Vice Ganda reflects on past rape joke about Jessica Soho

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napansin ng netizens ang patutsada ni Vice Ganda sa isang airline sa EXpecially For You segment ng It's Showtime na umere noong May 17, Biyernes.
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime / ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results