Karen Davila, Bianca Gonzalez speak up on Gretchen Fullido sexual harassment charge

IMAGE @iamsuperbianca, @gretsfullido, @iamkarendavila on Instagram

ABS-CBN personalities Karen Davila (right) and Bianca Gonzalez (left) air their opinions on Gretchen Fullido's (center) sexual harassment complaint against her colleagues.


Nagbigay ng reaksiyon sina Karen Davila at Bianca Gonzalez hinggil sa isyung kinasasangkutan ngayon ng ABS-CBN entertainment reporter na si Gretchen Fullido.

Kaugnay ito ng pagsasampa ng reklamong sexual harassment ni Gretchen laban sa dating ABS-CBN News executive na si Cheryl Favila at sa ABS-CBN News segment producer na si Maricar Asprec.

Bukod dito, naghain din ng reklamong libelo si Gretchen laban sa broadcast journalist na si Ces Drilon, news executive Venancio Borromeo, at entertainment news reporter Marie Lozano.

Tinawag ng pansin ng ilang netizens ang ABS-CBN personalities na sina Karen at Bianca dahil sa diumano’y pananahimik nila sa isyu.

Iba't ibang akusasyon ang ibinato kina Karen at Bianca gaya ng pagiging ipokrito at pananahimik diumano nila, at kung sino ang kakampihan nila sa mga kasamahan sa Kapamilya network na sangkot sa isyu.

Kilala raw kasi sina Karen at Bianca sa pagkakaroon ng strong opinion hinggil sa mga isyu at pagiging advocate nila sa mga karapatan ng kababaihan.

Ngunit sa pagkakataong ito, kung saan sangkot ang mga katrabaho nila, ay bakit tila nananahimik daw sila.

 

BIANCA, KAREN REACT

Nitong nakaraang weekend, nag-post ng kanilang saloobin sa social media sina Karen at Bianca hinggil sa sexual harassment complaint ni Gretchen laban sa ilang katrabaho nito sa ABS-CBN News and Current Affairs.

Tweet ni Karen nitong Sabado, October 6: “NO to SEXUAL HARASSMENT. NO to any form of VICTIM SHAMING. Without prejudice to any of my colleagues, these values are eternal to my person.”

Sinagot din ng veteran broadcast journalist ang isang netizen na nagkomento hinggil sa paraan daw ng pananamit ni Gretchen na “nag-i-invite” daw ng sexual harassment.

Ayon kay Karen, “a woman’s wardrobe or how she looks for that matter can never be cited as a reason for sexual harassment or a sexual crime. I am not fully aware on details of the case but wanted to correct you on this one item.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin niya ang isang tweet na nagsasabing kinampihan daw niya si Ces.

Pahayag ni Karen: “Hello Sir/Maam: Just to clarify, I said 'without prejudice to any of my colleagues' which means “without judgement”. I do not have all details & info to this case.”

Samantala, pinuri naman ni Bianca si Gretchen sa tapang nito.

Hangad din daw niya ay lumabas ang katotohanan tungkol sa isyu.

Pahayag ng TV host, “Hanga ako sa tapang ni Ms. Gretchen Fullido.

"Sana'y lumabas ang katotohanan sa kaso at mabigyan ng hustisya.

"Nakakalungkot na may taong ginagawa itong isyu ng babae laban sa babae. Sa sitwasyon na ito, puro babae at LGBTQ ang involved, kaya sensitibo talaga.”

Hindi na raw mahalaga ang pagiging advocate for women kung ang isyu ay kinasasangkutan ng parehong babae.

"Yes, women should support women. But when its women involved in both sides, nawawala ang 'babae ako' at nagiging 'babae tayo'.

"Mahirap. Ang mga involved lang ang tunay na nakakaalam ng katotohanan.

"But still, we do our best so that women support women."

PEP.ph's complete coverage of the Gretchen Fullido sexual harassment, libel complaints:

Gretchen Fullido files sexual harassment, libel complaints vs ABS-CBN colleagues

ABS-CBN issues statement on Gretchen Fullido sexual harassment complaint

Ces Drilon issues statement about Gretchen Fullido libel complaint

Jerika Ejercito, Melissa Ricks show support for Gretchen Fullido with #IStandWithGretchen

Lawyer of Cheryl Favila, Maricar Asprec on Gretchen Fullido's sexual harassment complaint: "Baseless"

Gretchen Fullido to public amid sexual harassment controversy: "Please just pray for me."

Karen Davila, Bianca Gonzalez speak up on Gretchen Fullido sexual harassment charge

Iza Calzado reacts to Gretchen Fullido sexual harassment claim

Cheryl Favila camp: "It's not sexual harassment, Gretchen just does not meet journalistic standards."

Gretchen Fullido claims implicit sexual favor asked; Cheryl Favila says texts distorted maliciously

Bryan Revilla airs support for Gretchen Fullido in her fight vs. colleagues

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ogie Diaz sides with Gretchen Fullido in her sexual harassment complaint


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN