GORGY RULA
Simula noong Lunes, Mayo 27, 2024, ay nag-switch ng timeslots ang Fast Talk With Boy Abunda at Voltes V Legacy.
Mukhang tama ang pagpalit dahil tumaas ang rating ng talk show ni Kuya Boy Abunda.
Read: Boy Abunda, hindi namimili ng guests sa Fast Talk With Boy Abunda: "I welcome everyone."
AFTERNOON RATINGS
Narito ang ratings ng mga programa sa hapon noong nakaraang Lunes:
Patuloy pa ring namamayagpag ang It’s Showtime na naka-7.8%. Ang katapat nitong Eat Bulaga! ay 3.5%.
Mataas pa rin ang Abot Kamay Na Pangarap na 9.3%, at 0.4% ang rerun ng Dirty Linen.
Sumunod ang Lilet Matias: Attorney-At-Law na 9.3% din, at 0.2% ang rerun ng Mars Ravelo’s Darna.
Dito na sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na naka-5.6%. Guest ni Kuya Boy si Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo.
Medyo tumaas na rin ang Voltes V Legacy na naka-5%, at ang sumunod na Eclipse of the Heart ay 2.5%.
Steady lang din ang Family Feud na naka-8%.
Read: Ratings game, nananatiling nasa pabor ng GMA-7
JERRY OLEA
Patuloy ang pamamayagpag ng FPJ’s Batang Quiapo sa primetime. Taob ang Black Rider.
Napapadalas na mas mataas pa ang ratings ng panghapong Kapuso drama series na Abot-Kamay Na Pangarap at Lilet Matias: Attorney-At-Law kesa sa comeback teleserye ni Marian Rivera na My Guardian Angel. NKKLK!
At least, wagi ang Asawa ng Asawa Ko over High Street na sequel ng Senior High.
Isa pang NKKLK kapag pumantay o mas mataas ang rating ng TiktoClock kesa sa Eat Bulaga!. Tsk! Tsk! Tsk!
BIG KAPUSO PROJECTS
Teka! Nakabawi na ba ang GMA Network sa laki ng ginastos nila sa Voltes V Legacy ngayong ni-replay ito sa hapon?
Read: Is Voltes V: Legacy the most expensive project of GMA-7?
Looking forward tayo sa magastos ding Kapuso historical series na Pulang Araw kung saan tampok sina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, David Licauco, at Dennis Trillo.
NOEL FERRER
Dahil nag-uuulan na, mukhang mas mapipirmi ang mga tao sa kanilang bahay para manood ng TV.
O dahil bakasyon, sana mas may oras sila para manood ng paborito nilang palabas sa TV man o sa gadget nilang napaka-convenient na sa panahon ngayon.
Pero paano nga ba mas makakabawi pa ang telebisyon? Balita talaga natin na kahit anong taas ng ratings, hindi guarantee ito para pumasok ang kita.
Medyo napakaliit ng perang ipinapasok ng commercials compared noon, kaya hindi rin basta-basta gumagastos nang malaki ang mga network.
Thus, may mga replay pa nga like Voltes V Legacy.
So, papaano natin mas bubuhayin pa ang industriya ng telebisyon?
