Kris, Angel, Marian, Angelica, Cristine: Feisty stars who did crazy things for love

IMAGE Noel Orsal/Instagram (mrscristinekhatibi)

They are known for their strong personalities. They are brave, outspoken, and independent women... but fragile when it comes to love.


Ilang sikat na aktres sa local showbiz ang kilalang mayroong strong personality, pero tumitiklop kapag puso na ang usapan.

Sila ang mga babaeng may reputasyong matapang at palaban pero handang magbigay ng second chance (o mas marami pa), handang iwan ang career, o kaya naman ay mas ginamit ang puso kaysa sa isip sa ngalan ng pag-ibig.

Narito ang ilan sa kanila:

ANGELICA PANGANIBAN. Kamakailan ay kumalat sa social media ang larawan nina Angelica at John Lloyd Cruz na magkasama sa isang restaurant sa Makati City.

Marami ang nagtanong kung nagkabalikan na ba ang dalawa.

Naiulat ang paghihiwalay ng showbiz couple noong January 2016 pagkatapos ng apat na taong relasyon.

Read: John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban called it quits, says source

Bago pa man ang paghihiwalay nila, may dalawang pagkakataon nang napabalitang muntikan na silang maghiwalay.

Taong 2014 at 2015 ay nabalitang naghiwalay umano ang dalawa, subalit pareho itong hindi natuloy dahil naayos umano nila ang hindi pagkakaunawaan.

Read: John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban are “still together” amid split rumor

Nito lamang October 20, na-interview ng PEP ang close friend ni Angelica na si Glaiza de Castro.

May makahulugang sinambit ang Kapuso actress sa isyung pagbabalikan diumano nina Angelica at John Lloyd.

Tinanong si Glaiza kung bakit tila naghu-hold on si Angelica kay John Lloyd.

Sagot ng Encantadia actress, “Ganun kasi siyang klaseng tao, ganun siya magmahal, ganun siya ka-intense.

“Siguro nakita niya na rin dun sa person [John Lloyd] yung hinahanap niya, kaya siguro ipinaglalaban niya.”

Read: Glaiza de Castro hints at friend Angelica Panganiban's relationship status with John Lloyd Cruz

Dalawang araw pagkatapos ng interview kay Glaiza, nakapanayam ng press si Angelica sa Star Magic Ball noong October 22.

Itinanggi niyang nagkabalikan sila ni John Lloyd, pero magkaibigan pa rin daw sila.

Sa tanong kung posible ba silang magkabalikan, sagot ni Angelica, “Hindi ko alam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Angelica Panganiban denies reconciliation with ex-BF John Lloyd Cruz

Sa ngayon, inaabangan kung may pagbabalikan bang magaganap o mananatiling magkabigan na lamang sina Angelica at John Lloyd.

Bago ang relasyon ni Angelica kay John Lloyd ay tumagal ng anim na taon ang relasyon nila ng dating boyfriend na si Derek Ramsay.

ANGEL LOCSIN. Kilalang boyish at matapang si Angel.

Sinabi niya noon sa isang TV interview na hindi niya binabalikan ang kanyang mga nagiging ex-boyfriend.

Pero nabali ito kay Luis Manzano.

Bago sila naging magkarelasyon ni Luis noong 2007, ang mga naging ex-boyfriend ni Angel ay sina Mico Sotto, Oyo Sotto. 

Naghiwalay sina Angel at Luis noong 2009.

Naging boyfriend ni Angel ang football player na si Phil Younghusband noong 2011 pero nag-break noong 2013.

Muling nagkamabutihan sina Luis at Angel at nagdesisyong magbalikan noong 2014.

Kaya naman sa interview niya sa Aquino & Abunda Tonight noong June 2014, sinabi ni Angel na ang pakikipagbalikan kay Luis ang pinakamatapang na desisyong ginawa niya.

Paliwanag niya, “Kapag mahal mo yung tao, kahit hindi ka naman niya sinaktan intentionally, pero dahil mahal mo yung tao, yung pain nun, parang times 100 pag sa ‘yo.

“Pero dahil hindi ka naman sure kung magiging okay ba sa ‘yo, babalikan mo ang isang bagay na hindi ka naman sigurado na baka pagdaanan mo ulit lahat ng pain na dinaanan mo. Back to zero ka ulit.

“Di ba, parang ang tapang-tapang ko nun? Sobrang proud ako sa ginawa kong ‘yon.”

Eksaktong dalawang taon mula nang magkabalikan sila, nag-break silang muli noong February 2016.

Nang pumutok ang balitang muli silang nagkahiwalay ni Luis, ni-repost ni Angel sa Instagram ang video ni Luis at naglagay ng makahulugang caption.

Ani Angel: “Kung nagmahal na kayo ng taong paulit-ulit kang sinaktan. Pls like this [post].”

Tila inamin din ni Angel na naging “tanga” siya sa pag-ibig nang gamitin niya ang hashtag na #mabuhayangtangasapagibig sa nasabing post na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Angel Locsin calls Luis Manzano her "ex" on IG

MARIAN RIVERA. Isa pang palabang aktres subalit handang iwan ang showbiz sa ngalan ng pag-ibig ay si Marian Rivera.

Vocal sa pagsasabi noon ang Kapuso Primetime Queen na pangarap niyang maging housewife para sa kanyang magiging asawa at alagaan ang kanyang magiging anak.

Inspirasyon daw ni Marian ang kanyang ina at lola na sobra ang pagbibigay ng halaga sa pamilya.

Sa PEPTalk interview ni Marian noong May 2016, consistent siya sa pagsasabing willing siyang iwan ang showbiz para sa pamilya.

“Mahal ko ang trabaho ko. Marami akong nagagawa.

“Nae-extend ko ‘yan sa family ko, sa mahal sa buhay. Ang daming puwedeng konek, like advocacy.

“Willing ba akong iwan ang showbiz just in case?

“Ayokong gamitin ang term na igi-give up pero, yes, priority ko ang family at anak ko.

“So, read between the lines.”

Watch: PEP TALK: Is she willing to leave showbiz for family?

May dalawang pagkakataon ding nasangkot ang Kapuso actress sa kontrobersiya dahil umano sa selos.

Kasintahan pa lang noon ni Marian ang mister niyan ngayong si Dingdong Dantes.

September 2010 nang pumutok ang balitang diumano’y ikinulong niya sa CR ng Fontana Hotel, Angeles City, at pinagbantaan ang noo’y baguhang Kapuso actress na si Bela Padilla.

Magkakasama noon sina Marian, Dingdong, at Bela sa teleseryeng Endless Love ng GMA Network.

Magkasintahan ang papel nina Dingdong at Bela sa nasabing teleserye kaya may sweet moments ang dalawa.

Nagsalita rito si Eva Carino, lola ni Bela, at isiniwalat ang pananakot umano ni Marian sa kanyang apo.

Read: FIRST READ ON PEP Eva Cario-Padilla tells Marian Rivera to apologize to her granddaughter Bela Padilla

Ipinagtanggol naman ni Dingdong si Marian at sinabi sa isang statement na ikinalulungkot niya ang mga walang katotohanang paratang laban sa kasintahan.

“I feel saddened by the accusations and false allegations hurled towards Marian which I feel were unfair and totally blown out of proportion,” bahagi ng statement ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: FIRST READ ON PEP: Dingdong Dantes breaks his silence on Marian Rivera-Bela Padilla rift

Di nagtagal, nagkaroon ng closed-door meeting ang dalawang kampo, kasama ang noo’y GMA-7 senior vice president for Entertainment TV na si Wilma Galvante.

Dito ay ngdesisyon sina Marian at Bela na mag-move on na mula sa isyu.

Nagkaisyu rin sina Marian at Heart Evangelista noong 2011.

Nagsimula ito nang naiyak daw si Marian pagkatapos pagsalitaan nang hindi maganda ng ina ni Heart na si Cecile Ongpauco.

Nang lumapag sa airport ang dalawa mula sa shooting ng Temptation Island sa Ilocos Norte, lalapitan daw sana ni Marian si Heart upang bumeso at magpaalam.

Pero pumagitna raw ang ina ni Heart at sinabihan si Marian ng: “Stay away from my daughter!”

Marami rin daw kasamang bodyguards ang ina ni Heart noon.

Read: Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

Nagsalita ang panig ni Heart at sinabi nitong sinugod siya ni Marian at pinagbantaan sa panahon ng kanilang pagsu-shooting.

Hindi raw nagustuhan ni Marian nang sabihin ni Heart sa isang interview na “excited” siyang makatrabaho si Dingdong.

May hinahanda kasing teleserye noon para kina Heart at Dingdong, pero hindi na ito natuloy.

Read: Heart Evangelista claims she was "attacked, shouted at, and threatened" by Marian Rivera

Mas pinili noon ng panig ni Marian na manahimik sa gitna ng isyu upang hindi na ito lumaki.

Pero nitong April 2016, sa isang event, tinanong si Marian tungkol sa matagal nang naging alitan nila ni Heart.

Kinunan siya ng reaksiyon sa naging pahayag ni Heart na gusto na lang niyang maging positibo at maging maayos na ang lahat sa mga nakaalitan niya noon.

Sagot ni Marian, lumapit sa kanya si Heart sa isang event dalawang taon na ang nakalilipas.

“Lumapit na siya sa akin, e. The mere fact na lumapit na siya sa akin, pinatawad ko na siya. Kaya nagtataka ako kung bakit paulit-ulit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong ni Marian, nagbabatian sila ni Heart sa tuwing magkikita. Okey raw sila at civil sila sa isa't isa.

“Ang dami nang magandang nangyari sa buhay ko. Tama na talaga,” sabi pa niya.

Watch: Marian Rivera on what Heart Evangelista said that hurt her feelings

Ngayon, pareho nang pamilyado sina Marian at Heart.

Kasal na si Marian kay Dingdong at may isa na silang anak, samantalang kasal na si Heart kay Sen. Chiz Escudero.

CRISTINE REYES. Kilala rin sa pagiging vocal sa kanyang nararamdaman si Cristine Reyes kaya’t madalas nasasangkot sa kontrobersiya.

Pero tila pag-ibig din ang kahinaan ni Cristine.

Ang mga artistang naugnay sa kanya ay sina Mark Herras, Dennis Trillo, Rayver Cruz, at Derek Ramsay.

Ngunit isang hindi taga-showbiz ang nakatuluyan niya — ang mixed martial arts enthusiast na si Ali Khatibi.

Nagkakilala sina Cristine at Ali noong 2005. Pero lumipas ang maraming taon bago sila muling nagkita.

Taong 2013, nagpunta sa Iloilo si Cristine para sa ASAP at nagkataon namang pumunta roon si Ali para sa Dinagyang Festival.

Aksidenteng nagkita ang dalawa at nagsimulang magkagustuhan.

Pero hindi naging smooth-sailing ang pagtitinginan nila dahil may long-term girlfriend noon si Ali.

“So, ten months kaming hindi nag-usap at hindi nagkita after Iloilo,” kuwento ni Cristine sa December 2015 episode ng Kris TV.

Sinadya raw nilang hindi na magkita at mag-usap dahil may karelasyon nga si Ali noon.

Dugtong ni Cristine, “I remember sinabi niya [Ali] sa akin, ‘Are you sure?’

“Kasi alam niya kung anong gusto niya and ako nagsabi sa kanya na, ‘Hindi, you go back to her.’ Wala lang, nagpakamartir lang ako.

“Feeling ko kasi baka mamaya infatuation lang naman.”

Pero naramdaman ni Cristine na gusto niya talaga si Ali.

Kuwento pa ni Cristine, may isang insidente kung saan nag-drive siya mula south papuntang north na umiiyak habang kausap ang kapatid na si Ara Mina para sabihing nami-miss niya si Ali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nagpatuloy ang "pagpaparamdam" nila ni Ali sa Instagram.

Ayaw raw magkaroon ni Cristine ng “what if” kaya naman noong 2014, nang magkaroon ng motocross event si Ali sa Zambales, nag-drive ang aktres at pinuntahan ang binata.

Pahayag ni Ali nang makita si Cristine sa Zambales, “I guess I was happy that she really did go and see me. Sobrang kinilig ako when I saw her again.

“Since that time, hindi na kami naghiwalay talaga.”

Nang usisain ni Kris Aquino si Cristine kung bakit siya pa ang nag-initiate ng move na puntahan si Ali sa malayong lugar at hindi nagpa-demure, sagot ng aktres, “Tagal ko na ngang naghintay, ten months. Di ko kaya, e.”

Ikinasal sina Cristine at Ali noong January 2016 at mayroon na silang isang anak na babae, si Amarah.

KRIS AQUINO. Kung pagiging vocal lang naman ang pag-uusapan, marahil ay si Kris Aquino ang nangunguna sa listahan.

Dahil sa pagiging outspoken ng TV host-actress, madalas siyang tawaging "taklesa."

Kilalang matalino at may pinag-aralan, pero ilang beses nasawi sa pag-ibig si Kris.

At lahat ng ito ay naging malaking balita sa showbiz.

Kabilang sa mga nakarelasyon niyang taga-showbiz ay sina Alvin Patrimonio, Robin Padilla, Phillip Salvador, Joey Marquez, at Mayor Herbert Bautista.

Pero ang isa raw sa mga iniyakan at pinagsisihang pangyayari ni Kris ay ang hindi niya pagpayag na magkaroon sila ng pre-nuptial agreement ng dating asawang si James Yap.

Sa maraming taon, laging pasok si Kris sa top taxpayers sa bansa, patunay ng pagkakaroon ng malaking kita at pagbabayad ng tamang buwis.

Pero dahil wala silang pre-nuptial agreement ni James nang ikasal, hahatiin ang pinagsama nilang finances sa paghihiwalay.

Noong October 2013, tahasang sinabi ni Kris na pinagsisisihan niya ang hindi pagsunod sa habilin ng ina, ang yumaong dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino, na humingi ng prenup kay James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naramdaman nga raw niya na “nalugi” ang kanyang panganay na anak na si Josh.

“The regret, if you ask me, was that my mom just said to me, 'I only ask you one thing: humingi ka ng prenup para ma-secure mo si Josh [anak ni Kris kay Phillip Salvador].'

“It was not for any other reason, but my mom's concern is because Josh is illegitimate. Josh is a special child who has so many needs.

“Kung meron man akong iniyak in this whole thing, sabi ko, nalugi talaga yung panganay kong anak.”

Read: Kris Aquino wishes she had prenuptial agreement before marrying James Yap

Pero noong 2013, sa isa pang artikulo, sinabi ni Kris na naging patas naman at hindi naging sakim si James sa settlement na nangyari.

“Para ma-satisfy kayo, dahil kukulitin n’yo na naman ako until sagutin ko kung anuman ang settlement namin: It was fair. I don’t think he was greedy.

“It was something of course na pinagtrabahuhan ko rin naman.

“Pero marami ring blessings na dumating and parati kong iniisip na the biggest blessing in my life, because of that marriage, I have Bimby.

“Both my sons are comfortable,” lahad ng Queen of All Media.

Read: Kris Aquino on settlement with James Yap: "It was fair. I don’t think he was greedy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN