GORGY RULA
Nagulat ang dalawang independent contractors na sina Richard Cruz at Jojo Nones sa ipinakita ni Sandro Muhlach nang magtagpo sila sa hearing nila sa Department of Justice noong Huwebes, September 12, 2024.
Read: Who is Sandro Muhlach?
Ayon sa legal counsel nilang si Atty. Maggie Abraham-Garduque, nag-iba raw ang mukha ni Sandro na parang galit na galit at saka sumigaw na huwag lumapit sa kanya.
Kuwento ni Atty. Maggie nang nakapanayam namin sa DZRH nung Huwebes ng gabi, “Pagpasok po namin, tumayo po siya, tapos sinabi po niya, ‘Huwag kayong lalapit sa akin. Huwag kayong lalapit sa akin,’ parang ganun po.
"Tapos pinipigilan siya ng abogado niya. Kaya I asked, lumapit po ako sa panel, and I told the panel na it appears na kailangan na paghiwalayin.”
NONES AND CRUZ'S LAWYER ON SANDRO'S REACTION
Ayon kay Atty. Maggie, dapat ganun daw ang galit ni Sandro nung nangyari ang sinasabi nitong diumano’y panghahalay sa kanya.
“Ikinagulat din po nila yun na bakit ganun ang reaction ni Sandro, kasi nga po, di ba? Makikita naman po natin dun sa CCTV na sila din mismo ang nag-release sa media, na pagkalabas po niya sa kuwarto immediately after the alleged incident ay kalmado naman po siya.
“So parang of course we logically would think na, di ba, na kung talagang galit o magiging bayolente siya, dapat doon po, immediately after the alleged incident nung lumabas siya ng kuwarto.
"So nakakagulat po na ganun pong reaction,” ani Atty. Maggie.
Kahit ang appearance daw roon ni Sandro ay hindi in-expect ng kampo ng dalawang respondents.
Hindi raw kailangan dumalo roon ang aktor. Sapat na ang presence ng mga legal counsel niya.
Dugtong ni Atty. Maggie, “Actually, ikinagulat po namin yun. Kasi sa mga hearings po kasi, kapag submission of counter-affidavit, ang nandun po talaga na required, yung mga respondents.
“Kasi sila po ang susumpa sa kanilang counter-affidavit at usually po ang abogado lang ng kabilang partido ang mag-appear kasi kukuha lang po ng reply affidavit.
“Kaya ang ikinagulat po namin na nandun po si Sandro kanina,” sabi pa ni Atty. Maggie Abaraham-Garduque.
Ayon pa sa legal counsel nina Nones at Cruz, hindi na raw nag-reply ang kampo ni Sandro sa isinumite nilang counter-affidavit, kaya for resolution na raw ito.
Kung sino man ang magsusumite ng karagdagang ebidensiya, ang deadline daw ay September 17.
Read:
Kampo ni Sandro Muhlach umalma sa pagkalat ng medico-legal report
Sandro Muhlach, idinetalye ang naranasan umanong pang-aabuso
QUICK BRACKTRACK: SANDRO'S CCTV FOOTAGE
Matatandaang inilabas ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Huwebes, Agosto 22, ang CCTV footage ni Sandro pagpasok at paglabas ng kuwarto nina Nones at Cruz.
Naglabas ng behavioral analysis ni Sandro si NBI investigator Atty. Zulikha Marie Conales:
"Noong papunta siya doon sa hotel na naka-check in ang dalawang subjects, normal at relaxed ang movement ni Sandro, pero after noong nangyari yung insidente, makikitang nagbago yung kanyang kilos. Siya ay mabilis nang maglakad, balisa at parang distressed and very anxious.
“Bigla na lang siyang umupo sa tabi ng wall fronting the elevator kung saan inaantay niya yung mga kaibigan niya na sumundo sa kanya.
“This is very consistent sa finding ng bureau na mayroong traumatic na nangyari doon sa hotel kung saan naka-check in yung dalawang subjects na nirereklamo ni Sandro."
Read:
Jojo Nones, Dode Cruz deny allegations of Sandro Muhlach
Jojo Nones, nanindigang inosente sa mga paratang ni Sandro
JERRY OLEA
Nakakuha ang PEP Troika ng kopya ng counter-affidavit nina Jojo Nones at Richard Cruz.
NONES AND CRUZ'S counter-affidavit
Isa-isa nilang pinabulaanan ang mga akusasyon ni Sandro.
Dapat daw ay sapat ang mga ebidensyang iprisinta, dahil may panibagong rules daw ngayon ang DOJ kung paano nila pag-aralang mabuti ang probabilities para i-consider na umakyat ang kaso sa korte.
“Sa DOJ po ngayon, may bago na pong rules na hindi na basta probable cause lang. Ibig sabihin, dati po, puwede na po masampa ang kaso sa korte kung may possibility o probability na nangyari ang krimen, at ang respondents ang probable na gumawa nito.
“Ngayon po under the new rules, mas mataas po ang quantum of evidence na required sa isang complainant para makapagsampa po ng kaso sa korte.
“Ngayon ay reasonable certainty of conviction na po. And para po sa kampo namin, yun pong mga ebidensiyang isinabmit ni Sandro Muhlach, testimonial documentary and object evidence po ay hindi po sapat.
"Actually, wala pong ebidensiya na makakapagtunay sa kaso na kanyang isinampa. Yung mga alegasyon po niya sa kanyang complaint affidavit ay taliwas po sa sarili niyang mga documentary at object evidence.
“Yun po ay inilagay namin sa aming counter affidavit,” bahagi ng mahabang paliwanag ni Atty. Maggie.
NOEL FERRER
May inilatag din siyang pagpapaliwanag sa iba pang ebidensiyang isinumite ng kampo ng Sandro Muhlach.
Ipinaliwanag ni Atty. Maggie ang tungkol naman sa partisipasyon ng girlfriend ni Sandro na si Shanelle na posibleng pagsumbungan daw agad ni Sandro kung talagang may ginawa sa kanya sina Nones at Cruz.
Aniya, “Ni-reattach po namin sa aming counter affidavit na ipinapakita na noong tinatawagan po ni Shanelle si Sandro doon sa loob ng kuwarto, meron pong mga cancelled calls si Sandro.
“Ibig sabihin po, kina-cancel po ni Sandro yung calls ni Shanelle, both sa messenger audio at saka po sa kanyang cellphone.
"Tapos po doon po sa kanyang Instagram video, tumawag po si Shanelle, nasagot po yun ni Sandro. Nag-usap po sila for 25 seconds.
“Tapos po may mga text messages din po si Shanelle kay Sandro at nasasagot din po ni Sandro.
"At doon po sa text messages na yun, nagpapakita na sinasabi po ni Shanelle na nagre-reply si Sandro kay Elijah doon sa friend niya.
“Para po sa amin, ito po ay panlaban at taliwas po sa sinasabi niya na he was restrained nung nasa loob po siya ng kuwarto.
“So kung meron po siyang control sa kanyang cellphone at nakausap pa nga po niya ang kanyang girlfriend habang nasa loob siya ng kuwarto, at nagte-text pa po siya sa girlfriend niya, sana nagsumbong na po siya o humingi na po siya ng tulong, di ba po?
“Yun pong mga ipinapakita namin na hindi po nag-pass sa credibility din yung testimoniya ni Sandro.
"Aside from the fact na taliwas din po ito doon sa documentary evidence niya at saka sa object evidence niya."
Of course, bukas ang PEP sa panig ni Sandro sa bagong usaping ito.
