GORGY RULA
Noong pino-promote pa lang ng Bubble Gang ang bagong karakter na gagampanan ni Michael V bilang si Ciala Dismaya, kumalat ang kuwentong hindi raw ito nagustuhan ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.
Mali pala!
Nakarating kay Bitoy at sa mga taga-Bubble Gang na fan daw si Sarah ng longest-running gag show.
SARAH VS. CIALA SA BUBBLE GANG?
At nagpaabot pa raw ng suggestion si Sarah sa pamamagitan ng staff ng show kung puwede siyang i-guest para mag-face-off sila ni Ciala Dismaya.
Ipinaabot ang diumano'y suggestion ni Sarah sa isa sa mga executives ng GMA-7, pero mukhang hindi nakakuha ng definite feedback.
Mukhang ganundin ang nangyari nang ipaalam sa Bubble Gang production at cast.
Totoo kaya?
May nakapagsabi sa akin na oo, pero clueless ang mainstay ng gag show na si Paolo Contis. Ang message niya sa akin, "I don't think nakarating sa BG [Bubble Gang] yung offer."
Pero kung may suggestion mang ganun from Sarah at walang nakuhang definite feedback mula sa mga kinauukulan, bakit kaya?
Dahil ba sa hindi dapat ma-associate ang show sa controversial flood-control anomaly?
Dahil ba parang gagawing katatawanan ang isang mabigat na issue? Imagine, seryoso sa hearing si Sarah, tapos biglang mapapanood siyang nagpapatawa sa Bubble Gang.
Sa mga naririnig ko, may agam-agam ang show, pero malay natin, di ba?
Sa October 19 at 26 ang celebration ng Bubble Gang ng 30th anniversary nito.
Bigla kayang umapir si Sarah Discaya at makipagtapatan kay Ciala Dismaya? Ewan ko kung mangyayari yun.
Ang sure lang ako ay special guest si Vice Ganda.

Nai-tape na raw ang segment ng Unkabogable Star. Pero patuloy pa ang taping nila for the 30th anniversary celebration.
Read: Kristine Hermosa on "most beautiful" tag and beauty secret
NOEL FERRER
Para sa akin, okay na si Michael V na gawing comedy ang nangyayaring anti-flood control scandal investigation dahil bukod sa nakakatawa, pumupunta na ito sa galit talaga, lalo pa’t ang tagal nang walang update at public hearing ang Blue Ribbon Committee.
Ikaw ba naman ang pagnakawan ng trilyones, matatahimik ka ba? Di ba, gusto mong ina-update ka kung saan ito napunta—at dapat nalalaman mo kung saan papunta ang imbestigasyon?
Dito naman sa mga Discaya, huwag na silang mag-attempt pang pumasok sa mundo ng entertainment.
Ano ang habol nila? Na matuwa ang mga tao sa kanila? Magsauli na lang sila ng mga nakulimbat nila mula sa kaban ng bayan, at magsabi ng katotohanan—ang buong katotohanan.
Read: Kiko Barzaga recalls surprise date experience: "Hindi ko pala alam na transgender."
JERRY OLEA
SARAH VS. CIALA on Bubble Gang: nakakatuwa na nakakadismaya
Mixed emotions ako sakaling mag-face off sina Ciala Dismaya at Sarah Discaya. Parang nakakatuwa na nakakadismaya?!
Any moment, may mga harapan na ring Sen. Espada x Sen. Estrada, Sen. Markolekta x Sen. Marcoleta, Sen. Tolpu x Sen. Tulfo, Cornee Dismaya x Curlee Discaya, Cong. Kikoy x Cong. Kiko meow meow meow!
Hiyang-hiya naman ako sa kanila, ano?!
Wish ko lang na mag-guest si Ogie Alcasid sa anibersaryo ng Bubble Gang.
Puwedeng mag-duet sila ni Michael V. ng bagong kanta na pinost ni Ogie sa social media kaninang umaga, Oktubre 5, 2025. Ang ganda ng lyrics. Napapanahon!
Wag tayo makinig sa sabi-sabi lang
Di tayo bulag sa katotohanan
Sila-sila rin ang nakikinabang
Sa ninakaw nilang —— PERA NG BAYAN
Wag tayong makinig sa kuwentong kutsero
Na pinapalabas ng mga usisero
Matagal na pala ang ganitong Proseso
Mag-ingay na tayo
Mag-ingay na tayo po
Sabi nila mahirap daw tayo
Sabi nila nauubos na ang pondo
Yun pala—ang pinagkakaabalahan
Ng mga makapangyarihan
Ay tayo ay lokohin
Linlangin abusuhin
At paulit-ulit nang Nanakawan
Pilipinas gising na
Pilipinas gising na
Pilipinas gising na
Pilipinas Laban na!
