PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ejay Falcon, handa nang tumakbo sa mas mataas na posisyon?

Ejay Falcon, nagamit ang mga natutunan sa PBB bilang politiko.
by PEP Troika
Published May 26, 2024
ejay falcon politics
Oriental Mindoro Vice-Governor Ejay Falcon on being a public servant: “E, nandito na ako, so binigay ng tao. Tao yung nagsabi… hindi ko naman pinilit yung sarili ko para dito. Hindi po talaga. May mga pintuan lang na nagbukas.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nakakapagod pero masaya at fulfilling para kay Ejay Falcon ang pagiging vice-governor ng lalawigan ng Oriental Mindoro.

“Pinakamahirap yung minsan pupunta sa yo ang tao pero minsan, sa sobrang dami, hindi maiwasan minsan na nakakapagbigay ka pero dahil limited ang resources, hindi mo maibibigay yung gusto mong ibigay lahat,” sambit ng actor-politician.

Read: Ejay Falcon's dad moved to tears during actor's inauguration as vice governor

Nainterbyu si Ejay ng showbiz writers noong Mayo 22, 2024, Miyerkules, sa headquarters ng Beautederm sa Angeles City sa Pampanga.

Isa si Ejay sa nag-welcome sa bagong endorser ng beauty product na si Jeraldine Blackman.

Pagpapatuloy ni Ejay, “Lalo ngayon siyempre, hindi rin ako puwedeng nagtatrabaho sa showbiz nang full time.

“E, ako po kasi yung tipo ng tao na hindi ko puwedeng kunin ang pera ng gobyerno para ibigay sa tao, alam mo yun?

“Yun, yung mga ganun. And siyempre, ako yung parang politiko sa amin na punung-puno ako ng invitations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ultimo like nung isang araw, pati basketball sa isang barangay, ang request nila, makapag-basketball ako. So, ginagawa ko basta kaya ng oras.”

Karamihan ba ng dumudulog sa kanya ay pera ang hinihingi?

Napabuntong-hininga si Ejay, “Hindi naman. Medical assistance, minsan iba-ibang issues.

"Pero siyempre alam naman natin, kahit naman sino, ang number one pangangailangan talaga ng tao ay pera.

“So yun, yun, may mga ganun.”

EJAY FALCON: BORN AND RAISED IN POLA

Nang makatsikahan namin kamakailan si Mayora Ina Alegre, sinabi niyang tumutulong si Ejay sa hometown nilang Pola.

Read: Mayor Ina Alegre, suportado ang neophyte Oriental Mindoro vice governor na si Ejay Falcon

Napangiti si Ejay, “Oo naman, kasi ako naman, vic- governor ako ng buong province. So, lahat naman ng bayan ay talaga namang tinutulungan namin ni Governor Bonz Dolor.

“Obligation namin and yun nga, ako, lumaki din dun sa Pola. Ipinanganak ako sa Pola, and then lumaki ako dun sa Pinamalayan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naka-adjust na ba ang wife niyang si Jana Roxas sa political career niya?

Mabilis na tumango si Ejay, “Opo, opo. And napaka-supportive niya sa akin sa lahat ng bagay. So, siya lahat yung bumabalanse sa akin.

“Kasi, di ba, like last year, nag-taping pa ako, di ba? Or this year, nakapag-taping pa ako. Iba-iba yun, e. Iba-ibang characters, iba-ibang persona ang nangyari sa akin.

“So, pag-uwi ko sa bahay, may isang tao na talagang bumabalanse sa akin, and very thankful ako na naiintindihan niya lahat yun.”

Read: Ejay Falcon and Jana Roxas exchange "I dos" in garden wedding

NOEL FERRER

Patapos na si Ejay ng pag-aaral ng special course na Political Science major in Local Governance sa University of Makati.

“Kaya pag weekends ako, sa mga hindi nakakaalam, ang dami kong invitations na hindi napupuntahan sa amin,” sabi ni Ejay.

“Kasi nasa Manila talaga ako nun, Friday hanggang Sunday. So yun, yun yung schooling.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT HE LEARNED FROM PINOY BIG BROTHER

Bakit naisipan niyang mag-aral ng nasabing kurso?

“E, ganun naman tayo, di ba? Ako, for example, balikan muna natin ang showbiz, Pinoy Big Brother,” sambit ng 34-anyos na actor-politician.

