GORGY RULA
Tumanggi si Archie Alemania na sagutin ang alegasyong sinasaktan niya ang asawang si Gee Canlas.
Sa interview ng Pinoy Big Brother alumna na in-upload sa YouTube channel ni Ogie Diaz noong August 29, 2026, nag-cite ito ng limang pagkakataong sinaktan siya diumano ng aktor.
Humingi ang PEP Troika ng tulong sa ilang kaibigang malapit sa aktor para mahingi ang kanyang panig.
Kung ayaw man niyang magsalita, pinakiusapan naming hingan ng statement ang kanyang legal counsel.
ARCHIE ALeMANIA WILL NOT RESPOND TO GEE CANLAS'S CLAIMS
Pero nakiusap si Archie na sana, maintindihan siya kung ayaw na niyang sagutin ang mga sinabi ni Gee.
Sabi ni Archie sa isang common friend namin, tama na raw ang mga sinabi niya sa interview kay Ogie Diaz.
Alam daw niyang kahit ano pa ang sabihin ng babae ay ito pa rin ang papanigan.
Kaya tama na raw yung nasabi niya ang kanyang panig sa huling interview sa kanya.
Ang isa pa raw sa inaalala ni Archie ay ang kanilang mga anak.
Mas naaapektuhan daw ang mga bata dahil pumapasok sa school ang mga ito.
Read: Gee Canlas accuses Archie Alemania of physical abuse
NOEL FERRER
Iyang mga kunsiderasyong iyan, yung paano ang mga bata, baka maapektuhan sila sa school… hindi ba iyan naisip ni Archie nang magpa-interview siya kay Ogie Diaz?
Talaga, magpapa-interview siya to the max kung walang mga batang isasaalang-alang?
Sana, mag-ayos na muna ng buhay si Archie bago magsapubliko ng kung anuman.
Inilabas si Ogie ang interview niya kay Archie noong August 23.
March 2026 naman nung kinumpirma ni Gee sa Fast Talk with Boy Abdunda ang paghihiwalay nila ni Archie.
Read: Archie Alemania opens up about marital woes with Gee Canlas
Naintindihan nating hindi nagpa-interview si Archie Alemania sa premiere night ng pelikulang HB2Me noong Agosto 10, 2026, sa The Block ng SM North EDSA, Quezon City.
Kasabihan nga, “Less talk, less mistake. No talk, no mistake.”
Mas mabuti ang katahimikan kesa sa drama na hindi kailangan. Pero yun pala, may exclusive interview sa kanya ang kaibigang Ogie Diaz.
Pinanghawakan ba niya ang Bible verse na, “You will know the truth, and truth will set you free”?
Nang maglabas ng panig ang estranged wife niyang si Gee Canlas, saka pa lang minabuti ni Archie na manahimik na talaga.
Pinagsisisihan kaya ni Archie ang pagpapa-interview niya kay Ogie? Kani-kanyang version of truth. Nawa’y lumabas ang buong katotohanan sa takdang panahon.
