Dumaan si Jennica Garcia sa "a lot of healing, a lot of sessions, therapy" para umabot sa estado niya ngayon: mas confident at mas motivated siya.
Ang mensahe niya sa mga nasaktan at nabigo sa pag-ibig: hindi kailangang sarilinin ang problema.
Ani Jennica, “Pasensiya na po, ayoko din naman po masyadong pagandahin na parang I got it all together.
"And I want my fellow moms also to know kasi na pag pinapanood nila ako, na it’s okay to get help and it’s important that you know that you need help.”
Read: Jennica Garcia to transfer to new house with kids; sells furniture for “fresh start"
SELF-CARE FOR MOMS
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennica sa launch niya bilang endorser ng Queen White noong August 24, 2023, sa Romulo Café sa Tomas Morato.
Sinorpresa siya ng kanyang ina na si Jean Garcia, and for a brief moment, nagkaiyakan pa ang dalawa.

Read: Jean Garcia on Jennica Garcia-Alwyn Uytingco separation: "They're not meant for each other."
At bilang beauty brand ang bago niyang endorsement, tinanong ng writer na ito ang 33-year-old actress tungkol sa pagiging beauty conscious ng isang babae kahit siya ay isa nang mommy.
Sabi ni Jennica, “I think, in general, hindi lang kapag nanay ka na, as you age, you really want to take good care of yourself."
Nagbalik-tanaw ang aktres sa kanyang naging experience as a first-time mom noong 2015, ganundin noong ipinanganak niya ang kanyang second daughter noong 2018.
Paglalahad niya, “Kung meron man akong parang sana nagawa ko sooner, dapat nung nag-asawa ako, dapat nag-aayos pa din ako. Kasi ano, e, parang nawala na siya sa isip ko.
“Kasi siyempre first-time mom ka, tapos naalala ko nun when I had my first child, breastfeeding pa din ako nung three years old siya.
"Tapos nabuntis ako ulit. So parang nakalimutan ko lang na dapat pala pag tinitingnan ko yung sarili ko sa salamin, nagagandahan pa din ako sa sarili ko."
Read: Jennica Uytingco on weight gain: "Hindi tayo habang buhay ganito kalaki
Mas nag-focus ang celebrity mom sa kanyang family life, at naging least priority niya ang sarili.
“Nung time kasi na yun, wala po talaga. Parang siguro ilang taon akong hindi na nagko-conditioner, kasi, siyempre, magmamadali kang maligo.
"Pag wala kang kasambahay po talaga, extra set of hands sa bahay, yung CR mo, iyon na yung pinaka-destress mo, e.
“So pag naligo ako, shampoo, sabon, para isang buhusan tapos labas ka na agad.
"Tapos ano pa yun, yung anak ko naka… yung parang bouncy seat, kasi habang naliligo ako, nandun na rin siya sa loob ng CR, so wala din ako kahit yung curtain, yung pansara ng curtain na ganun, tinapon ko na, kasi ako din ang naglilinis.
“Tapos silip ako nang silip sa anak ko pag naliligo ako, napagod na ako."
Read: Jennica Garcia calmly responds to basher who called her “losyang”
Kaya naman ito ang advice ni Jennica sa kanyang fellow mommies: "Sana huwag ninyong pabayaan yung sarili niyo.
"Tapos patulong tayo sa mga biyenan, sa mga kamag-anak.
“Please make sure na kumakain ka ng mainit na pagkain. Pag mommy kasi, sa totoo lang, pag mainit yung pagkain, kahit hindi na masarap, ang sarap pa din.
“Kasi bihira, e, kasi siyempre may pinapakain ka ding baby, di ba."
Sabi pa ni Jennica, "mahirap talaga" ang pagiging ina dahil pang-habambuhay ang role na ito.
"This doesn’t end at, like, three years old. Hindi totoo na parang mahirap lang iyan sa umpisa, wag ako!
“Mahirap talaga," saka natawa si Jennica.
S pagpapatuloy niya, "Wala itong pinipiling edad. Coz my children are now eight and five, but I don’t feel that it has gotten easier.
"You just happen to get used to it, to form a rhythm, and from there, just continue to keep doing.”
Sabi ng iba, selfish daw ang self-love, ang pag-aalaga at pagmamahal sa sarili. Ano ang pananaw ni Jennica dito?
“I don’t think self-love is selfish at all.
“Siguro dumadating lang tayo lahat sa punto ng buhay natin, at okay lang kung wala pa tayo doon, pero lahat tayo, dadating sa buhay natin na feeling natin, na-exert na natin lahat ng effort for the people we like to please.
"Pero hindi pala talaga lahat kasi puwede mong makuha ang loob.
"Pumapasok lang yung self-love kasi you get to mature, and you realize na, ‘Ay sandali, I get to spot red flags easier now.’
“Parang alam ko na kung ano yung kaya kong lunukin. Alam ko na rin kung ano yung kaya kong, the art of deadma na lang, kasi sayang yung energy, e, lalo na…
"Ewan ko, siguro because I’m turning 34 already this year, just a couple of months actually, I really like myself now."
Sa December 26 ang birthday ni Jennica.
Bilang pagtatapos, aniya, “It’s nice, it’s a really good feeling na before pleasing anyone else, I wake up to make sure that the decisions that I make in life will, first and foremost, benefit myself.
"Because I know that if I put myself first, I’ll be able to give the best version of myself to my children.”
