Nahimatay ang singer-actress na si Gigi de Lana habang nagtatanghal sa "Himala Sa Buhangin” event sa Paoay, Ilocos Norte.
Sa video na kuha ng TikTok user na si Lyka Camdas, mapapanood si Gigi na kumakanta habang nakaupo. Kahit may shoulder brace sa kaliwang braso ay ganado pa ring nagpe-perform ng kantang "Noypi" ni Bamboo kasama ang kanyang bandang The Gigi Vibes.

Ngunit hindi pa man natatapos ang kanta ay bigla na lamang napayuko ang singer at napakapit sa microphone stand sa kanyang harapan.

Kapansin-pansin ding pilit pa niyang tinatapos ang kanta nang tuluyan siyang mawalan ng malay.
Makikita rin sa video ang agarang pagresponde ng medical team ng event para alalayan at ibaba si Gigi sa stage.
GIGI AND HER BAND MEMBERS INVOLVED IN CAR ACCIDENT
Bago mangyari ang pag-collapse ni Gigi sa stage ay nauna nang inanunsiyo ng kanyang team na nasangkot sila sa isang aksidente.
Pasado alas diyes daw ng umaga noong Linggo, May 14, 2023, nang mabangga ang sinasakyan nilang van habang sila ay bumabagtas patungong Ilocos Norte.
Nagtamo man si Gigi at ang lahat ng miyembro ng kanyang banda ng minor injuries dahil sa aksidente, hindi ito naging hadlang para hindi nila ituloy ang kanilang provincial gig.
Read: Gigi de Lana and band members sustain minor injuries after car accident
Samantala, matapos mawalan ng malay ni Gigi, napagdesisyunan ng kanyang mga kabanda na ihinto na ang kanilang performance at i-cancel ang isa pa sana nilang gig sa Nueva Ecija.
Sa magkasunod na Facebook post nitong Linggo ng gabi, May 14, humingi ng paumanhin ang grupo ni Gigi sa biglaang pagkansela ng kanilang gig.
Mababasa sa kanilang post (published as is), "Hindi man namin natapos ang tugtugan, naramdaman namin ang inyong mainit na pagtanggap sa aming banda.
"Mga taga-Ilocos Norte, mahal namin kayong lahat! Please join us in praying Gigi's, Jon's, Oyu's and our team members' quick recovery after yesterday's unfortunate incident.
"Let's us all send them our message of support and love.
"Babalik kami at magsasaya tayong muli, Pramis yan!"
Kasunod nito, humingi rin sila ng paumanhin sa mga taga Nueva Ecija na naghintay sa kanilang pagdating.
Kalakip nito ang kanilang pangakong babalik at babawi sila sa oras na maging mabuti na ang kalagayan ni Gigi at iba pa niyang kabanda.
Saad nila sa kanilang opisyal na pahayag: "Ka-Sikanflor, Giginatics sa Talavera Nueva Ecija: Excited sana kami sa kuwentuhan, kulitan at kantahan mamayang gabi.
"Sadly, we need to cancel tonight's gig. We hope you understand we needto prioritize Gigi's, Oyu's, Jon's andour team members' recovery after yesterday's unfortunate incident.
"Babawi po kami, and we promise to deliver a show that's worth the wait.
"Maraming salamat sa inyong taos-pusong pagmamahal."
NETIZENS REACT
Dahil sa nangyari, marami sa fans ni Gigi ang nag-alala sa kasalukuyan nitong kondisyon at kalusugan.
Payo nila sa singer, huwag nitong abusuhin ang kanyang katawan at sarili.
Read: Gigi de Lana faces hard truth about her mom's stage four breast cancer
Tweet ng isang netizen sa viral na video ni Gigi, "Grabe yung nangyari kay Gigi De Lana. Pagod sya kagagaling din sa isang concert then worst na car accident pa sya papuntang Ilocos pero dahil sa napakaprofessional niya tinuloy pa rin niya kahit nanghihina na huhuhu sakit sa dibdib makita ka na ganito @GigiDeLana."
Sabi ng isa, "Ang hirap naman ng ganito. Sana makapag pahinga malala si Gigi de Lana. Clearly, she's not okay with the trauma that she got after that accident."
Payo pa ng isa, "Gigi may times na dapat mag-pause din hindi pwedeng sagaran lage ang katawan. pahinga rin dapat. we love you kaya always take care of yourself! Health is wealth."
"Saad pa ng isa, "Idol pagaling ka....maiintindihan ka ng mga fans mo...kaya unahin mu muna mag pagaling, mas mahalaga pa rin ang kalusugan sa kahit ano man."
READ MORE:
- Gigi de Lana reacts to "nagkasakit kasi puro sigaw" comment from bashers
- Gigi de Lana on having throat nodules: "I don't know if my voice will remain like this forever."
- Gigi de Lana takes a swipe at bashers anew: "Ang lilinis niyo ah?”
- Gigi de Lana addresses criticisms after getting new tattoo: "Please, don't judge."
