JERRY OLEA
Pumayag si National Artist Nora Aunor na gawan ng sequel ang pelikulang Bona (MMFF 1980) na pinagbidahan at prinodyus niya.
Isiniwalat ito ni Direk Adolf Alix Jr. sa eksklusibong panayam ko sa kanya sa mediacon ng pelikulang X & Y noong Abril 13, 2024 sa Sequioa Hotel, Mother Ignacia Avenue, Quezon City.
Read: Nora Aunor, pumayag gawan ng sequel ang classic film niyang Bona
Ang Bona ay idinirek ni National Artist Lino Brocka, at tinampukan din ni Phillip Salvador.

Ang remastered version nito ay ipinalabas sa Cannes Classics section ng 77th Cannes filmfest (Mayo 14-25, 2024).
Read: Nora Aunor, wala sa special screening ng Bona sa Cannes
Si Direk Adolf ang magdidirek ng sequel ng Bona, na tatampukan pa rin ni Nora. Sabi pa ni Direk Adolf, ang co-star dito ni Ate Guy (palayaw ni Nora) ay si Sid Lucero.
Naka-chat ko via Messenger ang manager ni Sid na si Ricky Gallardo noong Abril 15.
Ani Ricky, “Wala pa namang nag-inquire about this. Good news iyan if ever.”
SID LUCERO ON BONA SEQUEL
Nakita ko si Sid sa huling gabi ng lamay ni Direk Carlo J. Caparas nitong Mayo 27, Lunes, sa Golden Haven, C5 Extension, Las Piñas City. Inusisa ko si Sid kaugnay sa sequel ng Bona.
Read: Carlo J. Caparas dies at 80
“Wala akong alam. Ha! Ha! Ha!” masayang halakhak ni Sid.
Willing naman siya, if ever?
“With Ate Guy, of course!” mabilis na tugon ni Sid.
“Of course with Ate Guy. I mean, there are people from my dad’s batch and before that I’ve always wanted to work with.
“In fact, now that I’m at this age now of my career, it almost feels like it’s never gonna happen. But if it happens, great!
“Sarap nun! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Si Sid ay anak nina Mark Gil at Bing Pimentel. Kasama ni Sid ang mom niya sa pakikiramay sa mga naulila ni Direk Carlo J.
Nagkatrabaho sina Mark at Nora sa mga pelikulang Rock n’ Roll (MMFF 1981) at Babae (MMFF 1997).
GORGY RULA
Wala pa tayong ideya kung ano ang tatakbuhin ng kuwento ng sequel ng Bona.
Ano ang kasunod na mangyayari pagkatapos nang binuhusan ng kumukulong tubig ng isang fan ang iniidolo niyang artista? Nakatuon pa rin kaya ang kuwento ng isang die-hard fan sa isang artista?
Kasi, ibang-iba na ang relasyon ngayon ng mga fans sa mga artista.
Hindi na nagpapakaalila ang karamihan sa mga fans. Sila na ang nasusunod dahil sa nakokontrol nila ang lakas ng social media.
Mga professionals na ang karamihan sa die-hard fans na sila na mismo ang gumagastos para sa kanilang artista.
Ibang-iba noong panahon ni Bona. Iilan na lang ang masasabi nating nagpapaka-‘bona’ sa kanilang hinahangaang artista.
Kaya tingnan natin kung anong atake ang gagawin ni Direk Adolf sa sequel nito.
NOEL FERRER
Kasama si Sid sa cast ng panghapong teleserye ng TV5 na Carlo J. Caparas’ Lumuhod Ka Sa Lupa.
Nakatrabaho before ni Sid si Direk Carlo sa isang episode ng trilogy movie na Miracles Are Forever (2016).
“Suwerte ako, I got to meet him,” sabi ni Sid.
“He’s funny, and he makes sure that you get paid right away. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Yun ang naalala ko. Tapos parang walang pressure sa movie, like, sige lang. Kung hindi makukunan today, e, di sa susunod.”
Kabilang pa sa mga pumunta sa lamay ni Direk Carlo J. nitong Monday night sina Senator Bong Revilla, Congresswoman Lani Mercado, Ara Mina, Kiko Estrada, JC Tiuseco, at Andrew Muhlach.

