PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Local movies slump at box office anew after record-breaking MMFF 2023

What's the future of Filipino movies?
by Jerry Olea
Published Feb 27, 2024
gomburza rewind big bird
Among the local movies shown in the past few months are (from left) GomBurZa starring Cedrick Juan, Rewind starring Marian Rivera and Dingong Dantes, and I Am Not Big Bird starring Enrique Gil.

Ang first four official entries ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) ay pinili base sa script.

Ang mga ito ay Rewind, Family of Two (A Mother and Son Story), Kampon, at Penduko.

Tatlumpung finished films ang isinumite para sa second batch. Anim sa mga ito ang napili bilang official entries — GomBurZa, Firefly, Mallari, When I Met You In Tokyo, Becky & Badette, at Broken Hearts Trip.

Read: MMFF 2023 Top 10 official entries: Pinaghalu-halong romance, drama, horror, comedy, fantasy, action

Ang mga nagwagi bilang bapoest picture ay pawang pinili bilang finished film sa MMFF 2023 — Firefly, GomBurZa, Mallari, at When I Met You In Tokyo.

Ang historical film na GomBurZa kung saan bida si Cedrick Juan ang may pinakamaraming awards.

Read: Vilma Santos, Cedrick Juan, Firefly, Gomburza win big at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal

gomburza movie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Enchong Dee, Dante Rivero, and Cedrick Juan in GomBurZa

Topgrosser ang DongYan film na Rewind, ang pinakamalakas na pelikulang Pinoy sa kasaysayan — domestic man o worldwide gross ang pag-uusapan, pero hindi iyon adjusted sa inflation.

Read: Rewind ng DongYan highest-grossing Filipino film of all time

Pinarangalan sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, at Team Rewind ng Quezon City LGU, pati ng Senado.

Sa Marso 25 ay streaming na sa Netflix ang Rewind.

marian rivera dingdong dantes rewind

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marian Rivera and Dingdong Dantes in Rewind

SUBMITTED ENTRIES

Sa 24 finished films na naligwak sa MMFF 2023, ang ilan ay ipinalabas na sa mga sinehan.

Read: Here are the 24 finished films that did not make it to MMFF 2023 official entries

Nobyembre 29, 2023 nag-showing sa local cinemas ang In His Mother’s Eyes nina Maricel Soriano, L.A. Santos, at Roderick Paulate.

in his mother's eyes poster

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasabay nito ang showing ng Shake, Rattle & Roll: Extreme nina Iza Calzado, Jane Oineza, at Jane de Leon. Mag-i-streaming na ang horror trilogy na ito umpisa Marso 1, 2024 sa Netflix.

Noong Nobyembre 29 din ang premiere night ng Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin sa SM Megamall. Nagkaroon ito kapagkuwan ng special screenings, pero wala pang playdate.

Nag-premiere ang The Fisher nina Mon Confiado at Enchong Dee noong Oktubre sa Tokyo International Film Festival sa Japan.

the fisher poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang launching film ni Jhassy Busran na Unspoken Letters ay ipinalabas noong Disyembre 13, 2023.

Ang Pieta nina Nora Aunor at Alfred Vargas ay nag-special screenings sa Sine Pop at Cinema ‘76 bago mag-Pasko.

Ang GG The Movie ni Donny Pangilinan ay ipinalabas sa mga sinehan noong Enero 24, 2024.

Ang birdkada movie ni Enrique Gil na I Am Not Big Bird ay nagpalabas na noong Pebrero 14, na sabay ang Valentine’s Day at Ash Wednesday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa isang veteran director, didiretso na sa streaming ang Nokturno ni Nadine Lustre.

Ang Under Parallel Skies nina Janella Salvador at Win Metawin ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Abril.

Iyong Moro ay mag-i-streaming daw sa Netflix sa Hulyo, ayon sa Facebook post ni Direk Laurice Guillen nitong Pebrero 23, Biyernes.

Wala pang balita kung saan at kailan ipapalabas iyong iba pang movies na hindi nag-qualify sa nakaraang MMF.

Kabilang sa mga ito ang Lola Magdalena, Ang Ina Mo, Baka Doon Sa Buwan, Fruitcake, Hiwaga, Jeongbu, Pinikas, Plandemic Lisik, Pula, Selda Tres, Song of the Fireflies, Talahib, at The Blood Brothers.

2024 MOVIES AT THE BOX OFFICE

Matapos ang MMFF, matamlay muli ang takilya sa lupang hinirang ngayong 2024.

