JERRY OLEA:
Hinalay si Dustin Yu ng isang lalaking naka-uniform na pulis habang nakasakay sa MRT bago magpandemya.

Ipinagtapat ito ni Dustin nang mainterbyu namin sa premiere night ng pelikulang Shake, Rattle & Roll Extreme (SRRE) noong Nobyembre 24, 2023 sa SM Megamall, Mandaluyong City.
First time daw niyang sumakay noon sa MRT, na siksik pa naman ng commuters.
Nakahawak ang dalawang kamay niya sa sabitan, tapos, ipinasok nung lalaki ang kamay nito sa kanyang bulsa, at kinapa-kapa ang kanyang ari.
Nanginig daw si Justin. Pagkalabas ng tren ay sinubukan daw niyang litratuhan iyong lalaki pero nanginginig pa siya, kaya hindi niya nagawa.
DUSTIN, BAKIT NAGKA-FLASHBACK TUNGKOL SA TRAUMATIC EXPERIENCE?
Bumalik ba iyon sa kanyang isipan matapos pumutok ang isyu ng kapwa Sparkle artist na si Sandro Muhlach at ng dalawang independent contractors ng GMA 7?
“Ahhh ngayon lang, ngayon ko lang naisip,” kaswal na sambit ng 23-anyos na si Dustin sa Regal Legacy event nitong Setyembre 21, 2024, Sabado ng hapon sa Valencia Events Place, Quezon City.
“Pero dati, hindi. Hindi masyado. Kasi, to be honest, ha, masyado akong occupied these past few months.
“So yung kay Sandro, nabalitaan ko naman siya for sure. Ahhh siyempre, na-feel ko… hindi ko rin alam, e, ang buong kuwento, pero na-feel ko rin talaga, sana lang, hindi totoo.”
Naka-relate siya sa sinapit ni Sandro. Magkaiba man ang circumstances, andoon ang elemento ng kahalayan.
Nasa pampublikong lugar noon si Dustin, habang nasa hotel room ang 23-anyos na si Sandro.
Kinapa-kapa lang ang ari ni Dustin, samantalang sa affidavit ay sinabi ni Sandro na ang mga ginawa sa kanya ng dalawang independent contractors ay “sucking of nipples, touching of penis, licking of balls, sucking of penis, and licking of butt hole.”
Napabuntong-hininga si Dustin, “Yun talaga, pag andun ka na sa moment na yun, maninigas ka na lang talaga. Hindi mo alam ang gagawin mo. Yun ang nangyari sa akin.”
Ang “paninigas” na iyon ni Dustin ay naganap sa may MRT station na Ortigas.
Siyanga pala, kasama si Dustin sa cast ng social romantic drama na Guilty Pleasure, na nakatakdang ipalabas sa Oktubre 16.
Tampok din dito sina Lovi Poe, JM de Guzman, Jameson Blake, Sarah Edwards, at Angelica Lao, sa direksyon ni Connie Macatuno.
Read:
- Dustin Yu hinalay sa loob ng MRT train
- Mother Lily Monteverde, gugunitain sa pamamagitan ng Regal Legacy
- Keith Monteverde, itutuloy ang iniwang legacy ni Mother Lily

“Abangan nyo yan, kasi, kakaiba talaga ang mga galawan ko dito,” sabi ni Dustin.
Mature na ang role ni Dustin sa Guilty Pleasure. Meron siyang kissing scene. Na-enjoy ba niya iyon?
“Na-enjoy ko? Oo naman. Pero ahhh masasabi ko lang na malaki siyang step sa ginagawa ko before,” tugon ni Dustin.
“Kasi before ang mga roles ko, baby-baby boy. Kaibigan-kaibigan. Pero ngayon, bigla akong ano na talaga, mature role na talaga.”
NOEL FERRER:
Hindi na ini-report ni Dustin Yu sa police station ang pagkapa-kapa noon sa kanyang private part.
“May date kasi ako nun, saka bagets pa ako nun,” sambit ni Dustin.
Hindi man lang niya naitulak iyong lalaki?
“Aaminin ko naman, natakot ako nun, e.”
Kung ngayon iyon gawin sa kanya sa MRT, papalag daw siya siguro.
“Siyempre ipaglalaban ko na ang sarili ko. Alam ko na yung dapat at mali, saka ngayon natuto na ako dun, e,” saad ng Kapuso young actor.
“Hindi ko na hahayaan yun na mangyari.”
Naku, sana magmarka dito sa Dustin — dahil aminin natin, lumilinya pa rin siya sa mga da who.
So sana, makatulong itong Guilty Pleasure para makilala at maalala siya ng mga tao!
GORGY RULA: Puring-puri ni Dustin Yu si Lovi Poe. Napakabait at napakagaling daw nito bilang artista.

DUSTIN, PURING-PURI SI LOVI POE
“Willing siya to adjust. Siyempre kami, gagalingan din namin. Pero siya talaga, hindi ka mai-intimidate umarte,” sabi ni Dustin.
“Saka ang masasabi ko lang sa kanya, sobrang bait niya. Saka ako, kung may dream girl ako, si Lovi Poe.
“Since then nung nakatrabaho ko siya, nung na-meet ko siya. Kasi, ang galing niyang tao, the way she speaks. Grabe!”
Iyong iba sa GMA Sparkle, rumarampa at nagpi-pictorial nang naka-underwear, gaya ni Bruce Roeland na mas bata sa kanya.
If ever, kaya rin ba niyang gawin iyon?
“Kung kaya lang sa kaya, kaya ko naman talaga. Pero siyempre, may susundan tayong mga timings,” sey ni Dustin.
“May papaniwalaan tayong management. Alam mo yun. Sa ngayon kasi, hindi ko pa yun sobrang magawa. Kasi, may ginagawa akong negosyo.
“So, ayokong maapektuhan kahit papaano.”
Maliban sa Guilty Pleasure, inilunsad sa Regal Legacy event ang dalawa pang pelikula.
Andiyan ang romantic comedy with a sci-fi twist na My Future You kung saan bida sina Francine Diaz at Seth Fedelin, sa panulat at direksyon ni Crisanto B. Aquino.
Co-stars dito sina Almira Muhlach, Christian Vazquez, PeeWee O’Hara, Bodjie Pascua, Marcus Madrigal, Vance Larena, Izzy Canillo, at Mosang.
Andiyan din ang psychological horror na Untold, starring Jodi Sta. Maria. Idinirek ito ni Derick Cabrido, with Enrico Santos as scriptwriter.
Nasa cast din ng Untold sina Joem Bascon, JK Labajo, Gloria Diaz, Kaori Oinuma, Mylene Dizon, Sarah Edwards, Lianne Valentin, at Miggs Cuaderno
