Pumanaw na ang South Korean comedienne na si Lee Ji Soo.
Siya ay 30 years old.
Ayon sa ulat ng South Korean entertainment portal na Soompi, binawian ng buhay si Ji Soo nitong Martes, July 11, 2023.
Ngunit hindi pa isinasapubliko ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Ang biglaang pagpanaw ni Ji Soo ay ikinagulat at ikinalungkot ng malalapit niyang kaibigan, kasamahan sa trabaho, at fans.
Marami rin ang nanghinayang lalo na't nagsisimula pa lamang ang kanyang showbiz career bilang comedienne.
Read: GONE TOO SOON: Moonbin, Sulli, Jonghyun, other Korean stars who died before their 30s
Unang nakilala si Ji Soo nang mag-debut siya sa TVN's Comedy Big League noong 2021.
Simula nito ay nagtuluy-tuloy na ang pagbibigay sa kanya ng proyekto, kabilang na rito ang pagge-guest niya sa iba't ibang comedy shows sa South Korea.
READ MORE:
- Mimiyuuuh clarifies statement on dating someone "na walang pera"
- Andrea Brillantes on girl she saw at Ricci Rivero’s place: “Hubad sa kwarto niya.”
- Andrea Brillantes, Ricci Rivero unfollow each other on Instagram; leave their couple photos
- Alden Richards defends Sharon Cuneta from Maine Mendoza fans: "Huwag po masyadong personalin."
- Alden Richards on soon-to-be bride Maine Mendoza: "Yung naibibigay ni Arjo sa kanya is yung talagang love na deserve niya."
