PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma & Judy Ann in Chito Rono's Horror Film

Humanda na sa "Santos" film mula kay Direk Chito Rono!
by PEP Troika
Published May 4, 2024
Director Chito Rono confirms project with Vilma Santos and Judy Ann Santos.
Kinumpirma ni Direktor Chito Rono (dulong kaliwa) sa PEP Troika ang gagawin niyang pelikula na pagsasamahan nina Vilma Santos at Judy Ann Santos.
PHOTO/S: Noel Orsal / @rosavilmasantosrecto IG / @officialjuday IG

NOEL FERRER

CONFEEEEEEERMED mula mismo sa Master Filmmaker na si Direk Chito Roño, mukhang matutuloy na ang pelikulang pagsasamahan ng ating kaibigang Prime Superstar Judy Ann Santos at Star for All Seasons Vilma Santos sa isang horror drama film intended for the 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Read: Director Chito Roño, actress Lorna Tolentino lead MMFF 2023 Board of Jurors

Isang dream come true para kay Juday itong pelikula sakaling matuloy dahil nakasama na niya lahat ng Superstars ng kanyang henerasyon.

From Nora Aunor in Babae (1997), Sharon Cuneta in Magkapatid (2002), to Maricel Soriano in the movies I Will Survive (2004), Nasaan Ang Puso (1997), Kung Maibabalik Ko Lang (1989), at Sa Akin Pa Rin Ang Bukas (1988).

Si Ate Vi na lang talaga ang hindi pa niya nakakasama. Buti na rin lang at matutuloy na sila ni Direk Chito na nagsabing dapat kay Juday talaga ang kauna-unahang Feng Shui (2004) kung hindi lang nag-insist si Tito Alfie Lorenzo (na manager ni Juday noon) sa ibang magiging kasama sa cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Judy Ann Santos recalls manager Alfie Lorenzo's "hard love" for her during eulogy

Kasama rin sana si Juday sa original na Etiquette for Mistresses (2015) ni Direk Chito kung di rin nag-iiba-iba ng casting combinations.

Kung matutuloy itong pelikulang ito, event film talaga itong pagsasama ng pinakamaniningning na reyna na kanilang henerasyon sa isang pelikula, under Chito Roño pa.

Ang saya! Puro Santos ang kasama ni Direk Chito sa pelikulang ito kung sakali. Exciting development ito sa ating film industry na una niyang nakumpirma sa PEP Troika!!!

Read: Vilma Santos, may nakalinyang pelikula ngayong 2024; may payo kay Cedrick Juan

GORGY RULA

Kaabang-abang ang project na ito ng mga Santos, at sana makapasok ito sa MMFF kung para rito talaga ang intensyon ng pelikulang ito.

Ang huling MMFF movie ni Judy Ann ay ang Mindanao (2019) na maganda naman at lumutang ang galing doon ng aktres. Wagi siyang best actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ate Vi naman ang huling MMFF Best Actress ay para sa When I Met You In Tokyo (2023).

Kaya challenging ito at mataas ang expectations sa kanila.

So, ibig sabihin ba nito, wala pa munang ibang gagawing pelikula si Ate Vi, pang-MMFF uli ang kasunod niya?

Marami pa siyang naka-line up na inoohan niya, biglang sumingit ngayon itong sa kanila ni Judy Ann.

Si Juday naman, meron siyang natapos na Judy Ann’s Kitchen, meron pa yung ipinost niyang trailer ng Call My Manager, at alam kong sinimulan na rin niya ang The Bagman.

Read: Judy Ann Santos revives Judy Ann's Kitchen after almost three years

Pero kung kailangang tapusin nila itong sa kanila ni Ate Vi para makahabol sa deadline ng MMFF, tiyak na ito muna ang mapapa-prioritize.

Pero maganda ang labanan nito sa 50th year ng MMFF dahil ang lalaki ng mga artistang kasali. Mahigitan kaya nila ang mataas na box-office record ng nakaraang MMFF?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: MMFF 2023 nalampasan na ang box-office record ng MMFF 2018

JERRY OLEA

Vilma Santos + Judy Ann Santos… sana’y kalahok din sa proyektong ito kahit cameo si Charo Santos na best actress sa MMFF 2021 para sa Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine).

Ano kaya kung idagdag din sina Jimmy Santos, Yen Santos, Gerald Santos, at Kevin Santos… para Todos Los Santos?!

At any rate, isa ito sa mga nababalitaan nating pelikula na nagbabalak sumali sa 50th MMFF.

At ayon kay Manila Vice Mayor Yul Servo, pinaghahandaan na ng City of Manila ang pagho-host sa golden edition ng December filmfest.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinumpirma ni Direktor Chito Rono (dulong kaliwa) sa PEP Troika ang gagawin niyang pelikula na pagsasamahan nina Vilma Santos at Judy Ann Santos.
PHOTO/S: Noel Orsal / @rosavilmasantosrecto IG / @officialjuday IG
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results