“Nung nanalo ako ng Pinoy Big Brother, siguro pina-realize sa akin ng Diyos na, ‘O, tinulungan na kitang makapasok diyan. Pagdating diyan, kailangan mong pag-aralan lahat yan para maka-survive ka, and para alam mo kung paano ang gagawin sa pinasok mong propesyon.’

“So, ganun ang ginawa ko. Pagkapanalo ko ng Pinoy Big Brother, kailangan mong mag-aral umarte, mag-workshop.

“Ganun din naman sa lahat ng bagay. So, marami naman, may time naman, and kaya naman ng panahon.

“Minsan tatanungin lang kung kaya ng katawan mo. Buti na lang, medyo bata pa po ako.

“So, kaya ko namang pagsabay-sabayon yung kahit nandun ako sa Mindoro, luluwas ako para dun sa schooling ko.

“Nagagawa ko naman. And ang hirap naman kasi na nandun ka na… ako kasi, naniniwala ako na hindi naman natatapos yung pag-aaral, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang every day ng buhay mo, andami mong natututunan. Dun sa province namin, andami kong natutunan.

“And yung mga mentor ko rin dun, nakakatulong din sa akin. Pero iba pa rin yung pumupunta ka sa eskuwelahan.”

Big winner si Ejay sa reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus (Marso-Hunyo 2008).

Runner-up doon si Robi Domingo. Third placer si Nicole Uysiuseng, at fourth placer si Beauty Gonzalez. Ka-batch nila si Josef Elizalde.

Read: Ejay Falcon voted Big Winner of "Pinoy Big Brother Teen Edition Plus"

GORGY RULA

Gamay na ni Vice Gov Ejay ang buhay-pulitika. Nae-enjoy niya ang pagiging public servant.

“E, nandito na ako, so binigay ng tao. Tao yung nagsabi… hindi ko naman pinilit yung sarili ko para dito,” lahad ni Ejay.

“Hindi po talaga. May mga pintuan lang na nagbukas.”

WILL EJAY FALCON RUN FOR A HIGHER POSITION?

May ambisyon o pangarap ba siya sa mas mataas na puwesto sa gobyerno?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“One at a time. Kasi, sabi ko nga, masarap mangarap pero huwag nating pinipilit at huwag nating minamadali lahat ng bagay,” saad ni Ejay.

“So, ano naman, e, parang ganun. Di ba, pag artista ka, ganun din, sa lahat ng bagay naman.

“Kapag artista ka, gusto mo, maging best actor ka. Level up. Gusto mong mag-level up. Gusto mo, mas mature yung role.

“From dating ikaw ay para kang pa-cute, pa-cute, wholesome, gusto mo naman, parang action na sexy ang gusto mo. Grey characters.

“So, parang ganun din sa politics. Ganun din naman, ganun din. Kasi, ansarap din yung alam mong may mas magagawa ka sa ganitong propesyon.”

Pinag-iisipan niyang tumakbong congressman eventually?

“Lahat po ng bagay, pinag-iisipan ko. Lahat naman,” sabi ni Ejay.

Sa 2025, mas mataas na posisyon ang tatakbuhan niya?

“Actually, ang vice-governor ay mataas na posisyon.”

Governor?

“Hindi po, hindi ganun. Hindi governor. Malayo pa, malayo pa po,” paglilinaw ni Ejay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And siyempre, maraming consideration. Marami pong consideration yan. Ang pulitika ay maraming consideration.

“Siyempre yung kapartido mo, yung mga kasama mo. Siyempre pinag-uusapan naman yan kung saan ka mas kailangan, kung saan ka mas may magagawa. Dun po tayo.”

May nag-offer na ba sa kanya para tumakbong congressman o senador sa susunod na eleksyon?

Pag-amin ni Ejay, “Actually, wala pong nag-o-offer. Kumbaga, ano yan, e, desisyon mo sa sarili yan.

“And pag feeling mo, mas may magagawa ka dun sa posisyon na yon, mas marami kang magagawa, talagang marami kang matutulungan…

“And then yun, kailangan mong gawin.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Oriental Mindoro Vice-Governor Ejay Falcon on being a public servant: “E, nandito na ako, so binigay ng tao. Tao yung nagsabi… hindi ko naman pinilit yung sarili ko para dito. Hindi po talaga. May mga pintuan lang na nagbukas.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results