Iza Calzado reacts to Gretchen Fullido sexual harassment claim

IMAGE Instagram

Kapamilya actress Iza Calzado speaks up about the sexual harassment complaint filed by ABS-CBN showbiz news reporter Gretchen Fullido against some colleagues.


Kasunod ng pagputok ng balita tungkol sa paghahain ng reklamong sexual harassment at libel ng ABS-CBN showbiz news reporter na si Gretchen Fullido laban sa ilan sa kanyang mga katrabaho ay ang panawagan ng ilang netizens sa female celebrities, partikular na ang mga nasa bakuran ng Kapamilya network, na maglabas ng kanilang pahayag tungkol dito.

Tila nais ng netizens na ito na magkaroon ng panininidigan ang mga artista lalo na't kapwa nila mga babae at kasamahan ang sangkot sa usaping ito.

Kabilang sa female celebrities na hinihingan ng opinyon tungkol dito ay ang Kapamilya actress na si Iza Calzado.

Sa pamamagitan ng Twitter ngayong Lunes ng gabi, October 8, naghayag ng kanyang saloobin si Iza tungkol sa mainit na isyu.

Ngunit naging maingat ang aktres sa pagbibigay ng pahayag, lalo na't hindi naman daw niya alam ang buong katotohanan.

Ganunpanman, ayon kay Iza, "I commend Gretchen for being brave to come forward and speak up."

Nagkataon din daw na kilala niya ang mga sangkot na personalidad sa magkabilang kampo, kaya mahalaga raw na makipag-ugnayan siya sa mga ito bago mag-post ng mensahe sa social media.

Noong Biyernes, October 5, ay naghain ng reklamong sexual harassment si Gretchen sa Quezon City Prosecutor's Office laban sa dating ABS-CBN News executive na si Chery Favila at ABS-CBN News segment producer Maricris Asprec.

Bukod dito ay sinampahan din ni Gretchen ng reklamong libel ang tatlo pang katrabaho niya sa ABS-CBN News Room—ang broadcast journalist na si Cecilia "Ces" Drilon, news executive na si Venancio Borromeo, at showbiz news reporter na si Marie Lozano.

Sabi pa ni Iza sa huli, "May this matter be about justice and not about women being pitted against other women.

"This is the time for all of us to come together to support one another."

Narito ang buong pahayag ng Ngayon at Kailanman actress:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have been asked to express an opinion on the Gretchen Fullido case.

"I can't express an opinion about it because I don't know all the facts, it is not my place to do this.

"However, I would like to say that I commend Gretchen for being brave to come forward and speak up.

"In this case, I know people from both ends and it is vital for me that I reach out to them first before posting on social media, hence the delay.

"May this matter be about justice and not about women being pitted against other women.

"This is the time for all of us to come together to support one another."

Bago ito ay nagbigay na rin ng kanilang pahayag ang iba pang ABS-CBN personalities gaya nina Karen Davila at Bianca Gonzalez.

PEP.ph's complete coverage of the Gretchen Fullido sexual harassment, libel complaints:

Gretchen Fullido files sexual harassment, libel complaints vs ABS-CBN colleagues

ABS-CBN issues statement on Gretchen Fullido sexual harassment complaint

Ces Drilon issues statement about Gretchen Fullido libel complaint

Jerika Ejercito, Melissa Ricks show support for Gretchen Fullido with #IStandWithGretchen

Lawyer of Cheryl Favila, Maricar Asprec on Gretchen Fullido's sexual harassment complaint: "Baseless"

Gretchen Fullido to public amid sexual harassment controversy: "Please just pray for me."

Karen Davila, Bianca Gonzalez speak up on Gretchen Fullido sexual harassment charge

Iza Calzado reacts to Gretchen Fullido sexual harassment claim

Cheryl Favila camp: "It's not sexual harassment, Gretchen just does not meet journalistic standards."

Gretchen Fullido claims implicit sexual favor asked; Cheryl Favila says texts distorted maliciously

Bryan Revilla airs support for Gretchen Fullido in her fight vs. colleagues

Ogie Diaz sides with Gretchen Fullido in her sexual harassment complaint


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN