PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Who is PNP-CIDG Major General Nicolas Torre III?

Branded by Duterte supporters as "The Most Hated Man in the Philippines."
by Mark Angelo Ching
Published Mar 15, 2025
PNP-CIDG Major General Nicolas Torre III, Rodrigo Duterte
Get to know the man branded by former President Rodrigo R. Duterte's (right photo) supporters as "The Most Hated Man in the Philippines" — PNP-CIDG Major General Nicolas Torre III (left and center photos).
PHOTO/S: Nicolas Torre III Facebook / @ibcdigital13 X

Kilala mo ba si Nicolas Torre III?

Isa ang kanyang pangalan sa mga pinag-uusapan ngayon online, lalo na sa mga balita.

Si Major General Nicolas Torre III kasi ang pulis na namuno sa paghuli sa dating Pangulong si Rodrigo Duterte noong March 11, 2025, sa bisa ng warrant of arrest na inihain ng International Criminal Court (ICC).

READ: Former President Rodrigo Duterte arrested on ICC warrant

Dahil sa ginawa ni General Torre, siya ay binansagan na “The Most Hated Man in the Philippines” ng mga supporter ni Duterte.

Ngunit sino nga ba ang magiting na pulis na ito?

EVENTFUL BIRTHDAY

Birthday pala ni General Torre noong mismong araw na inaresto niya ang dating Pangulo.

Ipinanganak kasi siya noong March 11, 1970 sa Jolo, Sulu.

Sa kanyang Facebook account, pasimpleng pinasalamatan ng 55-year-old na pulis ang mga bumati sa kanya.

“Uwi na ako. Salamat sa lahat na bumati! Sorry, hindi nakaka-reply kasi medyo busy. Salamat pong muli!” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LONG CAREER IN THE PNP

Sa ngayon, si General Torre na ang direktor ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Na-promote siya sa mataas na posisyong ito simula lamang noong September 2024.

Ngunit bago niya naabot ang pagiging CIDG director ay mahaba-haba na rin ang itinakbo ng karera niya sa pulisya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagtapos siya sa Philippine National Police (PNP) Academy noong 1993.

Matapos nito ay naging provincial director siya ng Samar Provincial Police Office hanggang sa simula ng 2019.

Noong January 2019, inilipat si General Torre sa National Capital Region Police Office (NCRPO) bilang regional director for operations.

August 2022 naman noong naging director ng Quezon City Police District (QCPD) si General Torre.

ROAD RAGE PRESsCON ISSUE

Inulan ng kritisismo si General Torre dahil sa isang road rage issue, noong namumuno siya sa QCPD.

Tila kinampihan kasi niya ang isang retiradong pulis na nanutok ng baril sa isang siklista.

Matatandaan na noong August 26, 2023, nag-viral ang video ng insidente, kung saan makikita si Wilfredo Gonzales, isang retired PNP officer, at isang bicycle rider sa Welcome Rotonda sa Quezon City.

May hawak na baril si Wilfredo at umakmang babarilin ang nakaalitang motorista. Pinalo rin niya ito sa ulo.

READ: Driver na nanakit ng siklista sa road rage incident, lumantad na

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ang viral incident na nagpagalit sa mga nakapanood ay nagpa-presscon si General Torre sa Camp Karingal para pagpaliwanagin si Wilfredo.

Sa nasabing presscon ay umapela ang police chief sa publiko na bigyan ng “compassion” ang retiradong pulis.

Hindi nagustuhan ng publiko ang pa-presscon ni General Torre, at dahil dito ay napilitan siyang mag-resign mula sa QCPD.

Matapos ang kanyang resignation ay inilipat siya sa Communications and Electronics Service (CES) ng PNP bilang direktor nito.

CATCHING QUIBOLOY

Noong June 2024 ay lumipat si General Torre sa Police Regional Office sa Davao Region para maging acting regional director nito.

Dito ay ibinigay sa kanya ang pinakamahirap niyang trabaho so far—ang paghuli sa religious leader na si Apollo Quiboloy, na noon ay may warrant of arrest dahil sa kasong sexual misconduct.

READ: DILG offers PHP10M reward for Apollo Quiboloy's arrest

Noong August 24, 2024, pinamunuan ni General Torre ang pag-aresto kay Quiboloy, na nagtatago sa isang 30-ektaryang compound na malapit sa Davao International Airport.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni General Torre ang higit-kumulang na 2,000 na pulis mula sa Regions XI, XII, at XII ng PNP.

Naging marahas umano ang police operation, dahil na rin sa pagpoprotesta at pagmamatigas ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), ang religious group ni Quiboloy.

May isang KOJC member na namatay dahil sa atake sa puso. May mga nasaktan din dahil sa tear gas.

Dahil umano sa karahasang ito ay pinigilan ni ex-President Duterte, na kaibigan ni Quiboloy, ang paghanap sa inaakusahang pastor.

Sa kabila nito, nagtagumpay pa rin si General Torre sa paghahanap sa nagtatagong religious leader.

Noong September 8 ay inanunsiyo na ng PNP na nahuli na si Quiboloy at dinala na sa Camp Crame sa Quezon City.

READ: DILG Sec. Benhur Abalos confirms Apollo Quiboloy's arrest

THICK SKIN

Noong inaresto ni General Torre si Quiboloy ay nakatanggap siya at ang kanyang pamilya ng mga death threat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito ay nagbigay siya ng babala na kakasuhan ang mga nagbigay ng pananakot.

“Yung mga taong gumawa nun ay talaga naman maghanda-handa sila dahil makakatanggap sila ng notices at dadalhin natin sila sa korte,” saad ni General Torre sa isang panayam noong September 2024.

At ngayong inaresto naman niya si Duterte ay tumaas pa lalo ang mga banta sa kanyang buhay.

Ngunit sa ngayon ay itinuturing niya na lamang itong kasama sa kanyang trabaho.

"Everything is okay. Makapal ang ating balat at iyan ay kayang-kaya nating palampasin iyan,” saad ng CIDG director sa isang briefing noong March 13, 2025.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Get to know the man branded by former President Rodrigo R. Duterte's (right photo) supporters as "The Most Hated Man in the Philippines" — PNP-CIDG Major General Nicolas Torre III (left and center photos).
PHOTO/S: Nicolas Torre III Facebook / @ibcdigital13 X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results