GORGY RULA
Ilan sa mga taga-Family Feud ang nag-forward sa PEP Troika ng teaser ng paglalaro ng It’s Showtime hosts sa toprating game show ni Dingdong Dantes.
Read: It's Showtime hosts, maglalaro sa Family Feud
Tuwang-tuwa ang mga staff pati ang nasa audience nang pumasok na sa studio sina Vice Ganda, Anne Curtis, at iba pang co-hosts ng noontime show na eere na sa GMA-7 simula sa April 6.
Pero ang isa raw sa sobrang natuwa na parang naluha pa raw nang pumasok sa studio ay si Ogie Alcasid.
Kahit ang mga staff ng GMA-7 ay sobrang natuwa nang nakita nila uli si Ogie. Ang ilan kasi roon ay nakatrabaho ni Ogie sa musical-variety show nito dati na SOP o Sobrang Okay, Pare. Kaya tuwang-tuwa raw ang mga staff nang nakita nila uli si Ogie.
Kahit si Ogie ay ganundin, dahil ang isa pala sa naalala niya ay nag-host din siya noon ng Family Feud.
“Naiyak din ako sa tuwa. I was once a host of Family Feud sa TV5… before pa. And now as a guest sa inaanak ko na si Dingdong. Masaya!” text ni Ogie nang tinanong ito ng PEP Troika.
NOEL FERRER
Ayon sa Google, si Ogie ang kauna-unahang host ng Family Feud Philippines.
Nakapag-host din sina Richard Gomez, Edu Manzano, at Luis Manzano.
Pero sa totoo lang, ang dami naming naririnig na positive feedback sa hosting ni Dingdong sa Family Feud.
Ilan sa nakukuha naming komento, kahit daw napakalayo ng sagot ng contestant, nababalanse ni Dingdong at lumalabas na sensible ang sagot.
May mga weird minsan na sagot, na nagiging relevant kapag inaayos na ito ni Dingdong. Hindi siya namamahiya.
Kahit din naman si Dingdong ay nae-enjoy nang husto ang naturang game show.
Pero sabi ng mga taga-Family Feud, kaabang-abang itong paglalaro ng It’s Showtime hosts dahil isa raw ito sa pinakamasayang episode nila.
Aabangan natin ito!!!
JERRY OLEA
Tatapatan kaya ni Willie Revillame ang Family Feud? Hindi ba, timeslot noon ng Wowowin: Tutok Para Manalo ni Kuya Wil ang timeslot ng game show ni Dingdong Dantes?
Ngayong napapabalita ang TV comeback ni Willie sa TV5, interesting kung sa anong oras ito ipupuwesto at anong Kapuso program ang makakatapat nito.
Read: Willie Revillame, kumpirmadong babalik sa TV5; Wowowin, eere pagkatapos ng Eat Bulaga!?
Kaabang-abang din kung one of these days ay mapapanood na sa GMA-7 ang wifey ni Ogie Alcasid na si Regine Velasquez.
Siyangapala, bukas na ang April Fools’ Day.
