Ogie Diaz sides with Gretchen Fullido in her sexual harassment complaint

IMAGE File / Gretchen Fullido (Official Page) on Facebook

Ogie Diaz to Gretchen Fullido: "Ipaglaban mo ang iyong karapatan!"


Naniniwala ang comedian/talent manager/radio host na si Ogie Diaz na tama lang na ipaglaban ng kasamahan sa ABS-CBN na si Gretchen Fullido ang karapatan nito bilang babae at bilang tao.

Kaugnay ito ng sexual harassment complaint na inihain ng showbiz news anchor at reporter laban sa dating ABS-CBN News executive na si Cheryl Favila at news segment producer na si Maricar Asprec.

Sa kanyang regular Facebook status na "Mama OGS Answers” ngayong Miyerkules, October 10, sinabi ni Ogie na nasa panig siya ni Gretchen.

Ano kaya ang magiging sagot niya sa hypothetical question na, “Mama Ogs, ano naman masasabi mo sa kasong isinampa ni Gretchen Fullido laban sa nang-harass sa kanya?"

Tugon dito ni Ogie, “I am for Gretchen. At naniniwala ako sa kanya.

"So, ipaglaban mo ang iyong karapatan, Gretchen!”

Kasunod nito, nagpahaging din si Ogie sa dati niyang boss na si Favila at ang dating head ng News and Current Affairs ng ABS-CBN na si Maria Ressa.

Nag-ugat ito sa tanong kung bakit siya umalis sa Umagang Kay Ganda (UKG), ang morning show ng ABS-CBN.

Si Ogie ang showbiz news reader ng UKG noon at tagabigay din ng mga blind items.

Tugon niya, “Hindi ako umalis. Tinanggal ako nu'ng Oct. 2010 ni Maria Ressa (head ng news and current affairs that time) at nu'ng EP noon na si Cheryl Favila (na idinemanda ni Gretchen Fullido), dahil ang rason nila, tumatanggap daw ako ng PR envelopes sa mga pinupuntahan kong showbiz presscons.

"Ayun, awa ng Diyos, wala na sila sa ABS-CBN, ako, nandiyan pa rin at may existing network contract. 

"So thank you, Lord!”

Sa naunang ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mariing pinabulaanan ng kampo ni Cheryl Favila ang mga akusasyon ni Gretchen.

Sabi pa ni Cheryl, “She’s lying, and we have the documents to prove it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, ‘Pray for me.’ Talagang I will pray for her

"Anyway, mahal naman talaga tayo ng Diyos, kasama yung mga sinungaling.”

Bukod kina Favila at Asprec, naghain din ng reklamong libel si Fullido laban sa tatlo nitong katrabaho sa ABS-CBN News Room—ang broadcast journalist na si Ces Drilon, news executive na si Venancio Borromeo, at showbiz news reporter na si Marie Lozano.

PEP.ph's complete coverage of the Gretchen Fullido sexual harassment, libel complaints:

Gretchen Fullido files sexual harassment, libel complaints vs ABS-CBN colleagues

ABS-CBN issues statement on Gretchen Fullido sexual harassment complaint

Ces Drilon issues statement about Gretchen Fullido libel complaint

Jerika Ejercito, Melissa Ricks show support for Gretchen Fullido with #IStandWithGretchen

Lawyer of Cheryl Favila, Maricar Asprec on Gretchen Fullido's sexual harassment complaint: "Baseless"

Gretchen Fullido to public amid sexual harassment controversy: "Please just pray for me."

Karen Davila, Bianca Gonzalez speak up on Gretchen Fullido sexual harassment charge

Iza Calzado reacts to Gretchen Fullido sexual harassment claim

Cheryl Favila camp: "It's not sexual harassment, Gretchen just does not meet journalistic standards."

Gretchen Fullido claims implicit sexual favor asked; Cheryl Favila says texts distorted maliciously

Bryan Revilla airs support for Gretchen Fullido in her fight vs. colleagues

Ogie Diaz sides with Gretchen Fullido in her sexual harassment complaint


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN