Ikinatuwa ng “legit Dabarkads” ang anunsiyong nakahanap na ng bagong tahanan ang TVJ nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—ang TV5.
Ngayong araw, June 7, 2023, inanunsiyo ng MediaQuest, ang parent company ng TV5, ang kanilang naging kasunduan sa TVJ.
Read: TVJ officially transfers to TV5 after 'Eat Bulaga!' exit
Ibig sabihin, malapit na muling mapanood ang “lehitimong Dabarkads" na ilang araw nang hindi nasisilayan sa telebsiyon ng kanilang mga tagahanga.
Unang nagbahagi ng magandang balitang ito si Joey sa Instagram:
View this post on Instagram
Ni-reshare ito ng dating Eat Bulaga! co-hosts na sina Maine Mendoza, Allan K, Ryan Agoncillo, Paolo Ballesteros, Ryzza Mae Dizon, Pauleen Luna, at Wally Bayola, at ng anak ni Tito na si Ciara Sotto.
Saad ni Maine sa caption, “Tuloy ang isang libo’t isang tuwa [heart emoji] @tv5manila”
View this post on Instagram
Ayon naman kay Paolo, “Our new home [smiling emoji]”
View this post on Instagram
Wala namang caption si Allan sa kanyang post.
View this post on Instagram
Sabi ni Ryzza Mae, “Ang aming bagong tahanan, @tv5manila #TVJ Thank you Lord [heart emoji]”
View this post on Instagram
Caption naman ni Ryan, “tuloy ang isang libo’t isang tuwa [smiling emoji]”
View this post on Instagram
Kapansin-pansin naman ang salitang “legit dabarkads” sa post ni Wally.
Aniya, “kita kits!, legit dabarkads!”
View this post on Instagram
Gayundin si Pauleen. Saad niya, “See you, legit dabarkads! [heart emoji]”
View this post on Instagram
Na sinegundahan naman ni Maja Salvador, na dating naging co-host ng Eat Bulaga!.
Tweet niya, “[three heart emojis] Legit Dabarkads!!! Tito Sen, Bossing and Boss Joey #EatBulagaTV5”
Sabi naman ni Maja sa kanyang post sa Instagram, “MGA KAPATID NANDITO NA ANG MGA LEGIT DABARKADS! #TVJ [heart emoji]”
View this post on Instagram
CELEBS, NETIZENS REACT
Ikinatuwa rin ng ilang celebrities, kasama na sina KC Concepcion, Pancho Magno, Ruffa Gutierrez, Pokwang, at Shaina Magdayao ang balitang ito.
Makikita ang kanilang mga komento sa post ni Pauleen:

May hiwalay ring post sa kanyang Instagram Story si Ruffa.
Saad niya, “Woke up to this heartwarming video. Congratulations, TVJ!! [clapping hands emojis] Excited to watch your new show!!"

Post naman ni DJ Chacha, "Welcome mga Kapatid."
Nagbunyi rin ang maraming netizens dahil malapit na nilang mapanood ulit ang nami-miss nilang Dabarkads.
Post ng isang netizen, “Patay TV namin ngayon, saka na bubuksan kapag on air na ang legit Dabarkads #EatBulagaTV5”
Ayon sa isa pa, “#EatBulagaTV5 is trending! Everyone's excited!! @EatBulaga"
Komento ng isa pa, “And the OG and real dabarkads will be back soon! #EatBulagaTV5”
Dagdag pa ng isang netizen, “God bless TVJ with their OG cast on their new home and new station for more years to come. #EB50 #EatBulagaTV5”
May 31, 2023 nang magpaalam sa kanilang loyal viewers ang TVJ sa pamamagitan ng Facebook at YouTube.
Hindi sila nakaere sa telebisyon dahil ipinag-utos ng TAPE management na mag-replay na lamang sila matapos matunugang may gagawin ang hosts.
Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
Ibinigay nina Jon Jalosjos, CEO at President ng TAPE, at ng kapatid niyang si Bullet Jalosjos, na tumatayong Chief Finance Officer (CFO) ng TAPE, ang kanilang panig sa PEP Exclusives tungkol sa masalimuot na usapin sa pagitan nila at ng TVJ.
MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR
- TAPE execs Jon and Bullet Jalosjos divulge "questionable expenditures" in Eat Bulaga!
- Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out
- EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
- EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"
- Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."
- (UPDATED) Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE
- Tito Sotto says transfer to TV5 not a done deal; other options on the table
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon draws flak for “Francise M” joke
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon: “We’re not signing off… We’re just taking a day off!”
- FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'
- TVJ & Tony Tuviera applied as one group for Eat Bulaga! trademark
- Tito Sotto claims TVJ owns Eat Bulaga! trademark
- Kim Atienza, kinukuhang "Eat Bulaga" host?; Paolo, Buboy, Betong, kasado na?
