JERRY OLEA
“2M views in less than 24 hours (smiley) thank you V5 fans!”
Facebook post iyan ni GMA Network Films, Inc. President and Programming Consultant to the Chairman and CEO Atty. Annette Gozon-Valdes bandang 9:00 p.m. nitong Enero 1, 2022, Linggo, kaugnay sa mega-trailer ng Voltes V: Legacy na ipinalabas sa New Year’s Eve countdown ng Kapuso Network.
As expected, may mga pang-ookray ang taga-ibang bakod.
Ang Kapuso scriptwriter na si Suzette Doctolero, may reaction na ipinost sa Facebook nitong Enero 2, 2022, Lunes, bandang 12:52 p.m. kaugnay sa humirit na bakit may love story at agawan sa Voltes V: Legacy.
Sagot ni Suzette: “Manood muna bago mag Maritess at gumawa na naman ng sariling haka haka at mga hula (kahit hindi naman manghuhula).
“True, walang love story doon sa anime kasi pambata iyon. Cartoons ang tawag naming mga golden era V5 fans. Wala talagang love story sa cartoons na ang target ay kids. Sinong lokong ‘cartoons’ maker ang gagawa nun?
“Pero dahil ito ay LIVE adaptations, at ang target ay all ages (mula bata hanggang matanda), kaya ginawa naming mas ‘humanized’ ang mga characters. At bilang ang REYALIDAD ay mga kabataang guwapo at magaganda sina Steve, Big Bird, Mark at Jamee kaya yes, may love story. Na hindi malaking part sa kuwento pero mayroon. Imposibleng wala!
“Kung yung mga panget na bashers nga, may mga jowa at loma-love story, bakit kaya sila nagrereact kung may love story ang mga kabataang mapupusok na mga guwapo at magaganda pa? Mag isip nga! Lols.
“Iba ang anime sa live adaptations ha. Kasama sa pagsusulat ng live adaptations ang adjustment na gawin silang tao as much as possible. Tao, okey? Hindi cartoons.
“Manood at saka maghusga. (Karamihan ng shows ko, nauuna ang mga husga tapos pag palabas na, nawawala na ang mga mema. Hay naku, 2023 na, magbago na lols).”
Bida sa Voltes V: Legacy sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho, sa direksyon ni Mark Reyes.
Nasa cast din nito sina Martin del Rosario, Dennis Trillo, Carla Abellana, Gabby Eigenmann, Neil Ryan Sese, Liezel Lopez, Christian Vazquez, Epy Quizon, Albert Martinez, Carlo Gonzales, at Nico Antonio.
GORGY RULA
Kahit si Michael V ay nag-react din at may hanash sa kanyang Facebook account.
Sabi ni Michael V, “Just finished watching the #VoltesVLegacy Mega Trailer… kinilabutan ako sa ganda! This is my childhood coming to reality!
“I know, nag-express na ‘ko ng excitement ko sa previous post ko pero this trailer got me more excited than ever! Nabasa ko rin ‘yung mga comments n’yo and I’m glad na maraming nag-a-agree especially ‘yung TOTOONG FANS ng V5.
“Pero s’yempre hindi mawawala yung mga nagpapa-cool at naggagaling-galingang mga ignoranteng bashers.
“Kung hindi talaga kayo fan, wala nang magpapasaya sa inyo kahit sino at kahit kailan.
“Marami pa rin ang mga nagpapanggap at hindi matanggap na kaya nang gawin ‘to ng network with the right tools, right people and a ton of passion.
“Basta ako, sa trailer pa lang na ‘to SOLD na ako! Kudos kay Direk Mark Reyes, sa cast, sa animators and everyone involved sa production ng Voltes V: Legacy!
“You made me travel back to my childhood and relive a feeling that has long been waiting to be rekindled. I’m looking forward to that feeling in every episode.
“To all the fans and the bashers, this show is for you! Wala kahit isa sa inyo ang p’wedeng magnakaw ng saya na naramdaman ko nu’ng napanood ko ‘to. Happy 2023!”
NOEL FERRER
Sana, kasindami o mas higit pa sa mga nakapanood ng trailer ang manood ng actual na Voltes V: Legacy sa GM-\A-7 kapag naipalabas na ito.
And aside from the actual show’s ratings, sana rin ay may mapasikat sila — nang sikat na sikat sa mga characters na in-introduce nila para sa show na ito. Dahil noong nag-announce sila ng cast, mistulang mga Da Hu ang tanungan ng mga cast na ipinakilala.
Excited ako dahil panahon natin ito nang sumikat sa Pinas. At ito ay noong administrasyon ng dating Marcos.
Ngayong may bagong Marcos na nakaupo sa posisyon, mag-react din kaya sila the way the administration of the Senior Marcos reacted ages ago?
Let’s see what happens if we all Volt in!!!
Read More Articles:
- Why MMFF 2022 jurors snub Family Matters in many categories?
- James on managing Liza's career: "It's the most surprising thing that happened to me in years."
- Confirmed: South Korean superstars Lee Jong Suk, IU are dating
- Trina Candaza takes a swipe at Carlo Aquino on yearender post
- The "truth" about Alfie Anido's death, according to Juan Ponce Enrile...
