PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maymay Entrata's 26th Birthday Bash on ASAP

Maymay thanked Aaron for joining and watching her perform for the first time.
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 8, 2023
Maymay Entrata celebrates 26th birthday in ASAP Natin 'To with boyfriend Aaron Haskell
Maymay Entrata (right) celebrated her 26th birthday with her Canada-based boyfriend Aaron Haskell (left) at the "ASAP Natin 'To" stage. Aaron was seen enjoying his girlfriend's production number.
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube

Espesyal ang pagdiriwang ng ika-26 kaarawan ng actress-singer na si Maymay Entrata.

Bukod sa natanggap na pagbati mula sa malalapit niyang kaibigan at fans, may espesyal pa siyang performance sa ASAP Natin 'To nitong Linggo, May 7, 2023.

Sa unang pagkakataon, inawit ni Maymay sa ASAP Natin 'To stage ang latest single niyang "Autodedma."

Mas lalo pa itong naging espesyal dahil live siyang pinanood ng kanyang Canadian boyfriend na si Aaron Haskell.

Ayon sa Kapamilya star, mula Canada ay lumipad pa patungong Pilipinas si Aaron para makasama siya sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Hindi rin daw niya sukat-akalaing sasamahan siya nito lalo na't may taglay na pagkamahiyain ang nobyo.

Pahayag ng "Autodedma" singer, "Gusto ko lang magpasalamat sa kanya kasi sobrang mahiyain po talaga siya."

Ito rin daw ang unang beses na makita siyang mag-perform ni Aaron.

Sabi ni Maymay, "Thank you rin po sa ASAP family po dahil binigyan niyo po kami ng pagkakataon na nandito po siya, mapanood ako for the first time mag-perform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Thank you, sobrang na-appreciate ko yun."

Sa likod ng tinatamasang tagumpay sa career, buhay, at love life, ano pa kaya ang birthday wish ni Maymay?

Aniya, "Ang birthday wish ko po, in general na lang talaga.

"Nasa imperfect world kasi tayo kaya nawa po talaga mangibabaw yung pagmamahal at kabutihan po natin sa bawat isa.

"Magiging possible lang po yon kapag nagde-defend po tayo sa perfect one kundi yung Panginoon.

"Kasi hindi ko ma-imagine yung buhay ko kapag wala Siya sa buhay ko kasi, kasi kung wala Siya, wala rin yung mga taong nagmamahal sa akin."

Valentine's Day noong February 2022 nang buksan ni Maymay sa publiko ang tungkol sa relasyon nila ni Aaron.

Nasa Canada noon si Maymay para mag-aral ng acting lessons at makasama ang nobyong nakabase roon.

Read: Maymay Entrata discloses relationship with foreigner; Luis tells Maymay, "Ipakilala mo naman sa akin."

Kahit na magkalayo, masaya raw si Maymay sa piling ni Aaron at panatag siyang tapat at higit na mas mahal siya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Maymay Entrata reveals what she likes most about boyfriend Aaron Haskell

Sa panayam niya sa Star Magic Inside News noong June 8, 2022, ibinahagi rin ni Maymay ang mga katangian ni Aaron na nagustuhan at minahal niya.

Read: Maymay Entrata on boyfriend: "Ganito pala ang feeling na ako naman yung priority."

"Very mature na siya, sobrang madiskarte siya sa buhay, very mapagmahal sa family.

"Awww... Napaka-caring niya talaga, hindi lang sa salita, pati sa gawa.

"Ang maganda dun, pag consistent yung taong nagmamahal sa iyo, araw-araw kang napu-fall, hindi lang sa umpisa.

"Oh my god! Ganito pala ang feeling na ako naman yung priority."

Read: Maymay Entrata calls boyfriend Aaron Haskell her “true love” on Valentine’s Day

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maymay Entrata (right) celebrated her 26th birthday with her Canada-based boyfriend Aaron Haskell (left) at the "ASAP Natin 'To" stage. Aaron was seen enjoying his girlfriend's production number.
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results