PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Alcasid, ipo-produce ang reunion concert ng Streetboys

Streetboys, magsasama-sama ulit sa kanilang reunion concert.
by PEP Troika
Published May 24, 2024
ogie alcasid streetboys concert
Ogie Alcasid (left) on producing the reunion concert of '90s all-male dance group Streetboys: “Natutuwa ako, kasi yung mga fans nila sobrang excited. And me as a fan. Mas nauna ako sa kanila, pero naalala ko sila nung nagsimula. Excited ako." Right photo: Streetboys members (from left) Meynard Marcellano, Danilo Barrios, Vhong Navarro, Nicko Manalo, and Jhong Hilario.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Successful at jampacked ang CWC Interiors Showroom nitong Mayo 23, 2024, Huwebes, sa BGC, Taguig City kung saan ginanap ang trade launch ng A Team na pag-aari ni Ogie Alcasid.

Hindi na magpapaka-active si Ogie sa pag-manage ng talents dahil magpo-focus na siya sa pagpo-produce ng concerts at shows.

Read: Ogie Alcasid puts up his own talent management team

Dalawampu’t isang shows ang ipo-produce ng A Team na magsisimula ngayong 2024 hanggang next year.

Isa na rito ang reunion concert ng all-male dance group na Streetboys na naka-schedule na sa November 8, 2024, sa New Frontier Theater.

STREETBOYS REUNION CONCERT

Nasa trade launch ng A Team ang Sreeyboys members na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Danilo Barrios, Meynard Marcellano, at Nicko Manalo.

streetboys reunion concert
(From left) Meynard Marcellano, Danilo Barrios, Vhong Navarro, Nicko Manalo, and Jhong Hilario
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasiklab sila ng dance number para mahikayat ang potential sponsors na nandun sa naturang event.

Read: Vhong Navarro reunites with Streetboys members after his release

streetboys a team trade launch
Streetboys
Photo/s: Gorgy Rula

“Pini-prepare namin yung dating hatawan ng Streetboys na ipapakita pa naming makipagsabayan, and of course yung pinakaano yung makokompleto uli kami,” bulalas ni Jhong Hilario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Papanoorin uli nila ang pagsasayaw namin sa isang place, na hindi pa nangyayari sa matagal na matagal na panahon.

“Ang dami nang napagdaanan namin… siyempre 31 years na kami, e.

"Bago man lang kami totally tumanda na, hindi na kami makapagsayaw, gusto namin… last hurrah na makapag-perform ulit kami nang sabay-sabay,” dagdag niya.

Ilan pa sa dumalo sa trade launch ng A Team ay mga artist na ipagpo-produce ng A Team — sina Regine Velasquez, Martin Nievera, Jed Madela, Ryan Bang; mga talent ng A Team na sina Lara Maigue, Gian Magdangal; at ang nag-host ng event na sina Amy Perez at Randy Santiago.

Read: Review: Rivermaya brings joy, nostalgia in highly-anticipated reunion concert

ogie martin randy a team trade launch
Ogie with Randy Santiago and Martin Nievera
Photo/s: Gorgy Rula
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
a team trade launch
Photo/s: Gorgy Rula

JERRY OLEA

Ibinahagi ni Jhong ang ilang ideya nila sa concept ng kanilang reunion concert. Pinag-uusapan na raw nila kung sinu-sino ang mga iimbitahin nilang guests sa kanilang show.

“Meron! Yung mga kasabayan namin dati, mga dancers, mga nakasama namin sa shows.

“Yung mga bina-back-up-an namin, hopefully makapunta sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre ano yun, inaalay namin ito sa lahat sa mga Streetboys supporters, para ito sa kanila,” pakli ni Jhong.

Read: Galawang '90s: top local dance groups reunite for benefit concert

NOEL FERRER

Dagdag na tsika ni Ogie Alcasid, narinig niyang pinag-usapan nina Vhong ang binabalak nilang reunion concert. Inalok daw ni Ogie na ang A Team na ang mag-produce ng binabalak nilang project.

“Akala nila, hindi ako seryoso.

"So, I started talking to Direk Chito [Roño]. We had meetings, ayun, tuluy-tuloy na.

“Sobrang exciting!” saad ni Ogie.

Bukod kina Vhong, Jhong, Meynard, Danilo, Nicko, miyembro rin ng Streetboys sina Spencer Reyes, Chris Cruz, Joey Andres, Joseph de Leon, at Michael Sesmundo.

Ipinangako na raw ng lahat na sasali sila, kahit ang iba ay nagtatrabaho na sa ibang bansa.

“Dadating sila. Lilipad sila,” bulalas ni Ogie.

“I’m so happy na nangyari lahat yan. All in God’s time.

"Alam mo, nung pinaplano pa namin yun… si Vhong, siguro last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam niyo naman ang nangyari kay Vhong. Even before we’re planning it, hanggang sa… eto kasama na natin siya ulit. This is the right time.

“Hindi ko pa alam kung ano naiisip nila, e. So far, the history of Streetboys, ikukuwento nila, kung paano sila naging Streetboys.

“Natutuwa ako, kasi yung mga fans nila sobrang excited. And me as a fan.

"Mas nauna ako sa kanila, pero naalala ko sila nung nagsimula. Excited ako."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid (left) on producing the reunion concert of '90s all-male dance group Streetboys: “Natutuwa ako, kasi yung mga fans nila sobrang excited. And me as a fan. Mas nauna ako sa kanila, pero naalala ko sila nung nagsimula. Excited ako." Right photo: Streetboys members (from left) Meynard Marcellano, Danilo Barrios, Vhong Navarro, Nicko Manalo, and Jhong Hilario.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results