So far ay dalawang Pinoy movies pa lang ang umariba kahit paano sa takilya, iyong My Sassy Girl nina Pepe Herrera at Toni Gonzaga, at I Am Not Big Bird kung saan co-stars ni Enrique Gil sina Nikko Natividad, Red Ollero, at Pepe Herrera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

my sassy girl poster

Take note na kasama si Pepe sa MMFF 2023 topgrosser na Rewind, ganoon din sa Family of Two (A Mother and Son Story).

Enero 10, 2024 nag-open ang My ZomBabe nina Empoy Marquez at Kim Molina.

Enero 17 naglakbay ang Roadtrip nina Candy Pangilinan, Carmina Villarroel, Janice de Belen, at Gelli de Belen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasabay nito ang Raging Grace ni Max Eigenmann.

Enero 24 nagpaandar ang GG The Movie ni Donny Pangilinan, at Itutumba Ka Ng Tatay Ko ni Janno Gibbs. Tampok sa parehong pelikula ang daddy ni Janno na si Ronaldo Valdez.

Enero 31 nagpakitang-gilas ang My Sassy Girl.

Pebrero 7 nagpakilig ang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko nina Aga Muhlach at Julia Barretto, kasabay ang Lisa Frankenstein na kasama si Liza Soberano.

ikaw pa rin ang pipiliin ko

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pebrero 14 itinanghal ang Slay Zone nina Pokwang at Glaiza de Castro, I Am Not Big Bird ni Enrique Gil, at Pasional kung saan leading lady si Andrea Torres.

Pebrero 28 ang playdate ng After All nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda, kasabay ang Dune: Part Two, at The Buy Bust Queen ni Phoebe Walker.

Marso 6 aariba ang Apo Hapon (A Love Story) nina JC de Vera at Sakura Akiyoshi, kasabay ang A Glimpse Of Forever nina Jasmine Curtis-Smith, Jerome Ponce, at Diego Loyzaga.

apo hapon poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Marso 13 ay isa pang pelikula ni Jasmine Curtis-Smith ang ipalalabas sa mga sinehan, iyong 3 Days, 2 Nights in Poblacion with Barbie Imperial and JM de Guzman.

Kasabay nito ang showing ng Layas, starring Nadine Samonte, Alex Medina, Joem Bascon, Michelle Vito, and Namy Ulenka.

FALSE HOPE AT THE BOX OFFICE

Pinakamalakas na MMFF ang nakaraang edisyon nito. Napakasigla ng bawat araw ng nakaraang December filmfest, pila-pila ang moviegoers sa mga sinehan.

False hope lang ba na tuluy-tuloy na ang saya sa takilya? Hindi na ba afford ng mga manonood ang sine matapos ang Christmas holidays?

“Celebratory kasi ang Christmas,” pagmamatuwid ng technical consultant ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Direk Jose Javier Reyes sa mediacon noong Pebrero 15 sa Pandan Asian Cafe, Sct. Limbaga St., Quezon City.

“It has become a tradition na manood. Yung ibang tao, dati ang masa, ang celebration nila ng Christmas, yung buong pamilya, nanonood sa sine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dati, pag gusto mo ang sine, nagre-rewatch ang tao, kaya sumasabog ang box-office. Panoorin ko kasama si Jerry, next time panoorin ko uli kasama naman si Allan. “Ngayon, bihira na ang ganun dahil sa presyo.”

Pakiwari ni Direk Joey, iyong tagumpay ng Rewind kung saan suporta si Pepe Herrera ay nakatulong sa My Sassy Girl kung saan bidang lalaki si Pepe.

Ewan kung nagkataon lang o sadyang masuwerte si Pepe, kaya nagpakitang-gilas kahit paano sa takilya ang I Am Not Big Bird kung saan isa si Pepe sa mga suporta sa bidang si Enrique Gil.

Naghimutok si Direk Joey na ang ilang pelikulang Pinoy na ipinapalabas sa mga sinehan ay salat sa promo.

Dagdag ni Direk Joey, noong magdiwang ng ika-65 anibersaryo ang SM at sa isang araw ay PHP65 lamang ang tiket sa ilang pelikulang palabas, dumagsa ang mga tao sa sinehan.

“Hindi sa ayaw manood,” pakli ni Direk Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang mag-Sine Singkuwenta ang FDCP kung saan napanood ang ilang dekalibreng pelikula, pinakapunuan ang mga sinehan sa SM Southmall sa Las Piñas.

Pananalig ni FDCP Chairman Tirso Cruz III, “It’s a proven fact that Filipinos love movies.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Among the local movies shown in the past few months are (from left) GomBurZa starring Cedrick Juan, Rewind starring Marian Rivera and Dingong Dantes, and I Am Not Big Bird starring Enrique Gil.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results