Sam Concepcion surprised by ex-girlfriend Jasmine Curtis-Smith's new relationship

Sam Concepcion on Jasmine Curtis' non-showbiz date Jeff Ortega: "He's not naman a very close friend but he's a nice guy. He is. Hindi ko alam kung nagkasama na kami or nagkatrabaho na kami, I don't think so. Pero kasi friend din of friends e, so it's someone you see a lot when you go out with friends."


Inamin ng Kapamilya singer-actor na si Sam Concepcion na ikinagulat niya ang balitang may bago nang nagpapatibok sa puso ng kanyang ex-girlfriend na si Jasmine Curtis-Smith.

Pahayag ni Sam, “Of course, nagulat ako siyempre.

“I really wouldn’t have thought na, you know, na mangyayari yun.

“Especially with someone I know pa but, ayun, I guess, after a while, masasanay ka rin. You’ll get used to it.”

First quarter ng 2015 nag-break sina Sam at Jasmine matapos ang halos tatlong taong relasyon.

Nitong nakaraang February, naging usap-usapan sa social media kung sino ang lalaking kasama ni Jasmine sa Instagram post ng kapatid nitong si Anne Curtis. Mapapansin kasi sa litrato na tila malapit si Jasmine sa katabi nitong non-showbiz guy.

Read: Jasmine Curtis-Smith spotted being 'cozy' with non-showbiz guy

Inamin naman ni Jasmine na ang naturang lalaki nga ang bagong inspirasyon niya.

Read: Jasmine Curtis-Smith admits to seeing a non-showbiz guy

SAM KNOWS THE GUY. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay iba pang miyembro ng press si Sam sa album launch nito kahapon, March 9, sa Luxent Hotel, Quezon City.

Sa panayam, sinabi ni Sam na kakilala niya ang non-showbiz guy na idine-date ngayon ni Jasmine na kalauna’y kinilala bilang si Jeff Ortega.

Sabi ni Sam, “I honestly know the guy.

“He’s a… dito naman kasi, you know, very small circle. Magkakakilala din naman.

“He’s not naman a very close friend, but he’s a nice guy. He is.

“Hindi ko alam kung nagkasama na kami or nagkatrabaho na kami, I don’t think so.

“Pero kasi friend din of friends, e, so it’s someone you see a lot when you go out with friends.”

Nagkakilala ba ang dalawa habang sila pa ni Jasmine?

Sagot ni Sam, “I don’t think so. Hindi naman ako yung nag-introduce sa kanya, e, so I don’t think so.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakikita na rin daw ni Sam sina Jasmine at Jeff na magkasama kapag lumalabas siya kasama ang common friends nila.

Nasasaktan ba siya kapag nakikitang magkasama ang dalawa?

Sagot ni Sam, “You wouldn’t be hurt kasi their intention isn’t to hurt [me.]

“It has absolutely nothing to do with me.”

Bukas pa kaya siya sa posibilidad na magkabalikan silang dalawa ni Jasmine?

“Well, I’m only 23, hindi ko alam. Marami namang puwedeng mangyari, e.

“But as long as you keep you focus on… yung main focus mo, you know, [like] focus on my craft, bettering myself, grow as a person.

“Ultimately, yun yung pinakaimportante para mahanap mo kung saan ka pupunta tsaka kung sino din yung… who’s gonna be for you.”

FAMILY’S APPROVAL. Sa hiwalay panayam ng press kay Anne, sinabi nitong masaya siya para kay Jasmine dahil sa bago nitong manliligaw.

Read: Anne Curtis denies she and longtime BF Erwan Heussaff will marry this year

Pahayag naman ni Sam tungkol dito, “I’m very glad and very happy, katulad nga ng sinabi ko kanina.

“I’m very happy that things worked out the way it did.

“We’re both in a very happy place and, you know, mas masaya lahat, you know?

“She’s happy, her family is happy.

“I’m very glad that they, you know, they appreciate and they support her in anything or whatever.”

Ayon kay Sam, malaking bagay ang approval ng mga kapamilya ng bawat magkasintahan, lalo na kung hindi pabor ang isa sa mga ito.

Paliwanag ng 23-year-old performer, “Of course, it makes it a lot harder.

“Pero, you know, sometimes it’s easy, sometimes it just happens, sometimes it doesn’t.”

Isa sa mga itinuturong dahilan ng breakup nina Sam at Jasmine ay dahil hindi daw pabor si Anne kay Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Agad naman ipinagtanggol ni Jasmine ang nakatatandang kapatid sa bashers nito sa Instagram at sinabing hindi ito dapat sisihin sa kung anuman ang nangyari sa relasyon nila ni Sam.

Read: Jasmine Curtis-Smith says breakup with Sam Concepcion has nothing to do with sister Anne

Ngunit nang tanungin kung hindi ba talaga pabor sa kanya ang pamilya ni Jasmine, sagot ni Sam, “I wouldn’t say everybody in general.”

Iwas naman si Sam na magturo kung mayroon nga ba sa pamilya ni Jasmine ang hindi pabor sa kanya.

Aniya, “One thing, I will never be pointing fingers at anybody.

“I don’t want to, you know, blame someone for whatever or however our relationship failed.

“I’m not gonna point fingers at anybody.

“Sometimes, you know, what happens is just supposed to happen and I’m glad everything right now is happening very easily for both of us, for them.”

Sinubukan naman kaya ni Sam na i-approach ang pamilya ni Jasmine nung sila pa?

Sagot nito, “I wouldn’t say I didn’t try because with someone that I loved, you’d do everything that you could.

“But sometimes, I guess it just becomes harder when you actually try or when someone else doesn’t see that or you know…

“I’m not excluding the fact that maybe I could’ve done something more or maybe I could’ve done something less.

“Sometimes kasi circumstances and situations make it a lot harder to keep things in the right place.”

MOVING ON. Wala naman daw sama ng loob si Sam sa dati nitong kasintahan dahil nakapag-move on na ito mula sa kanilang relasyon.

Ani Sam, “I wouldn’t take that against her naman.

“We all go through, you know, circumstances and situations differently, e.

“Iba-iba tayo, we all deal with our emotions differently.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, if she feels like she’s ready and, you know, siya lang naman talaga makakaalam where she wants to be, e, and what will help her.

“And if she thinks that that is the right way or where she needs to be, of course, by all means, go with where your happiness is gonna take you.”

Nakapag-move on na rin naman daw siya matapos ang lahat ng nangyari.

Saad ni Sam, “Of course, I have definitely moved forward already from everything that has happened in the past.

“Ayaw mo naman mag-dwell dun sa isang lugar na dark and, you know, walang magandang madudulot or hindi siya magiging fruitful.”

Dagdag niya, “I deal with mine very differently.

“After what happened, I kind of put myself together and channeling all that energy to music.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN