Masuwerte ang first-time parents na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano dahil bukod sa flexible ang oras nila, marami ring silang katuwang sa pagpapalaki sa kanilang baby na si Isabella Rose
Read: Celebrity godparents of Jessy Mendiola and Luis Manzano's daughter Isabella Rose.
Six months old na ang kanilang bundle of joy, and, so far, at least isa sa kanilang dalawa ang naiiwan parati sa bahay.
Ang kuwento ni Jessy, “Actually, ang ginagawa namin, nagmi-meet kami ng schedule. Kasi ako naman, hindi pa naman ako fully na super busy, e, so talagang I make sure na nasa bahay lang ako pag wala akong event. Pag wala akong trabaho, I rarely go out.
“Si Luis naman, pag wala naman siyang work or wala siyang trabaho, ako naman ang tatanggap ng work.
"Kaya ini-schedule namin nang maayos para ma-meet nang maayos."
Malaking bagay din na ang mga in-laws niya—sina Edu Manzano, Vilma Santos, maging si Congressman Ralph Recto—ay excited alagaan ang baby.
Sa pagpapatuloy ng first-time celebrity mom, "Kung busy kami pareho, e, di si Momsky Vi naman or si Daddy Edu, para mahiram naman nila si Rosie."
Read: Vilma Santos pens sweet message for first grandchild Baby Rosie: "Proud of you!!!"
Love na love raw ni Ate Vi si Rosie.
“Sobra! Si Daddy Edu din, si Tito Ralph, super love nila siya, and I’m so very thankful!
“Kasi sobra yung alaga nila kahit sa amin. Yung talagang nung buntis din ako, pagkapanganak ko, grabe sila! Overwhelming nga, e.
“Kasi sabi ko, yung para silang second family talaga, and they really welcomed me sa family nila.
"Tapos ngayon na may Rosie na, walang tanung-tanong, agad-agad, ‘Dadalhin mo ba siya dito? Sige okay lang iyan, go, matulog siya dito."
“Kanina nga nandun siya, e, nasa bahay nila Momsky Vi siya, tapos doon siya sa room ng Tito Ryan [Recto, kapatid ni Luis] niya nag-stay.
"So iyon, parang nakakatuwa naman, kasi siyempre, di ba, we have a big family now, and nakakatuwa.”
Read: Vilma Santos, proud sa hidden talent ng anak na si Ryan Christian Recto
