Martin del Rosario tests negative for illegal drugs

IMAGE File photo

Martin del Rosario's drug test result is negative for illegal subtances like methamphetamine (shabu) and tetrahydrocannabinol (marijuana).


Kabilang na rin ang Kapuso actor na si Martin del Rosario sa celebrities na boluntaryong nagpa-drug test.

Sa resultang ipinadala ng ALV Talent Circuit sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), makikita na negatibo ang 23-year-old actor sa methamphetamine o shabu at tetrahydrocannabinol o marijuana.

Ang drug test kay Martin ay isinagawa sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center noong Martes, October 11.


Ang pagpapa-drug test ni Martin ay alinsunod sa utos ng ALV Talent Circuit sa mga artista nito bilang suporta sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Nauna nang ipinadala ng ALV ang negative drug test result ng isa pa nilang talent na si Tim Yap kamakailan.

Kabilang din mga artistang boluntaryong sumailalim sa drug test sina Claudine Barretto, Anne Curtis, James Reid, Solenn Heussaff, Enrique Gil, Jake Cuenca, at Diego Loyzaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN