Bryan Revilla airs support for Gretchen Fullido in her fight vs. colleagues

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza

Bryan Revilla on Gretchen Fullido: "I'm praying for her. I'll pray for her na bigyan siya ng lakas sa kinakaharap niya ngayon."


Suportado ni Bryan Revilla ang entertainment news anchor at reporter na si Gretchen Fullido sa paghahain nito ng mga reklamong sexual harassment at libel laban sa ilang katrabaho nito sa ABS-CBN News and Current Affairs.

Na-link sina Bryan at Gretchen noon dahil sa mga pagkakataong nakita silang magkasama.

Ngunit pareho nilang itinangging may namamagitan sa kanila.

Pahayag ng panganay na anak nina Bong Revilla at Lani Mercado, “Well, ako, since kaibigan ko ‘yan, very malapit sa akin ‘yan.

"I’ll support her all throughout, all the way.

“And I’m praying for her. I’ll pray for her na bigyan siya ng lakas sa kinakaharap nya ngayon.

"I wish her nothing but the best."

Dagdag pa ni Bryan, “Kasi si Gretchen, napakabait na tao 'yan. Napakasipag niyan.

"She’s one of the most hardworking people I had ever met in show business, and totoong tao ‘yan."

Kailan sila huling nagkita o nagkausap ni Gretchen?

“Ah, kailan ba kami huling nagkita...

“Tinawagan ko siya a few weeks ago. Kumusta-kumusta lang.

"Okay naman siya. She’s okay."

May naikuwento o nabanggit ba si Gretchen sa kanya noon tungkol sa problema nito sa trabaho?

“No, no... wala,” sagot ni Bryan.

“Clueless din ako. Nagulat lang ako. Na-shock lang ako.

“I’ll just pray for everyone na sana maayos ‘to. Maresolba.

"Mabigyan ng hustisya at magkaroon ng solusyon na matapos na."


Stories We Are Tracking

Gretchen Fullido files sexual harassment vs former colleague
Gretchen Fullido files sexual harassment vs former colleague
Lawyer of Favila on Gretchen charge: Baseless
Lawyer of Favila on Gretchen charge: Baseless
Cheryl camp: Gretchen just does not meet journ standards
Cheryl camp: Gretchen just does not meet journ standards
Gretchen: sexual favor implicit; Cheryl: evident malice
Gretchen: sexual favor implicit; Cheryl: evident malice

BRYAN RETURNS TO ACTING

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bryan sa special screening ng pelikulang Tres sa Santolan Town Plaza noong October 8, Lunes.

Kasama ni Bryan na dumalo sa special screening ang dalawa pang mga bida sa Tres at mga kapatid niyang sina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Luigi Revilla.

Ang special screening ay hatid ni San Juan Vice Mayor Janella Ejercito.

Prior to this, nagkaroon din ng special screening ang Tres sa Davao, Naga, at Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

This time ba ay magtutuluy-tuloy na si Bryan sa pag-aartista?

“Sana tuluy-tuloy na,” nakangiting sabi niya.

May next project na ba siyang gagawin?

“Abangan,” pambibitin ni Bryan.

“There’s more to come. We’re working on certain more projects, pero ano na lang, I can’t really talk about it yet, e.

“Pero isang... we will be starting already next year.”

Solo lead na ba siya sa next movie niya?

“Yeah, yes. That’s one. Yung full-length ng ‘Virgo’ lalabas doon.

“So, kung dito feeling ninyo bitin, wala pa ‘yan. Ang daming hindi ipinakita sa Tres.

"May full-length, this was shot really for full-length talaga, e. So, pinutol lang talaga for 35 [minutes].

“This was really cut for an hour and 30 minutes."

Ano ang reaction ng ama niyang si dating Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. sa pelikula nila?

“Well, my papa naman is very proud sa nangyari.

"Sana mapanood niya rin ang pelikula. And hopefully, soon makalabas na rin siya.”

Inusisa rin ng PEP.ph si Bryan tungkol sa balitang tatakbo ulit na senador ang ama niya sa 2019 mid-term elections.

Tugon niya, “Well, hintay-hintay na lang po tayo.

“Yeah, hintayin na lang po natin at ipagdasal na lang po natin.

“One day at a time, and dadating tayo diyan kung talagang itatadhana sa atin.

"Pero as of now, I can’t really talk about certain things kasi hindi pa nila napapag-usapan.

"Hindi pa talaga official."

PEP.ph's complete coverage of the Gretchen Fullido sexual harassment, libel complaints:

Gretchen Fullido files sexual harassment, libel complaints vs ABS-CBN colleagues

ABS-CBN issues statement on Gretchen Fullido sexual harassment complaint

Ces Drilon issues statement about Gretchen Fullido libel complaint

Jerika Ejercito, Melissa Ricks show support for Gretchen Fullido with #IStandWithGretchen

Lawyer of Cheryl Favila, Maricar Asprec on Gretchen Fullido's sexual harassment complaint: "Baseless"

Gretchen Fullido to public amid sexual harassment controversy: "Please just pray for me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Karen Davila, Bianca Gonzalez speak up on Gretchen Fullido sexual harassment charge

Iza Calzado reacts to Gretchen Fullido sexual harassment claim

Cheryl Favila camp: "It's not sexual harassment, Gretchen just does not meet journalistic standards."

Gretchen Fullido claims implicit sexual favor asked; Cheryl Favila says texts distorted maliciously

Bryan Revilla airs support for Gretchen Fullido in her fight vs. colleagues

Ogie Diaz sides with Gretchen Fullido in her sexual harassment complaint


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN