John Lloyd Cruz and Ellen Adarna have reportedly broken up

IMAGE Noel Orsal / Ellen Adarna and John Lloyd Cruz (inset couple photos)

A PEP.ph source says John Lloyd Cruz and Ellen Adarna have parted ways and are now on co-parenting status for their son.


Lumalakas ngayon ang bulung-bulungang hiwalay na diumano ang live-in partners na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Ito ay sa kabila ng akala ng publiko na masaya ang pagsasama ng dalawa kasama ang anak nilang si Elias Modesto.

Ayon sa isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa kampo nina John Lloyd at Ellen, may lamat na ang relasyon ng dalawa bago pa man magdiwang ng first birthday ang kanilang anak noong June 27, 2019.

Sabi ng PEP source, “Birthday pa lamang ni Elias, malabo na.

"Co-parenting na lang sila.

“Hindi naman kasi nagbago mga buhay.

"Mahirap na ganun.”

Isa ring source ng PEP.ph ang nagsabing noong nakaraang buwan daw ay nag-open up si Ellen sa isang kaibigan.

Sinabi diumano ng aktres sa kaibigan nitong hindi na niya masakyan ang pagiging "too weird" umano ni John Lloyd.

OTHER REPORTS

Sa column ng entertainment editor na si Salve Asis sa Pilipino Star Ngayon kahapon, August 4, na may titulong "Ellen nakipaghiwalay na kay John Lloyd?!," sinabi raw ng kanyang "super reliable source" na "Nagising na lang daw isang araw si Ellen na ayaw na niya sa actor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ellen daw ang nakipaghiwalay kay John Lloyd.

Ayon naman sa isang blind item na lumabas sa isang gossip blogsite, isang matinding away raw ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang isang aktres sa aktor.

Nanumbalik daw kasi ang dating nakagawian ng aktor noong binata pa ito—ang pagkalulong sa alak.

Hindi man tinukoy na sina Ellen at John Lloyd ang mga karakter na nasa blind item, ang dalawa ang hula ng netizens base sa mga komento.

Ito rin kaya ang dahilan kung bakit hindi kasama si John Lloyd sa bakasyon ni Ellen at ng best friend nitong si Beauty Gonzalez sa Thailand noong nakaraang linggo?

JOHN LLOYD-ELLEN LOVE AFFAIR

Nagsimula ang pagkakamabutihan nina John Lloyd at Ellen sa set ng sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home, na pinagbibidahan ng aktor at ni Toni Gonzaga.

Pa-guest-guest lang noon si Ellen sa show hanggang sa naging regular talent na ito ng palabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

January 2017, umugong ang balitang may espesyal nang namamagitan sa dalawa.

Ngunit, itinanggi ito ng aktres.

Pero sunud-sunod naman ang sightings ng dalawa: una na rito ang pag-check in daw nila sa Shangri-La Edsa hotel sa Mandaluyong at pangalawa ay ang bakasyon nila sa Ilocos Norte.

Ang Bantayan Island, Cebu escapade ng dalawa noong September 2017 ang tila nagbigay ng tuldok sa lahat ng espekulasyon sa kanilang relasyon.

Sa nasabing getaway, kitang-kita sa mga larawan at videos na nai-upload sa Instagram ang sweetness ng dalawa.

Dito rin tinawag na “Baby” ni John Lloyd si Ellen.

Buong Setyembre ay pinag-usapan sa lahat ng sulok ng showbiz ang Bantayan Island getaway nila kung saan tila kumpirmasyon na itong may relasyon na sila.

JOHN LLOYD INDEFINITE LEAVE FROM SHOWBIZ

Hindi nakaganda sa imahe ng award-winning actor na si John Lloyd ang videos niya na lasing na lasing, kung saan may isa dito na nakikitang naglalaro pa siya ng kutsilyo at nagpa-picture katabi ng gasul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong October 2017, inanunsiyo ng Star Magic—ang talent arm ng ABS-CBN na namamahala sa karera ni John Lloyd—na mag-i-indefinite leave muna ang aktor sa showbiz.

November 2017, eksklusibong naibalita dito sa PEP.ph na buntis na si Ellen at si John Lloyd ang ama.

Matapos nito, sa Cebu na pansamantalang nanirahan ang dalawa hanggang sa isilang ni Ellen ang kanilang anak noong June 27, 2018 sa Chong Hua Hospital.

Kasunod nito ang pagiging mailap sa media ng dalawa.

Ngunit, paminsan-minsan ay nakukuhanan sila ng mga larawan ng netizens.

Patuloy pa ring nangangalap ang PEP.ph ng iba pang impormasyon tungkol sa balitang ito.

Nakipag-ugnayan na rin kami kay John Lloyd, sa pamamagitan ng kanyang personal Instagram account na @dumpsitegallery, upang mahingan ng komento tungkol dito.

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang reaksiyon at pahayag nina John Lloyd at Ellen.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close