JERRY OLEA
Ayon sa Box Office Mojo, labing-isang Hollywood films na ipinalabas this year ang lumampas na sa $100M ang worldwide gross.
Read: Local movies slump at box office anew after record-breaking MMFF 2023
Nangunguna ang Dune: Part Two ($859M), na sinundan ng Godzilla x Kong: The New Empire ($564M) at Kung Fu Panda 4 ($534M).
Pang-apat na agad ang kaso-showing pa lang ng Kingdom of the Planet of the Apes ($238M).
Sumunod ang Ghostbusters: Frozen Empire ($199M), Bob Marley: One Love ($178M), The Beekeeper ($153M), The Fall Guy ($127M), Civil War ($112M), Mean Girls ($104M), at Madame Web ($100M).
Ewan kung aabot pa sa $100M global gross ang Exhuma ($97M) at Argylle ($96M).
Take note na ang Top 5 ay pawang sequel.
LOCAL FILMS VS HOLLYWOOD SUMMER MOVIES
Nasa summer movie season na sa Hollywood, at kaabang-abang kung ano ang sasapitin sa takilya ng mga pelikulang IF, The Strangers: Chapter 1, Furiosa: A Mad Max Story, The Garfield Movie, Bad Boys: Ride or Die, Inside Out 2, The Bikeriders, at A Quiet Place: Day One.
Looking forward din tayo kung magpapayanig ba ang Despicable Me 4, Twisters, Deadpool and Wolverine, Borderlands, Alien: Romulus, at The Crow.
Ano kaya ang kahihinatnan ng mga pelikulang Pinoy na mangangahas makipagbardagulan sa Hollywood releases na ito?
Bukas, Mayo 22, Miyerkules, ay palabas na sa local cinemas ang pelikulang When Magic Hurts nina Beaver Magtalas, Mutya Orquia, Maxine Trinidad, at Ms. Claudine Barretto.

Makikipagbakbakan ito sa Furiosa: A Mad Max Saga, The Strangers: Chapter 1, Ordinary Angels, Pee Nak 4, at Winnie the Pooh: Blood and Honey 2.
Mayo 29 naman ang playdate ng Chances Are, You & I nina Kelvin Miranda at Kira Balinger, Seoulmeyt nina Kim Molina at Jerald Napoles, at Under A Piaya Moon nina Jeff Moses at Pauline Dimaranan.

Katapat nila ang How To Make Millions Before Grandma Dies, Succubus, The Garfield Movie, at Unsung Hero.
Ang Under A Piaya Moon ay isa sa anim na official entries ng 1st Puregold CinePanalo Film Festival noong Marso.
Panalo ito sa mga kategoryang best film, best cinematography, best editing, best production design, best actor (Jeff Moses), at best supporting actor (Joel Torre). Iso-showing ito sa SM Bacolod at Ayala Cinemas Bacolod.
Read: Sparkle artist Jeff Moses, wagi agad ng best actor para sa una niyang pelikula

Nakatakda sa Hunyo 5 ang showing ng 1521: The Quest for Love and Freedom nina Danny Trejo at Bea Alonzo.
Noong Nobyembre 8, 2023 pa sana ang showing nito sa Pilipinas pero biglang iniurong.

Ayaw i-promote ni Bea ang pelikulang ito — just like Belle Mariano na hindi rin nag-promote ng pelikulang Huling Sayaw with Bugoy Cariño.
Nasa June 5 playdate din ang Ballerina.
Para sa updates, bisitahin sa tuwi-tuwina ang Facebook pages ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines at SM Cinema, ganoon din ang website ng Click The City.
GORGY RULA
Mahirap pa rin talagang lumaban ang local films natin sa Hollywood films, kaya pasipagan ng promo talaga sa ngayon.
Isa na rito ang pelikulang When Magic Hurts na bagong film producer ang nag-produce nito. Kaya sana ay suportahan ng moviegoers.
Bida rito ang Star Magic artists na sina Mutya Orquia, Beaver Magtalas, at Maxine Trinidad.
Nasa cast din sina Claudine Barretto, Aryanna Barretto, Dennis Padilla, Soliman Cruz, Angelica Jones, Archi Adamos, at Aileen Papin.

Beaver Magtalas and Mutya Orquia
Mabuti na lang at suportado ng mga taga-Nueve Ecija ang pelikulang ito, na talagang dinagsa nila ang premiere nito sa Cabanatuan noong Mayo 12, Linggo.
Tagaroon kasi si Beaver Magtalas na celebriting-celebrity ang dating doon sa Cabanatuan.
Grabe ang suporta sa kanya ng mga kaibigan niya at classmates na todo rin sa pagpo-promote.
“I’m really happy na nabigyan ng opportunity to show it here na of course, this is my first big movie po.
“So, I want to show it po sa mga kapwa Nueva Ecijano po, and of course to my friends and family here. Hindi na po nila kailangang lumuwas to see it,” pakli ni Beaver nang nakatsikahan namin sa pa-premiere nila sa Cabanatuan.
Read: Beaver Magtalas admits to being attracted to Mutya Orquia
Ngayon naman ay ikot pa rin sila sa pagpo-promote at ang lagi namang natatanong kay Mutya ay ang katatapos lang na kasal nina Nash Aguas at Mika dela Cruz.
Dumalo si Mutya sa naturang kasal at sobrang happy raw niya na natuloy sa kasalan, dahil nung bata pa lang daw sila ay natutukso na nila sina Mika at Nash sa Goin’ Bulilit.
Read: Nash Aguas, Mika dela Cruz tie the knot in Tagaytay
NOEL FERRER
Kung sa theatrical exhibition lang aasa ang producers sa kikitain ng pelikula, naku, manghihina ka talaga.
Kaya sana, maganda ang kalalabasan ng pelikula para maibenta ito nang maayos sa iba’t ibang streaming platforms, sa iba’t ibang territories.
Sana, ganito ang mangyari sa When Magic Hurts, Under A Piaya Moon, at iba pang pelikulang Pilipino.