Matagumpay ang operasyon ng "That’s My Bae" 2015 grand winner na si Kenneth Earl Medrano matapos siyang ma-diagnose na may testicular cancer.
Ayon sa Mayo Clinic, ang testicular cancer ay isang uri ng kanser na tumutubo sa bayag (testicle) o itlog ng mga lalaki.
Ang testicles ang gumagawa ng sperm at testosterone (male hormone).
Noong March 7, 2026, nag-post ng isang video sa Facebook si Kenneth para magbigay ng update sa mga tagasubaybay niyang nag-alala sa kanyang kalagayan. Ito ay matapos siyang humingi ng tulong pinansyal at dasal noong February 12 para sa kanyang operasyon.
Read: That's My Bae Kenneth Medrano diagnosed with testicular cancer
Isang netizen ang nagkomento sa isang post ni Kenneth patungkol sa ginawa sa kanyang surgery.
Bagay na hindi naman ipinagkait na sagutin ng actor-dancer, para sa aniya'y awareness na rin ng mga kagaya niyang dumaraan sa ganitong pagsubok.
Mababasa sa comment ng nasabing netizen (published as is): "Having experience with that, ano iyon may bukol sa bayag or lumaki lang ang bayag? Noong nasa operation po, tinanggalan ka ba ng bayag?
"Di ba sa ibang cancer, may tinatanggal din? Like sa mga tita ko, sa breast naman, tinanggal din naman ang dibdib.
"Ganyan din ba sa cancer mo, kasama ba sa tinatanggal ang ay ang pagkalalaki mo o bayag mo? Curious lang. Hopefully for your full recovery."
Read: Bea Alonzo wedding banns with Vincent Co announced at a church
Saad ni Kenneth sa video: "Mayroon po tayong sasagutin na tanong tungkol po sa testicular cancer.
"Kung tinanggal na po ba yung isa kong bayag, testicle or egg... di ba yung lalaki dalawa yung testicles natin, di ba?
"Sa iba, nakakatawa, at sa karamihan parang natutuwa sila dahil sa katapangan ko.
"Pero mahirap po ito na decision ko. Parang, it's too difficult for me to [decice] kung ano po yung dapat gawin.
"Kung gusto ko bang mabuhay or pipiliin ko yung andiyan lang yan [two testicles] pero may taning naman ang buhay mo."
Read: Medical societies unite for better cancer care services in PH
Aminado si Kenneth na mahirap sagutin ang mga tanong tungkol sa pinagdaanan niyang operasyon.
Dahil sa totoo raw ay alam niyang hindi lahat ng tao ay maiintindihan ang desisyon niyang ipatanggal ang isang testicle o bayag niya para hindi na kumalat ang kanyang cancer cells.
Pahayag ni Kenneth: "Parang mahirap na tanong para po sa akin. Pero ang totoo pong sagot niyan is...
"Sad to say, yes po, meron po akong isa na lang na testicle po na nandito po.
"At hindi ko po ikakahiya iyon. Kasi kung hindi ko po tinanggal yon, baka nasa six feet under the ground na po ako at parang nilalamayan niyo na po ako kung hindi ko po tinanggal yon.
"Yes po, tinanggal po yung isang bayag ko, sa right testicle ko, kasi doon po talaga tumubo yung cancer or yung mass or yung tumor doon po sa right testicle ko.
"Sobrang hirap po, sobrang hirap sa part for me na parang mag-decision na tatanggalin siya, kasi nga nasanay tayo na dalawa yung itlog natin."
Nang magdesisyon siyang ipatanggal ang isa niyang bayag, tinanggap na rin daw ni Kenneth ang posibilidad na hindi na siya magkakaanak.
Read: Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."
KENNETH AS A CANCER WARRIOR
Sa kabila ng kanyang matagumpay na operasyon ay hindi pa rin daw masasabing cancer-free na si Kenneth dahil sa monitoring status pa ang kanyang kondisyon para matiyak kung may kumalat na cancer cells sa kanyang abdomen.
Sabi niya: "Hindi pa naman po ako cancer-free now kasi monitoring pa po yung status ko.
"Baka daw po kasi nag-spread po yung cancer cell sa abdominal ko or sa abdomen ko kaya I need to undergo CT scan na naman po this month.
"So, ayun po. Uulitin ko po. Nakakahiya man po itong sagutin pero matapang po ako, matapang ko pong sasagutin yan... tuloy pa rin po ang buhay."

Kalakip nito ang paghingi niya muli ng dasal sa kanyang mga tagasuporta.
Aniya: "Ipag-pray niyo po ako na wala nang cancer sa abdomen ko.
"Hopefully po, cancer-free na po tayo. Pero for now, I am cancer warrior."
Sa huli, ipinakita ni Kenneth ang litrato niyang naka-underwear bago ang operasyon, kung saan makikita ang malaking bukol sa pribadong bahagi ng kanyang katawan.
Ito raw ang bigat na matagal nang dala-dala ni Kenneth na hindi niya maamin sa publiko dahil sa takot na siya’y mahusgahan at pagtawanan.
Saad niya" "Nakikita niyo po na parang ang saya ko sa mga videos ko, sobrang parang natutuwa na ako, parang walang problema.
"But deep inside po, dinadala ko po yon every day kahit saan po ako magpunta. Pero ayoko lang mapakita sa camera na malungkot ako.
"Yung isip ko kasi is positive, e, parang think positive lang kasi God will provide."
Si Kenneth ay nakabase na ngayon sa Mandaue City, Cebu, at nagtatrabaho bilang salesman sa isang car delaership.
